Agad ako nagising kinaumagahan. Napahawak ako sa aking ulo dulot ng kakaibang epekto.
"Ayos na ho ba kayo kamahalan?"
Lumaki tuloy ang mata ko. Bigla-bigla kasi nagsalita ang serbedora na nakatayo malapit sa higaan ko.
"Narito po ang mainit na sabaw at isang hiwa ng abokado. Sabi ng Tandang Lingkod ay mabisa raw ito laban sa alak" turo niya pa roon sa pagkain na nakalatag sa maliit na mesa.
Anong sabi niya? Anong alak?
"Ano po ang iyong sinasabi?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.
Mabisa raw panlaban sa alak? Bakit? Sino bang nakainom? Hindi kaya namali nang pinagbigayan ang serbedora?
"Ang bilin ho sa akin ng Tandang Lingkod ay ipakain ho sa inyo itong inihanda niya dahil daw po lango kayo sa alak kagabi kamahalan"
"Ako lango sa alak?"turo ko sa sarili ko. Sigurado ba siya?
"Opo Mahal na Prinsesa"
"Sigurado ka ba? Hindi naman ako uminom ng alak?"nalilito kong tanong. Itong serbedora pinagpipilitan ang sinasabi. May ebidensya ba siya?
Tumango siya.
"Nagsasabi po ako ng totoo kamahalan"mahinhin niyang tugon.
Wala na akong nagawa kundi maniwala. Mukha naman nagsasabi siya ng totoo at mismong ang Tandang Lingkod ang naghanda ng pagkain ko. Isa pa may natandaan ako kagabi na serbedorang tinatawag ko.
Inilapit ng serbedora ang pagkain sa akin. Agad kong kinuha ang sabaw. Masarap sa umaga ang mainit na sabaw.Sunod-sunod kong nilagok ang laman ng mangkok dahilan ng pagkagulat ng serbedora.
"Kamahalan hinay-hinay lamang po. Mainit pa po iyan!"lumapit siya sa akin,hindi alam kung anong gagawin.
Wala na siyang magawa nang maubos ko ang laman.
"Ayos lamang. Hindi na ganoon kainit ang sabaw"nginitian ko siya. Mukha namang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko.
Baka mamaya niyan isipan niya ganoon ako lumaklak ng alak.
Tiningnan ko ang naroon pa sa mesa.
Abokado.....
Hindi ako sanay na walang lasa ang abokado.
Tiningnan ako ng serbedora.
"Ayaw niyo po ba ng abokado kamahalan?"tanong nito.
"Hindi— este ang gusto kong sabihin ay hindi ako sanay na walang asukal at gatas ang kinakain kong abokado"
Tumango-tango siya at ngumiti ng malapad.
"Huwag kayo mag-alala kanahalan. May dala po ako kung sakali pong hindi masarap ang abokado"tuwang-tuwa niyang tugon saka kinuha ang asukal at gatas na nakapuwesto sa hindi kalayuan sa amin. "Nagbabasakali po ako kung magugustuhan niyo po ba sana ang alok ko kaso mukha pong pareho tayo ng paraan"mukha talagang masaya siya sa nalaman.
"Mabuti naman may kapareho ako dito ng panlasa"malapad kong ngiti. Tinulungan niya akong sandukin ang laman ng abokado at ilagay iyon sa isa pang malinis na mangkok saka niya inilagay ang gatas at asukal. Dinurog niya ito at hinalo bago ibigay sa akin.
Pinasalamatan ko siya at kinuha mula sa kaniya ang abokado. Sarap na sarap ako sa kinakain.Nilantakan ko na nga. Mga pitong minuto ko lang ata naubos ang lahat.
Matapos kumain ay saka ako ulit bumaling sa serbedora.
"Um..ano nga pala pangalan mo?"
Malaki naman ang ngiti niyang tumingin sa akin.
"Laciel po kamahalan" tugon niya nang may mapagkakumbaba.
Tumango ako at ngumiti.
"Ah Laciel, um may naalala ka bang babae na mahaba ang buhok na nakakita sa akin kagabi?" nasa mukha ko ang pag-aantay ng sagot.
Baka kasi kilala niya. Hindi ko pa kasi nakikita iyon dito eh.
Kumunot naman ang noo ni Laciel. Saka napalitan ng ngiti.
"Babae po? Baka po ang Tandang Lingkod ang iyong tinutukoy mahal na prinsesa. Siya po kasi ang naghatid sa iyo kagabi dito eh". Sagot niya.
"Ah, ganoon ba?" napakagat ako sa kuko.
Imposible kasi eh. Namumukhaan ko naman ang Tandang Lingkod kasi nasa selebrasyon siya noong piyesta. Siya namahala sa mga tagasilbi na maghatid ng mga pagkain at mag-ayos ng mga gamit.
Sino kaya siya?
BINABASA MO ANG
The 10th Prince
Novela JuvenilAko si Fleur Venice Icee Daenerys.Isa akong prinsesa.Hindi ako tulad ng Ice Princess,Prinsesa ng mga Nerdy,mga kahit ano-anong uri na tinatawag na prinsesa o ng mga nagpapanggap buhay ng isang Prinsesa.Isa talaga akong tunay na Prinsesa.At bilang is...