Nasa gym kayo ni Jimin para sa fourth date niyo. Naisipan niyo nalang magdate sa gym dahil trip niyo lang na ibahin ang style ng pagdadate niyong dalawa.
Jimin: Next date natin ay maghiking naman tayo.
You: Okay lang sa akin, basta kasama kitang nag eenjoy sa date natin.
Kinurot ni Jimin yung pisngi mo at pumasok na kayo ng tuluyan sa loob ng gym. Nagpa register muna kayo ni Jimin at maya maya lang nagsimula na kayong mag exercise.
Habang nag eexercise kayo ay may mga babaeng nagpapacute kay Jimin, napansin mo yun kaya naman tinignan mo si Jimin. Nakita mo naman siyang seryoso lang sa pag eexercise kaya pinabayaan mo nalang yung mga nagpapacute sa kanya. Pero habang tumatagal ay yung mga babae na nagpapacute kanina ay nagiging papansin na sa paningin mo, at dun mo na rin nakita na kaya pala nagpapansin sila ay nakita mo si Jimin na kinakausap na pala yung mga babae.
Tinry mo talaga ang best mong maging kalmado bago mo tawagin si Jimin.
You: Baby! Samahan mo naman ako dito oh.
Jimin: Excuse me mga girls pero tinatawag na ako ng asawa kong maganda.
Halos malaglag na ang panga ng mga babaeng nagpapacute kay Jimin at ikaw ay pinanlakihan mo siya ng mata.
You: Bakit mo naman sinabi yun Jimin!? Halaa baka paasa ka niyan ah..
Jimin: Para hindi magalit ang cute at nag iisang babaeng mahal ko.
Dahil tao ka, kinilig ka sa sinabi ni Jimin. Umalis na rin kayo ng tuluyan sa gym at naisipan nalang nila na mag drive thru sa paborito nilang kainan, kahit alam nila na galing sila sa gym ay kaya naman nilang mabawasan ang timbang nila ulit.
Jimin: Baby, magbigay ka nga ng lugar na gusto mong puntahan..
Out of the blue na tanong sayo ni Jimin, dahil ganyan ang scenary niyo sa kotse niya, sinagot mo mo yung tanong niya.
You: Hmm, gusto kong makapunta sa lugar mo.
Tumingin siya sa saglit at napangiti siya, ikaw naman ay nagtataka kung bakit siya ngumiti.
Jimin: Eh ano namang gusto mong theme?
You: Theme? Para saan naman haha?
Jimin: Kahit anong theme hahaha, magbigay ka lang baby..
You: Oh-kay?? Gusto ko ng flower theme, sabihin na nating garden ganun? Pero wait nga! Bakit ka naman nagtatanong ng ganyan Jimin?
Hindi mo na kayang hindi magtanong sa kanya dahil naweiweirdahan ka na sa kanya, at ang tanging sagot niya lang sayo ay ang nakakabuntis- este nakakapatay na ngiti, to the point na hindi ka na babangon.
Nakarating na rin kayo sa tinutuluyan niyong bahay at duon na kinain yung tinake out niyong pagkain, habang hinahanda mo yung kakainin niyo ay si Jimin naman nasa kwarto niyo dahil sinabi niyang maliligo muna siya, kaya habang nag aayos ka sa kusina ay naisipan mong hintayin siya sa sala kapag natapos ka ng maghain.
Pumunta ka na sa sala at binuksan mo yung t.v. bumungad sayo ang itsura ni Jimin, halata mong video ang nagplaplay sa t.v. niyo mismo. Napapanood mo na parang gumawa ng mv si Jimin kasama ang mga kaibigan niyang sina Rapmon, Jin, Suga, Jhope, V at Jungjook. Natutuwa ka sa pinapanood mo at hindi mo namalayan na tapos na ang video, pero hindi mo napansin na meron pa palang kasunod yun. Kaya naman pinanood mo pa, next na napapanood mo ay ang mga pics niyo ni Jimin at minsan ikaw na stolen. Akala mo tapos na talaga yung video ulit pero may nabasa ka sa screen ng t.v. niyo na, "Tumingin ka sa likod mo baby." kaya naman ikaw ay napatingin sa likod at nakita mo si Jimin na nakaluhod na may hawak na singsing.
Jimin: I may not be the perfect man for you baby, but I can give you happiness that no man can give except me and our future babies. Will you say yes? When I ask you to marry me baby?
Nakatitig ka kay Jimin at naluha ka sa simpleng sinabi niya sayo, dahil mahal na mahal mo si Jimin... Ang sagot mo ay,
You: Yes... Yes Jimin!
Kinuha ni Jimin yung kamay mo at nilagay niya yung singsing sa daliri mo, pagkatapos nun ay niyakap ka niya at inikot ikot ka at sumisigaw siya ng yes habang ikaw ay natatawa sa cute na reaction niya.
He is not the perfect man for me but who cares? He is my happiness in the end.
•End•
I would like to dedicate this to
Chimchim_hearteu 090197KOOKIE onlymykookie Kelly-user08058364 Ann__chim2 MILKAMIKMIK2003, Chloe_Diosaaa