5 - [ Ang Palasyo ]

14 1 0
                                    

Gabi na ng magising ako, mga bandang alas diyes. At dahil hindi ako makabalik sa tulog ay minabuti kong lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang napakahabang pasilyo papunta ng hagdanan pataas. Wala kasi akong magawa maliban sa gusto ko na din malibot ang palasyo.

Hmm... ano kaya sa mga taas ng palasyong ito? Hehe

Napangiti tuloy ako sa aking naiisip.

Kung ganoon maganda pala magliwaliw dito sa gabi. Sana walang multo.

Nang narating ko ang-teka anong palapag ba ito? Ah basta ito iyong palapag na sunod sa palapag ng kwarto ko. Medyo wala naman pinagkaiba sa palapag kung nasaan ako. Maliban lang siguro sa mga larawan,pigura na nasa pader at mga naglalakihang halaman sa bawat sulok.

Naglibot-libot muna ako doon at saka pumunta sa sumunod na palapag. Halos wala din namang pinagkaiba. Kung mayroon man iyon ay ang kulay ng bawat palapag.

Pahirapan naman dito. Wala bang madaliang daan paakyat? Kapagod na din kasi. Hehe pero gusto ko malibot lahat eh.

Nang marating ko ang pangatlong palapag mula sa palapag kung saan ang kwarto ko,may pintuan akong napansin kaya agad akong tumungo roon at binuksan ang pinto.

Nakakamangha...

Isa itong balkonahe pero malawak ang espasyo. Mula rito kitang-kita mo ang kabuuan ng bayan ng Gornelix.

Grabe ang ganda.

Kahit gabi na makikita mo pa rin ang mga ilaw sa bawat samabahayan na nagbibigay liwanag sa paligid nito. Natatanaw ko rin ang pinakababa ng palasyo. Mukhang anim na palapag meron ang palasyong ito. Tunay ngang malaki at malawak ang Kahariang Gornelix.

Dahil nakakatakot tumingin sa ibaba ay minabuti kong alisin na lang doon ang paningin ko. Ramdam ko ang kaba pero pag natatanaw mo ang paligid ay maiibsan ito.

Napansin ko rin na may puno na sa bandang kaliwa ko kaya lang hindi na ako pumunta roon para tumingin.Isa pa madilim sa parteng iyon kaya nakakatakot. Maayos na ako sa puwesto ko. Nakapangalumbaba sa balkonahe habang ninanamnam ang simoy ng hangin. Nanunuot sa balat ko ang napakalamig na hatid nito.

Nagtagal ako doon ng ilang minuto nang biglang may narinig akong tila pagsarado ng pinto.Mahina lang ito pero dahil hindi naman maingay ang paligid ay kahit bulong ng maliit na insekto ay maririnig mo.

Wooh! Mu-multo ba iyon?

Wala naman kasi akong napansin na tao rito maliban sa akin at wala rin  guwardiyang nagpapatron sa paligid.

Tumindig tuloy ang balahibo ko.

At dahil doon ay kumaripas ako ng takbo paalis doon. Hirap na hirap tuloy akong tumakbo pababa sa pagmamadali.

Ni hindi ko nga namalayan na napunta na ako sa pinakaunang palapag. Narating ko tuloy ang kusina. Buti na lang hindi ako napansin ng guwardiya at mga serbedora. Ehem magaling ata ako magtago.

Hindi ko na rin pinalagpas ang kumuha ng maiinom. Siyempre tubig lang. Bawal nga kasi ako ng wayn-ah basta!

Tinungga ko ang nakuha ko.. ka-kaya lang pagkatapos ng dalawang minuto parang nahihilo ako.

Anong klaseng tubig ba iyon? Iba din ang lasa. Nanunuot sa lalamunan ko ang bangis nito.

Mabuti pa umakyat na ako.

Agad naman akong naglakad paakyat ng hagdan habang nakahawak sa gilid ng hagdan.

Parang nasusuka at hindi ko na kaya ang katawan ko.

Siguro narating ko na ang pangalawang palapag. Hindi ko na talaga kaya ang sarili ko. Umiikot ang paningin ko at nagiging dalawa ito. Hayss ano ba naman kasi ang ininom mo Icee.

Maya-maya lang may napansin akong taong naglalakad sa pasilyo. Nakatalikod ito. Mahaba ang buhok, itim ang suot pambaba-pantaas, at malamodelo kung maglakad. Hays buti na lang may serbedora akong nakita. Tinawag ko naman agad ito.

"Hoy!"

Napalingon pa nga siya. Hindi ko lang maaninag ng maayos ang mukha.

"Yoohoo! Patulong naman ateng serbedora*hik*"

Hindi naman ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Ayaw niya akong pansinin? Sino ba itong serbedora para masumbong ko sa hari?

"Serbedora" tawag ko rito. Doon naman siya napatingin sa akin kaso malabo na masyado.

Ah umiikot ang paningin ko.

"Se-serbedora..."

The 10th PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon