Nang lahat ay nasa tamang linya na ay naunang ipinakilala ng Hari ang kanyang unang asawa, ang pangalawa at ang pangatlo.
"Nagagalak kaming makilala kayo"nakangiting bati ng isa pang Prinsesa.
Bakit ganoon... Nagagawa nilang ngumiti eh nasa pagpipiliian sila bilang mapapangasawa ng pinakapanganay na Prinsipe? Baka nga.. magkaiba naman kami ng pananaw. Baka sila handa na at mas gugustuhin nilang maikasal dahil marangyang pamumuhay ang maibibigay sa kanila nito. Samantalang ako di handa at walang alam sa mga bagay-bagay na ganito.
"At aking ipakilala naman sa inyo ang aking mga anak.. "
Kung tutuusin lahat ay may kanya-kanyang kagwapuhan kaya talagang di mong aasahan na mamangha sa kanila gayon din na bumabagay ang mga kasuotan nila sa kani-kanila nilang porma.
"Ang pinakapanganay ko.. Si Prinsipe Hero Flynn Wisteria"pagpapakilala niya sa una na nakapila. Ah siya pala iyong naghahanap ng mapapangasawa.Gwapo naman kaya lang masyadong maraming balbas. Ayoko sa kanya masyado siyang matanda para sa akin. Parang tatlumpu ang agwat namin.
"Sumunod ay si Prinsipeng Leander Fowyn Wisteria"tapik niya dito bago pumunta sa pangatlong nakapila.Gwapo...
"Prinsipe Hanx Wisteria.. "tapik niya sa pangatlo. Gwapo...
"Prinsipe Phille Zace Wisteria.."tapik niya sa pang-apat. Gwapo...
"At si Prinsipe Cassian Wisteria... Sila ang mga anak ko sa una kong asawa"
Tanging ngiti na lamang ang naibigay ko sa kanila at mga Gwapong komento.
Sinunod naman niya ang mga natira pa.
"Prinsipe Byron Wisteria.. "tapik niya din dito. Gwapo...
"Prinsipe Bronx Wisteria.. "tapik niya sa pampito. Gwapo...
"Prinsipe Sprice Wisteria.. "napadako ang tingin ko dito teka si-siya 'yung kaninang nakita ko sa may bandang hardin. Iyong nag-angat ng baba ko.. Tama siya nga. Nagtama naman bigla ang tingin namin kaya binigyan niya ako ng ngiti at agad ko namang sinuklian at yumuko.Nagbibigay galang lang kasi kanina di kami masyadong pormal na nagkilala.
O di ba may kakilala na ako kahit papaano.
Nakita ko pang nakakalokong siniko siya sa susunod sa kanya at bumulong.
"At Prinsipe Tyree Wisteria.Mamaya na kayo magkwentuhan"tapik nito sa pang-siyam niyang anak na agad namang bumusangot. Nakakatuwa tuloy siya. Ang ibang prinsesa at prinsipe natawa na lang sa inasta niya.Gwapo rin siya pero parang makalokohan. "Sila naman ang mga anak ko sa pangalawa kong asawa.."nakangiting sabi ng Hari.
"At ito ang mga anak ko sa pangatlo kong asawa si Prinsipe Harbor Evander Wis-teka nasaan si Evan?"nakakunot-noong tanong ng Hari. "Bakit wala siya rito?"
Agad namang lumapit ang isa sa kanyang mga tagalingkod at nag-anunsyo.
"Ang ikasampu pong Prinsipe ay nasa Kaharian ng Emblon para magsanay"pahayag nito saka yumuko at umalis.
"Naiitindihan ko.. Sayang at di kumpleto ang mga anak ko. Gayunpaman ay ipagpatuloy ko na lamang ang pagpakilala sa mga sumunod kong anak"
"Prinsipe Navy Izara at Prinsipe Nevis Hezekiah Wisteria.. Ang kambal kong mga anak"tapik niya rin sa mga ito. Yumuko naman sila. Siguro dito mas malapit ang edad ko pero tingin ko mas matanda ako sa kanila ng mga isa o dalawa. Nakakatuwa silang tignan,mga gwapo at nagkukulitan.
BINABASA MO ANG
The 10th Prince
Teen FictionAko si Fleur Venice Icee Daenerys.Isa akong prinsesa.Hindi ako tulad ng Ice Princess,Prinsesa ng mga Nerdy,mga kahit ano-anong uri na tinatawag na prinsesa o ng mga nagpapanggap buhay ng isang Prinsesa.Isa talaga akong tunay na Prinsesa.At bilang is...