Elixxee's Povi
May humila sa akin kaya napabitaw ako kay Demi. Tinignan ko kung sino sina Kuya. Niyakap niya ako sa likod at pinipigilan na lumapit kay Demi. Nilapitan nina kuya Hunter at kuya Jaycee si Demi. Hanggang ngayon nanlilisik pa din ang aking paningin. Pinapakalma ako nina kuya. Pinainom nila ako ng tubig para pakalmahin. Dumating din ang security guard at hinuli ang mga trespasser. Lumayo na ako doon at kung baka kung ano pa magawa ko sa kanya.
"Ano bang nangyayari sa'yo?
"Huminahon ka nga Elle, muntik mo na siyang mapatay dahil sa galit mo!"
"Kung hindi na kami dumating baka napatay muna lahat sila. Alam namin na kayang kaya mong pumatay pero nakakasama sayo!"
"Hinarang nila ako at pinakiusapan ko na silang tigilan nila ito kaso dinadagdagan nila galit ko. Kilala niyo po ako hindi ko napipigilan galit ko pag sa mga ganitong sitwasyon."
Napahinga nalang ako ng malalim at dinala nila kuya sa ospital si Demi. Umuwi na din kami nina kuya Ac. Tahimik lang ako, nanginginig pa din ako sa galit. Hindi ko alam pero kelangan kung ilabas ang galit ko. Nang makarating kami sa bahay dumiretso ako sa aking kwarto at nagpalit saka ako pumunta sa basement namin. Nagpraktis na ako ng boxing. Dito ko nalang ilalabas ang galit ko. Bata palang kami sinanay na kami ng mga magulang namin na self defense para sa aming kapakanan. Kalahating oras na dito ako nang dumating si kuya. Alam ko kakausapin lang ako ni kuya tungkol sa nangyayari. Iimbestigahan ko yung nangyari.
Habang nag-eensayo ako dumating yung mga kuya ko. Tinitignan nila ako at parang may pinag uusapan. Sana huwag makarating kina mom at dad. Lumapit silang apat at umakyat sa ring. Tuloy-tuloy lang ako sa pagsuntok ng pinatigil na nila ako. Tahimik akong napaupo at pinagmasdan lang nila ako. Alam kong sisitahin lang nila ako sa nangyari kanina. Tinanggal ko na ang aking gloves at uminom ng tubig. Lumapit sila sa akin at tinignan."What are your plans!" sabi ni kuya Ac.
"Hindi ko pa alam kuya!" sagot ko
"Know your limitations in doing such decision" sabi naman ni kuya Jaycee
"Opo, alam ko naman po yung nagtitimpi naman po ako pero sinasagad nila pacencia ko."
"Hayaan mo andito lang kami" sabay na sabi nung kambal kong kuya at sabay na nagtawan."
Tok ! Tok ! Binatukan ni kuya amAc at kuya Jaycee yung kambal dahil sa mga pinagsasabi nila.
"Kaya matapang yan kasi kinokonsinti niyo."
"E back up lang naman kuya, dba lil sis" kindat sa akin ni kuya.
Babatukan na naman sana ni kuya Ac si kuya Wyatt pero nakatakbo na sila. Napaisip na ako kung ano ipapataw ko bukas sa dalawa.
"Kung ano man yang binabalak mo ngayon, wag mo munang ituloy." sabi ni kuya Jaycee
"Ano bang balak mo?"
"Balak kung kidnapin sila at ihazing sila yung tipong ako ang pumapalo hanggang hindi na sila makalad! Hahaha" sabay tumawa.
Nakita ko sa mukha nila ang pagkatakot at pagkabahala. Alam kung hindi nila ito papayagan. Nagbibiro lang ako titignan ko lang kung ano ang magiging reaksyon nila.
"Huwag mo nang ituloy yan masiyadong delikado". sabi ni kuya hunter
"At bakit hindi sinimulan nila ako ang tatapos sa kanila."
"Tok ! Binatukan nila ako. Ayst ang hilig nila mambatok e. Nakakaapat na sila."
"Eh delikado nga para sayo!"
YOU ARE READING
Taste of you
General FictionNaranasan mo na bang maiinlove ng hindi inaasahan ? Yung deny deny stage ka pa? Nagkacrush sa campus hearthrob? Nakipag-away sa mga bitches sa skul? E yung Crush ka din ng crush mo ? Ito yong storya mo? Basahin mo ito at Muling balikan ang nakaraan...