"Mahal na Gng. Feya. Ako po ay humihingi ng isa pang pagkakataon"aniya ko. Iyak, kaba at takot,iyan ako ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko.Kahit isang pagkakataon ay hindi ako mabigyan ng aking tiyahin. "Gng. huwag naman po kayo magpadalos-dalos sa desisyon niyo"pagmamakaawa ko.
Inabot ko ang kamay nito.
Sa tindi ng pag-iyak at pagmamakaawa ko,ni isa ay hindi umepekto sa kanya.Wala na ba akong karapatan para sa sarili ko?
"Tumayo ka Prinsesa Venice.Hindi ganyan ang asal ng isang Prinsesa"ang wika nito.
"Pangako po Gng. Di na po ako magpapasaway sa inyo. Gagawin ko po ang makakaya ko dito sa palasyo niy-"
"Ngunit buo na ang aking pasya. Hindi nasusukat ang pagiging pasaway mo sa desisyong ito.Isa itong tungkulin, tungkulin mo bilang prinsesa. Dito nakapaloob ang kinabukasan mo na sa gayon ay wala na rin naman ang iyong mga magulang sa tabi mo para mapagbigyan ang kagustuhan mo"
Napabitaw at nagulat ako sa sinabi niya. Napatingala at nagsibagsakan ang aking mga luha sa mata.
"Tumayo ka Prinsesa at paghandaan mo na ang paglisan mo bukas ng umaga"ang wika nito saka'y umalis.
Iyong totoo? Tinataboy niya na ba ako? Pagod na ba siya sa akin?
Umiyak ako ng umiyak sa mga iniisip ko.
"Prinsesa Venice..... "isang matandang babae ang lumapit sa akin.
"Manang Olgha"sabay yakap ko dito.
"Tahan na Prinsesa.. "yakap niya rin sa akin pabalik saka ako'y pinapatahan.
"Manang Olgha... Manang...bata pa po ako.Di ko pa pong gustong mag-asawa"naiyak na naman ako ng sobra.
"Naiintindihan kita Prinsesa.. "
"Kung sa gayon po.... itakas niyo po ako dito Manang"pakiusap ko dito. Natigilan siya at hinarap ako sabay pinunasan ang mga luha ko.
"Naisip ko na iyan kahapon pa bago pa sabihin sa iyo ng iyong Gng. ang desisyon niya pero...-"
"Pero ano po Manang?"Huwag niyang sabihing...
"Pero huli na ang lahat"Naiyak na naman ako sa sinabi niya."Alam ng Gng. na pasaway ka at gagawin mo ang lahat para makatakas kaya pinalibutan niya ng guwardiya ang palasyo"
"Wala na bang.. ibang paraan? "
"Wala na tayong pag-asa pang makatakas... Mahigpit ang pagbabantay na ginagawa ng mga guwardiya"
~~kinagabihan~~
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Magdamag akong di mapakali. Iyong puso ko parang sasabog ng hindi oras. Wala na talaga akong magagawa.. Wala nang paraan.
Sa pag-iisip ko.Narinig kong may mga yabag ng paa papunta ng kwarto ko. Agad naman akong humiga ng kama at nagtakip ng kumot.
Narinig ko ang pag-uusap ng mga guwardiya at ni Gng. Feya.
"Siguraduhin niyong bantayan niyo ng maigi itong labas ng kuwarto niya"ang wika ni Gng.
"Masusunod po kamahalan"- mga guwardiya.
"O sige,pag-igiin niyo ang trabaho niyo ng sa ganoon ay magsitagal pa kayo"-Gng. Feya.
Si Gng. Feya Daenerys - ay ang pinakamalupit kong tiyahin. Simula ng mamatay ang mga magulang ko ay siya na ang kumupkop sa akin. Sobrang lupit niya kaya lahat napapasunod niya.
~~Kinabukasan~~
Pagising ko agad bumungad sa akin ang napakagandang kalesa. Nasa kwarto ako ngayon at dungaw na dungaw ko ang ginawang pagtitipon ng mga guwardiya sa labas.
"Kamahalan kailangan niyo na pong magbihis"ang sabi ng mga serbedora pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
Napatingin ako sa kanila mula ulo hanggang paa.
"Bakit naka-civillian kayo? "mahinahon kong tanong"Hindi ba iyan ipinagbabawal ng mahal na Gng.? "
"Tama po kayo kamahalan. Subalit ang Gng. po ang nagsabi sa amin na magbihis ng ganito"
Bakit daw? Bago ko pa maitanong iyan ay napangunahan na ako ng sagot.
"Huwag na po kayong magtaka kamahalan. Ang tunay pong balak ng kamahalan ay para di kayo makatakas"
Anong konek?
"Alam ng Gng. ang mga paraan mo para makatakas kamahalan.... Naalala niyo po ba noong gusto niyong pumunta ng ilog? Di po ba humiram kayo sa amin ng damit para makaalis ng palasyo? "
Oo nga, ginawa ko iyon sa pagbabalak na makita ang pinakamagandang ilog sa buong kaharian ng mga kaharian. Pero nung pagbalik ko ay nakilala ako ng Gng. at di na pinalabas pa.
"Alam po namin prinsesa na hirap na hirap na kayo... Kaya lang po wala na kaming magagawa pa,kahit po gusto naming tulungan kayo"
"Naiintindihan ko kaya..... Maraming-maraming salamat"yuyuko na sana ako bilang pasasalamat ng bigla nila akong pinigilan.
"Ma-mahal na Prinsesa huwag niyo pong gawin iyan! "nataranta nilang wika.
"Ba-bakit? May mali ba? "taka kong tanong.
"Patawad po kamahalan ngunit bawal po kayo yumuko sa mga mabababang kapulungan ng palasyo"yuko din nila.
Ow? Oo nga pala... Bawal nga.
"Pa-pasensya"iyon na lamang ang nasabi ko. Oo na ako na ang Prinsesa. Hay iyan naman palagi ang dahilan kung bakit ganitong klase ang buhay ko. Bakit pa kasi kailangan ng palasyo? Ng Hari,Reyna? Prinsipe at ng tulad ko?
"Handa na ba ang Prinsesa? "tanong ng Gng. na rinig mula sa labas na lubhang nagpakaba sa akin.
Ito na ba talaga iyong katapusan ko? Ang ibig kong sabihin.... Ito na ba talaga 'yung bagsak o daloy ng buhay ko? Ang maging asawa ng kataas-taasang prinsipe ng kahariang Gornelix? Ang alam ko kasi pipili ng mapapangasawa 'yung pinakamatandang Prinsipe....
Te-teka, matanda? Pi-pili? Ilan ba sila magkakapatid? At... akala ko ba ako mismo iyong mapapangasawa? 'Yung totoo? I-ibig sabihin may pag-asa pa ako?
Natuwa naman ako sa pag-iisip ko.
Pe-pero.... Paano kung mapili ako? Omah! Omahga!
Isang salita ang nagbalik sa akin sa tino.
"Halika na po mahal na Prinsesa... "ang wika ng isang serbedora"Nag-aantay na po ang Gng "
Naiiyak ako ng paalis ng kwarto. Iniisip ko 'yung mga maiiwan ko at lalo na kung makakabalik pa ba ako dito.
Dalawang taon at tatlong buwan na rin akong nandito sa palasyo ng Gng. at napamahal na ako dito.... pero ngayon...... ililisan ko na itong lugar....
BINABASA MO ANG
The 10th Prince
Teen FictionAko si Fleur Venice Icee Daenerys.Isa akong prinsesa.Hindi ako tulad ng Ice Princess,Prinsesa ng mga Nerdy,mga kahit ano-anong uri na tinatawag na prinsesa o ng mga nagpapanggap buhay ng isang Prinsesa.Isa talaga akong tunay na Prinsesa.At bilang is...