Jungkook

240 7 0
                                    

Nasa kotse kayo ni Jungkook, hindi mo alam bakit ka nandoon eh alam niyo namang dalawa na matagal na kayong break.

Magsasalita ka na sana kaso naunahan ka ni Jungkook.

Jungkook: Gusto kang makausap ni Rapmon Hyung..

Oh, kaya naman pala. Pero ano naman kaya ang pag uusapan namin? Tanong mo bigla sa sarili.

Tahimik kayo buong byahe dahil nararamdaman mo ang awkward sa loob ng kotse, naalala mo bigla kung paano kayo nagbreak. On and off relationship kayo, nagsasawa ka na, na puro nalang ganyan. Hindi naman sa kulang ka sa pagmamahal sa kanya pero minsan kapag off kayo ay nakikita mo siyang may kasamang ibang babae, hindi ka pa ba magsasawa doon? Kaya naman naisipan mo na officially break na kayo.

Nakarating kayo sa pupuntahan niyo, doon sa Dorm nila. Pagkatapos magpark ni Jungkook ng kotse ay tumuloy na sila sa loob, diresto silang pumunta ni Jungkook sa Sala at nakita nila doon si Rapmon na nagsusulat sa isang papel.

Jungkook: Hyung nandito na kami.

Napatingin si Rapmon sa inyong dalawa at tinapik niya yung upuan kung saan aiya nakaupo.

Rapmon: Upo muna kayo.

Sinundan niyo yung sinabi ni Rapmon kaya naman umupo kayong dalawa pero pinili mong hindi kayo magkatabi ni Jungkook.

You: Uhm.. Bakit nga pala gusto mo ako makausap Lead?

Nakasanayan mo na kasing tawaging Lead si Rapmon kaya naman kahit wala na kayo ni Jungkook, hindi pa rin nawawala yung dating pagkaxclose mo sa kanila.

Rapmon: Inuunahan na kita Princess, alam kong wala na kayo ni Jungkook.. Pero gusto ko kasi na ikaw yung maid of honor sa kasal ko at si Jungkook naman yung best man ko.

Oh.. Kaya naman pala pinatawag ako ni Lead, pero ano!? Maid of honor??

Rapmon: Alam kong hindi pa nagsisink in sayo pero yung kasal ko ay bukas na, I know masyadong maaga ang lahat sayo at hindi ka prepared pero ready na ang mga kaylangan mo Princess para bukas. Ikaw nalang ang kaylangan ko bukas.

Dahil sobrang bilis ng pangyayari ay wala ka ng nagawa kung hindj tumango nalang. Natapos na rin ang pag uusap niyo at sinabi na rin sayo ni Rapmon na sa dorm ka nalang din magstay, para bukas hindi na siya mahirapang pumunta pa sa dorm para ayusan siya.

Hinatid ka ni Jungkook sa kwartong matutuluyan mo, tahimik kayong naglalakad patungo sa kwarto mo. Noong naihatid ka na niya sa kwarto mo at akmang papasok ka na ay bigla siyang pumasok sa loob.

Dahil sa gulat ay natulak mo siya palayo sayo.

Jungkook: Sorry...

Yan lang ang sinabi niya at naramdaman mo ulit yung kirot sa puso mo, naalala mo na naman yung huling beses na nagkita kayo at yan din ang sinabi niya sayo.

Jungkook: Babe... Please, sorry...

Pagkasabi na pagkasabi niya iyon ay napaiyak ka.

You: Jungkook, please lang... Tapos na tayo

Di mo napansin na humihikbi ka na at niyakap ka ni Jungkook, wala ka ng lakas para itulak siya kaya naman pinabayaan mo siyang niyayakap ka niya.

Jungkook: Alam kong huli na ang lahat pero gusto kong magpaliwanag sayo, papakinggan mo ba ako? Babe?

Tumango ka nalang sa kanya at inalalayan ka niyang umupo kayo sa kama.

Jungkook: Noong nagbreak tayo... Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na mag explain sayo Babe, Ouch yun.

Natawa ka naman ng konti sa huli niyang sinabi at natawa din siya.

Jungkook: Mag uumpisa ako bakit tayo laging on and off, naghahanda ako noon, naghahanap ako ng tutulong sa akin na isupresa ka sana. Kaso ako itong nasupresa, alam kong sa pananaw mo eh nangbabae ako... Oo yun ang pagkakamali ko, pinapakita ko sayo na may mga babae ako pero ang totoo hindi ko sila naging babae. Kung baga kasama sila sa supresa ko sayo noon, kung... Kung maibabalik ko lang ang dati at iba yung ginawa kong paraan.

Lumuhod Jungkook sa harapan mo at hinawakan yung kamay mo.

Jungkook: Alam kong sobra ka ng nabibilisan sa pangyayari, pero handa akong maghintay at maghirap ulit. Babe, Y/N, can I be your boyfriend again?

You: ... Alam kong sobrang bilis ng pangyayari Jungkook... Pero hayaan mo munang hanggang kaibigan muna ang maibibigay ko sayo.

Niyakap ka ni Jungkook at niyakap mo siya pabalik.

Jungkook: Of course! I will wait Babe, thank you! Thank you!

You: Thank you din, Babe.

Jungkook: A-anong sabi mo?

You: Babe, bakit? Ayaw mo ba?

Umiling si Jungkook at hinalikan ka niya sa noo.

Jungkook: Syempre gusto ko!

You: Yun naman pala hahaha, ay! Oo nga pala.. Ano pala yung supresa mo dapat sa akin?

Jungkook: Ahh, yun ba? Sa susunod nalang yang supresa na yan Babe. Sa ngayon, payakap muna.

You: Baka nakakalimutan mo Jungkook, friends muna tayo.

Jungkook: Oo naman Babe! Ito naman, o sige.. Pahinga ka na muna dito, kakatakot nalang ako mamaya para tawagin ka kung kakain na.

Tumango ka kay Jungkook at hinatid mo siya sa pintuan ng kwarto mo.

Kahit gaano man kahirap ang pagsubok na binigay sayo, hindi ka dapat basta basta sumusuko.

•End•

I would like to dedicate this to 090197KOOKIE onlymykookie Mrs_Min06glayzagomera10 ShielaMaeSanchez4, Chloe_Diosaaa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I would like to dedicate this to 090197KOOKIE onlymykookie Mrs_Min06
glayzagomera10 ShielaMaeSanchez4, Chloe_Diosaaa

BTS + You (One Shot) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon