4 - [ Kapistahan ]

11 1 0
                                    

At dahil simula ngayon ay dito na kami titira sa palasyong Gornelix ay naisipan ng Hari na bigyan kami ng pagsalubong.At iyon daw ay magkakaroon ng kapistahan sa loob ng palasyo.

Hay.. nakakalungkot pa rin isipin na wala na ako sa Furuka.Na-miss ko na kahit na ilang oras pa lang ako nandito. Mas gusto ko doon para kasing wala ako sa lugar dito. Wala akong makausap. Lahat kasi sila may mga kausap.Halata nga iyong mga prinsipe't prinsesa na magkalapit na sila ngayon sa isa't-isa kahit kakakita pa lang nila. Eh ako ito nakapangalumbaba sa balkonahe malayo sa kanila na hanggang tingin na lamang. Wala naman kasi iyong mga prinsipe na nakakausap ko dito, malay ko kung saan pumunta pagkatapos namin maglaro kanina. Hay...

Maya-maya lang ay nagsimula na ang kasiyahan sa palasyo. Sobrang daming masasarap na pagkain ang nakahain sa napakahabang lamesa. Nagkanya-kanya naman kaming upo. Ang mga prinsesa ay nasa bandang kanan ng mesa habang ang mga prinsipe naman ay katapat namin kasama ng mga reyna kaya magkakaharap kaming lahat. Ang mga kaharap ko ay iyong dalawang kambal na prinsipe at si Prinsipe Denzel. Kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nakakatuwa lang kasi nagkakangitian kami habang nandodoon. Hindi ako sanay sa ganito eh. Doon kasi sa palasyo ng Ginang wala akong kasamang kumain. Ewan ko ba, minsan lang kami magkakasama sa hapag-kainan ng Ginang. Dahil na rin siguro sa abala siya sa kanyang ginagawa kaya di niya ako nakakasabay. 

"Atin nang simulan ang kainan"ani ng hari.

Pagkasabi niya ay agad na nagsipag-utos ang mga prinsipe at prinsesa sa kani-kanilang serbedora na nakapalibot sa amin kanina. Kinukuhaan nila ang mga mahaharlika ng pagkaing gusto nila saka ito ilalagay sa lapag nila.

Bakit sa amin ako na iyong kumukuha ng pagkain ko kapag nasa mesa na ang mga hinain? Tapos mamimili na lang ako kung ano gusto ko?

Baka nga iba talaga dito kasi sobrang mayaman itong palasyo.

"Hindi ka pa po ba kakain mahal na Prinsesa?"ang tanong ng serbedora sa akin. Siguro siya ang masisilbi sa akin.

"Ah kaya ko na po"ngiti kong tugon dito.

Nabigla naman siya sa sinabi ko.Maging ang iba ay napatingin na rin sa akin.

Ma-may problema kaya?

"Si-sigurado po kayo prinsesa? "

Tumango naman ako bilang sagot.

"Kaya ko po ang sarili ko. Nakasanayan ko na"ngiti ko ulit dito."Huwag niyo po ako alalahanin sa lamesa lang naman"bulong ko sa kaniya.

Tumango naman siya at bumalik sa puwesto niya sa likod ko.

Nginitian at kinunutan na lamang ako ng noo nina Denzel at Kambal sa inakto ko.

"Kain na ate"senyas pa ni Denzel sa akin.Tumango naman ako at nagsimulang kumuha ng pagkain ko.

Sumunod na inihanda ay ang mga inumin. Ang mga prinsesa ay nagsiinom ng alak kaya ako nagpakuha rin ako sa magsisilbi sa akin ngunit di ako pinagbigyan kasi wala pa raw ako sa tamang edad para uminom non. Madaya... maging patas naman sana. Sa huli tubig na lang ang ininom ko.

At ang pinakahuli na inihanda ay ang panghimagas. Merong mamon, suman, leche flan, biskwit, puto, at iba pang matatamis at mga prutas.

Nabusog na ako sa tingin pa lang.

Pagkatapos ng pista ay nagkanya-kanya naman ulit kami ng mundo. Iyong iba ganon pa rin.

"Mahal na Prinsesa sumama po kayo sa akin.Ipapakita ko po sa inyo ang magiging kwarto niyo"sabi pa ng nagsisilbi sa akin.

Sumunod naman ako sa kanya. Umabot pa kami ng pangatlong palapag bago kami makarating sa paroroonan naming magiging kwarto ko raw. Grabe pinto pa lang kakaibang istilo na agad ang bumungad sa akin. Ano kaya ang nasa loob nito? Maganda kaya?

Nang binuksan ng serbedora ang kwarto ay napanganga ako. Wawewiwowuwala akong masabi. Nganga lang sapat na para maipakita na naengganyo ako sa bumungad sa akin.

Isang napakalaking kwarto ang bumungad sa akin. Lahat kumpleto na. May malaking aparador na kasinkulay ng hmmm... paano ba ang tawag dito? Parang kulay rosas na binawasan ng kulay konti. Parang hinaluan ng puti kaya nagkaganoon ang kulay nito.Kung sa Filipino ay kalimbahin ang tawag dito.Alam ko sa ingles may tawag din dito eh. Hmmm...

Nalagay ko ang hintuturo ko sa sentido habang ang isa nakaturo doon sa malaking aparador. Napapikit pa ang isa kong mata habang ang isa pinatiling nakadilat. Inaalala ko ang tawag don sa Ingles.

"Pa... pank? Ponk? Penk? Penk? Penk ata.." bubulong-bulong kong hula.

Tama Penk ang tawag diyan sa ingles hehe-

"Ito po ang magiging kwarto niyo simula ngayon Prinsesa ng Furuka. Sana po ay magustuhan niyo. Nakaayos na po ang mga gamit niyo kaya huwag niyo na pong ikabahala. Kung may kailangan po kayo pindutin niyo na lamang po ito" hawak niya doon sa bagay kung ano man ang tawag doon malapit sa pinto. "Sa makalawa po ay pupuntahan na lamang namin kayo para sa mahalagang unang pag-aaral" ang mahabang ani niya.

"Bukas ba ay walang mahalagang gagawin?" ang tanong ko dito.

"Sa ngayon po at bukas prinsesa ay ang inyong pagpapahinga. Sanayin niyo po muna ang sarili niyo dito sa palasyo" ngiting tugon nito.

"Salamat" ngiti ko ring tugon.

"Maaari na po ba akong umalis Prinsesa kung wala na kayong kinakailangan?"

Tumango na lamang ako sa kanya. Yumuko naman ito bago nagpatuloy umalis ng kwarto ko.

Linibot ko naman ang kwarto ko.Bukod sa penk na aparador ay may malaki ring bilog na salamin na nakapatong sa isa pang maliit na aparador.May upuan ito sa harapan na kulay puti at may magandang disenyo.

Bukod pa doon ay may mga iba't-ibang mamahaling gamit sa kwarto. Mayroon ding dalawang pinto sa loob. Ang isa ay papunta ng kasilyas, kumpleto ang loob nito. At ang isa naman ay papunta ng terasa.Napakaganda ng tanawin ang makikita mo sa labas ng palasyo sa pamamagitan nito.

Nang hindi mapigilan ang sarili ay agad ako sumalampak sa malaking kama ko doon. Humiga, nagpagulong-gulong at agad tumayo para tumalon-talon.Humiga ako ulit para namnamin ang kama hehe. Hay ang sarap sa pakiramdam.Sobrang napakalambot at maginhawa sa sarili.

Ngunit napatigil din ako sa ginagawa.

Kailan kaya ako makakaalis dito? Matatagalan kaya ang pagpili ng panganay na prinsipe? Mamimiss kaya ako ng Ginang? O talagang wala na siyang balak pa para alisin ako sa lugar na ito?

Napaluha na lang ako sa mga iniisip ko.

Hindi puwede Fleur. Hindi puwede Venice. Hindi puwede Icee na magpadala ka sa kalungkutan mo. Kailangan mong tatagan ang loob mo.

Ngumiti ka Icee. Unang gabi mo palang dito. Maging masaya ka.

Tama... tama..

"Kaya! Kaya! Kaya! Kaya ko ito!"

(ノ・ェ・)ノ (/^▽^)/

Malakas na sabi ko habang tinataas ang kamay. Pinunasan ko rin ang luha ko saka ngumiti.

Ayos! o(^▽^)o

Sa hindi inaasahan ay bumigat ang dalawang talukap ko at unti-unti akong napapikit.

😴😴😴😴😴😴😴

The 10th PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon