2 - [ Gornelix Palace and the Princes]

10 1 0
                                    

Pagkatapos ng mahaba-habang emosyonal na pagmamakaawa at pamamaalam ay nakarating na ako ng palasyo.

Mula sa pagbaba ko ng kalesa ay natanaw ko ang napakalaki at napakagandang kaharian ng Gornelix.Medyo nanginginig at naiiyak pa rin ako pagtapak pa lang ng pinakamalaking kaharian sa buong mundo.Hindi ko inaasahan na makikita ko ang matagal ko ng inaasam.Pero iba ang dahilan ng pangarap kong ito.Hindi ko inakala sa ganitong paraan pala ako makakahantong sa lugar na ito.

Mula sa kinatatayuan ko hanggang sa napakalaking gate ay ilang metrong haba ng pulang alpombra (karpet/carpet) ang madadaanan ko.Sa paligid nito ay makikita ang tila nagsiningning na tubig dahil sa sinag ng araw at napapaligiran ng mga rebulto't halaman.

Sa paligid nito ay makikita ang tila nagsiningning na tubig dahil sa sinag ng  araw at napapaligiran ng mga rebulto't halaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mga ilang water lilies naman ang nakalagay sa isa pang maliit na lawa na may mga isda na kulay ginto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mga ilang water lilies naman ang nakalagay sa isa pang maliit na lawa na may mga isda na kulay ginto.Sa pagkakaalam ko Go-go-gourd fish? gourd fish ata tawag nun sa Ingles.

"Ehem"

Ah basta 'yun na 'yun.Mahal daw yung mga ganong klaseng isda.

"Ehem"

Di ko lang maintindihan kung bakit di naluluto yung mga ganon,masyado kasing espesyal,mukha pa namang maganda prituhin,isinigang at ihawin.Yum sarap!

"Ah *ehem*ehem* Binibini ah-este Prinsesa"napalingon naman ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko nang makita ang maganda niyang mukha.

Imbes na magsalita ay napatitig na lang ako este napatulala sa kanya.

"Pi-prinsesa"Hoh-hoh hmm? Bakit kaya?

Mga ilang segundo pa ay hinawakan niya ang baba ko paangat.

"'Yung laway mo tumutulo na"sabi niya palakad paalis habang natatawa.

Ha-huh?

Madali ko namang kinapa ang gilid ng bibig ko at-at totoo nga! Kadiri ko hays.Dahil toh dun sa isda e.Pinapatakam ako.

*Gurlhlogh*

Nagsalita na yung tiyan ko.Pano ba naman umalis ako ng hindi kumakain.

Agad akong naglakad para pumasok sa nakaabang nilang malaking gate.Grabe ang daming guwardiya.Nagsipagyuko sila sa akin ng makaapak ako ng mamahaling pintuang-daan nila.Ang ganda ng kulay ng uniporme nila...kulay abo ang pang-itaas nila na may mahabang manggas at medyo madilim pa sa abo yung pambaba nila.Napalibutan ang gilid ng manggas nito ng palamuti na kulay ginto.

"Masayang Pagdating po Mahal na Prinsesa ng Kahariang Furuka"bati sa akin ng pinuno ng guwardiya.

Bumati rin ako.

Hindi naman ako masaya....

Pagkapasok ko,agad bumungad sa akin ang napakamamahaling gamit at sha-sha-shandeller?? shandeller ba iyon?? Ganun pagbasa eh malay ko rin ang tamang pagbaybay. Iyong nasa taas ng kisame?? Nakakalungkot at pasensya naman malay ko bang wala akong alam sa lengguwaheng Ingles.

Dali-dali na rin akong pumasok bitbit-bitbit iyong mahaba kong damit na halos ikadapa ko na.Hay naku naman...tsk nakakirita ang haba kasi akala mo pamunas sa sahig.Ika nga ganito talaga pananamit ng isang prinsesa pero hindi naman mukhang prinsesa ang ugali ko.Aba malay ko ba. Prinsesa o di prinsesa walang magbabago.

Sa pagbaybay ko ng loob ng palasyo, nakita kong may mga ilan ring nagsidatingan at puro kababaihan este puro prinsesa sa magagarbo nilang pananamit. Tiningnan ko iyong suot ko. Maayos naman.Nagsilibot din ang mga tingin nila sa paligid at may kanya-kanyang paypay na nakatakip sa kani-kanilang mukha.Ah 'yan ang wala ako. Nasira ko eh hehe. Tinuruan kasi ako nuon kung paano tamang gumamit ng pamaypay, eh sa marunong ako nagpaypay ako ng malakas. Kaya ayun sabog ang pamaypay. Pinagalitan pa nga ako nun kasi di raw ako marunong at di marunong mag-ingat ng gamit.Bakit ano ba layunin ng pamaypay di ba nagbibigay presko sa katawan o di kaya pinapalamig ka? Di naman mali ginawa ko.Anong silbi ng pamaypay kung nasa tropikal na bansa ka. Magpapaypay ng sobrang hina? Ano magagawa non sa katawan ko? Eh ang init-init pa--

Di ko naipagpatuloy ang pakikipagbanggayan ko tungkol sa pamaypay ng may nagsalita na Ginoo sa may hagdan na siyang ikinatuon ng pansin ng lahat.

"Maligayang pagdating mga prinsesa"nakangiti nitong pagbungad sa amin.

Di ako nagkakamali... Siya si Haring Vladimir o Vlad kung tawagin ng lahat.

Agad naman kaming nagsipagyuko bilang paggalang sa mas makapangyarihang hari.

Sabay-sabay namin din siyang binati bilang tugon at mas lumapit ng konti sa kanya upang mas magkakaintindihan kami.

"Masaya po ako kamahalan na makilala kayo"nakangiting bati ng isang prinsesa na puro puting perlas ang palamuti sa katawan.

Ang ganda..... bagay na bagay sa balingkinitan nitong katawan at pumares pa sa suot niyang puti rin. Huwaw Dyosa ng kagandahan...

Este maraming Dyosa dito na nakatayo hindi lang siya.

"Masaya rin akong makilala kayong lahat"tugon pa ni Haring Vlad."Halikayo sumunod sa akin at ipapakilala ko kayo sa aking mga anak at mga asawa."

Agad naman kaming sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami ng isang malapad na silid-tanggapan. Grabe ang mamahalin ng nasa paligid. Nakakamangha.

Pagkarating na pagkarating namin ay tinawag ni Haring Vlad ang mga naglilingkod sa kanya na pababain ang kanyang mga anak.

Nakalinya kaming mga prinsesa habang nag-aantay.Siguro mga dalawampu't-apat kaming mga Prinsesa ang naroon na dumating.

Maya-maya lamang ay may naririnig kaming mga yabag at halakhakan na tila galing sa kwentuhan. Agad naman akong napalingon sa dako nila at kita ko ang isa-isa pagbaba ng mga prinsipe sa hagdan. May naghaharutan, nag-uusap, nayayamot at mga nakangiti.

"Ang aking mga anak...... "

The 10th PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon