Rap Mon

333 16 0
                                    

Tumawag sayo si Rap Mon kanina at sinabi niyang mag suot ka ng dress dahil may pupuntahan kayo. Wala kang idea kung saan kayo pupunta at bakit kailangan pa na mag dress ka.

Hindi rin nagtagal at sinundo ka na rin ng pogi mong boyfriend na si Rap Mon sa tinitirahan mo. Nang makita mo si Rap Mon na ganun ang suot niya medyo nanibago ka, dahil hindi siya masyadong ganun magsuot.

You: Ang ayos natin ngayon ah, saan ang punta natin??

Kinindatan ka niya bago siya sumagot sa tanong mo.

Rap Mon: Syempre dahil may pupuntahan tayong importante. It's a surprise.

Napabusangot ka sa last na sinabi ni Rap Mon, dahil minsan ayaw mong mag surprise siya sayo dahil minsan iba ang kalalabasan ng mga sinusurprise niya.

You: Baka naman niyan ang next mong surprise ay aakyat tayo sa Mount Everest niyan...

Tumawa si Rap Mon sa sinabi mo at inakbayan ka niya, naglakad kayo patungo sa kaniyang kotse.

Rap Mon: Yan sana ang balak ko, kaya lang special ang surprise ko ngayon sayo.

Medyo nakahinga ka ng maluwag sa sinabi niya at pumasok na kayo sa kotse niya.

Huminto kayo sa isang field kung saan maraming magagandang hot air balloon, napaisip ka na kung ito na ba ang sinasabi niyang 'special surprise'.

Rap Mon: Kung sasakay tayo sa hot air balloon ngayon, anong pipiliin mo sa lahat ng nakikita mo?

Hmm, napaisip ka kung ano nga ba ang pipiliin mo sa maraming magagandang hot air balloon na nakikita mo, sadyang walang nakakuha ng mas gusto mo sa lahat ng magaganda hot air balloon maliban sa isa.

You: Ayun ang gusto kong sakyan natin.

Tinuro mo kay Rap Mon yung simpleng design ng hot air balloon, tumango siya at hinawakan niya ang kamay mo. Pinuntahan niyo ang nagmamanage ng hot air balloon at kinausap ito ni Rap Mon.

Habang kausap ni Rap Mon ang nagmamanage, tumingin tingin ka sa paligid mo. Napansin mo na kayo lang ni Rap Mon ang tao sa field, maliban nalang sa mga nagmamanage ng mga hot air balloon.

Rap Mon: Tara na (y/n), tiyak na magiging masaya kapag baba natin dito.

Kumunot naman ang noo mo sa huli niyang sinabi, magiging masaya ako kapag bumaba ako? Medyo naguguluhan ka na kay Rap Mon at dun tumango ka nalang sa kanya at inalalayan kayo ng nagmamanage na makaakyat sa hot air balloon.

Pataas ng pataas ang hot air balloon at nagagandahan ka sa view na nakikita mo. Biglang naramdaman mo na niyakap ka na pala ni Rap Mon sa likod.

Rap Mon: Maganda ba ang view?

You: Oo sobrang ganda!

Rap Mon: Buti naman at nagandahan ka, hindi pa ito ang special surprise ko sayo.

Dahil na open ulit ang topic sa special surprise niya sayo, naisip mo na ito na ang chance mo na itanong ito sa kanya.

You: Uhm, Rap Mon... may itatanong sana ako sayo.

Rap Mon: Hmm??

You: Curious na curious talaga ako sa special surprise mo sa akin... hindi naman sa inuunahan kita sa surprise mo pero, hindi naman tayo tatalon bigla dito noh??

Tawa lang sagot ni Rap Mon sa sinabi mo at niyakap ka niya ng mahigpit.

Rap Mon: Sorry kung minsan ang surprise date ko sayo ay hindi mo talaga ineexpect (y/n)... pero gusto ko lang talaga na maging memorable ang date natin, kaya naman lagi kitang sinusurprise kapag nagdadate tayo.

You: Ano ka ba naman! Hindi mo kailangan magsorry, minsan kasi nakakatakot ang surprise date natin... pero nag eenjoy ako dahil kasama kita.

Rap Mon: Buti naman at kung ganun, dahil nagsisimula palang ang special surprise ko.

Hinarap ka ni Rap Mon sa kaniya at binigyan ka niya ng halik sa labi, hindi rin nag tagal at naghiwalay na kayo sa paghalik sa isa't isa. Napatingin ka sa likod ni Rap Mon at marami ng hot air balloon sa paligid.

You: Wow, ang ganda pala ng hot air balloon sa malapitan... lalo na kung nasa taas na ito.

Nagagandahan ka sa mga hot air balloon na nakapaligid sa inyo ng may mapansin ka sa hindi kalayuan sa inyong hot air balloon na sinasakyan.

Biglang may tumayong tao sa isang hot air balloon at nakilala mo si Jin pala yun! Na may hawak ng WILL, tapos tumayo si Suga na may hawak na YOU, sunod si J-hope na may hawak ng OUR, si Jimin na may hawak ng LEADER, si V na may hawak naman ng RAP, at ang huli na si Jungkook na may hawak ng MON?

Hindi mo na gets ang mga hawak nila, kaya naman napatingin ka kay Rap Mon at nagulat ka ng makita mo siyang nakaluhod at may hawak ng MARRY at sa isang kamay ay may nakalahad na singsing. Napatingin ka ulit sa members at binasa mo ang mga hawak nila, "WILL YOU MARRY OUR LEADER RAP MON?" Hindi mo ineexpect na ito pala ang sinasabing special surprise ni Rap Mon sayo kaya naman hindi mo masabi sa kanya ang gusto mong sabihin dahil samu't sari ang nararamdaman mo.

Rap Mon: Noong unang palang hindi ko alam kung paano kita pasasayahin, dahil alam mo naman na wala ako lagi sa tabi mo dahil busy kami... pero hindi hadlang yun sa atin dahil kita mo naman ngayon, tayo pa rin (y/n). Naisipan kong lagi kitang isurprise sa kakaibang paraan, sorry kung minsan extreme na pala ang surprise ko sayo. Pero bandang huli masaya tayong umuuwi at buhay pa tayo... hindi naman sa pinagmamadali kita (y/n), pero gusto ko lang na maging tayo na as a husband and wife at para malaman ng mundo na akin ka lang.

You: Hindi ko naman ineexpect na ganito ka pala mag special surprise, edi sana napag handa ko na... pero sabagay surprise nga ang tawag.

Pagkatapos mong sabihin yun ay lumuhod ka rin katulad ni Rap Mon at hinalikan mo siya sa labi.

You: Yes Rap Mon, I will marry you.

Shock ang mukha ni Rap Mon at hindi masyadong nagregister sa utak niya na nag yes ka sa kanya. Hindi rin nagtagal ay sinuot niya sa daliri mo ang singsing at niyakap ka niya ng mahigpit, niyakap mo rin pabalik ng mahigpit si Rap Mon.

Tumayo kayong dalawa sa pagkakaluhod at humarap si Rap Mon kanila Jin at sumigaw ng...

Rap Mon: NAG YES SIYA! MAGIGING GROOM NA AKO! KAYO ANG MAGIGING NINONG NG MAGIGING ANAK NAMIN! WHOO!!

Lahat ng members ay nag sitalunan sa kani-kanilang hot air balloon at sumisigaw sila ng congrats sa dalawa.

Tumingin sayo si Rap Mon at nagtitigan kayo ng ilang minuto at pagkatapos ngumiti sa isa't isa.

Rap Mon: Excited na akong maging Mrs. Kim ka na.

You: Excited na rin akong maging parte ng pamilya mo, I love you..

Rap Mon: I love you too.

•End•

I would like to dedicate this to 090197KOOKIE JamaliahAmerol marianna132512, marymenzelove, Chloe_Diosaaa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I would like to dedicate this to 090197KOOKIE JamaliahAmerol marianna132512, marymenzelove, Chloe_Diosaaa

BTS + You (One Shot) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon