J-hope

356 15 0
                                    

Nasa dance studio kayo ni J-hope at gumagawa siya ng bagong dance steps, nang biglang tumunog yung cellphone niya.

You: J-hope, may nagtext sayo.

J-hope: Pwedeng pacheck kung sino yung nagtext (y/n)?

Kinuha mo ang cellphone niya na malapit sayo at binasa mo ang message.

*message: To- Honey
Hi bae! Nagstastart ka na bang gumawa ng dance steps? Galingan mong sumayaw ah! Love yah, hart hart.*

Jhope: Sino yung nagtext (y/n)?

You: Yung matamis mo sa buhay ang nagtext!

Jhope: Huh? Matamis sa buhay ko??

You: Oh ito yung cellphone mo at ng makita mo kung sino ang nagtext.

Nagwalk out ka at pumunta sa labas para makalanghap ng sariwang hangin at sa hindi inaasahang pangyayari ay may nakabunggo ka.

You: Sorry.

Stranger: Sorry.

You: Ah, okay lang.

Stranger: Sorry talaga, hindi kita nakita.

You: Okay lang, hindi rin naman kita nakita.

Tumango nalang kayo sa isa't isa kaya lang nagtanong siya sayo na kinanunot ng noo mo.

Stranger: Alam mo ba kung na saan si bae?

Napaisip ka sa sinabi niyang bae, dahil parang pamilyar siya sayo. Narealize mo lang na baka ito yung honey ni J-hope na nagtext sakanya kanina.

You: Bae??

Nagpanggap kang hindi mo alam kung sino tinutukoy niya dahil baka nagkamali ka lang na siya yung honey na nagtext kay J-hope.

Stranger: I mean si J-hope.

Dun mo napagtanto na siya si Honey, hindi ka nagpahalata na tinitignan mo siya mula ulo hanggang paa. Hmmm, di hamak na maganda siya sayo ng 1% .

Stranger: Uhm, hello??

Hindi mo namalayan na space out ka at nagsmile ka sa kanya.

You: Ah, oo.

Tinuro mo kung na saan si J-hope dun sa honey na nagtext sa kanya at mabilisan kang naglakad palabas dahil nakita mo na ng personal yung Honey.

Sa dance studio naman... nagtataka si J-hope kung bakit bigla nalang nag walk out ikaw, kaya naman tinignan niya kung sino ang nagtext sa kanya.

*message: To- Honey
Hi bae! Nagstastart ka na bang gumawa ng dance steps? Galingan mong sumayaw ah! Love yah, hart hart.*

Gumuhit ng ngiti ang labi ni J-hope sa nabasa niyang text at akmang lalabas sa dance studio para iexplain sa sayo kung sino si honey ng biglang bumukas yung pintuan at bumungad sa harapan ni J-hope si Honey.

Honey: Baeeee!!

Niyakap ni Honey si J-hope at niyakap pabalik ni J-hope si Honey.

J-hope: No time no see couz!

Sinapak ni Honey si J-hope ng marinig nito na tinawag siyang 'couz'.

Honey: Sabing huwag mo akong tawaging couz eh! Panira ka, alam mo yun?

Tumawa si J-hope sa sinabi ni Honey at inakbayan niya ito.

J-hope: Wala eh, ganun talaga couz, nga pala... nakita mo ba ang maganda kong girlfriend?

Honey: Ah, si (y/n) ba yun? Nakasalubong ko siya kanina.

J-hope: Oo siya yun, saan? Kailangan ko siyang makausap.

Hindi na pinasalita ni J-hope ang kanyang pinsan na si Honey at tuluyan ng lumabas sa dance studio.

Nakaupo ka sa malapit ng bench ng dance studio at kumakain ka ng favorite ice cream mo, ng may naramdaman kang may umupo sa tabi mo. Pero patuloy ka pa rin sa pagkain ng ice cream mo ng may humablot sa kinakain mong ice cream, kaya naman napatingin ka sa katabi mo na si J-hope pala! Ang magaling mong boyfriend.

You: Oh, bakit ka nandito? Samahan mo na nga yang honey mo!

At inagaw mo kay J-hope yung ice cream mo, akmang kakainin mo na sana ang ice cream mo ng kinuha ulit ni J-hope ito ulit.

J-hope: Ayaw ko nga, gusto ko ikaw ang kasama ko.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay kumagat din siya sa ice cream mo. Dati kapag kumakain kayo ni J-hope sa iisang ice cream kinikilig ka, pero ngayon naiirita ka sa ginawa niya.

You: Psh, sinungaling. May pa bae pang nalalaman...

Narinig mong tumawa si J-hope sa sinabi mo kaya naman tumingin ka sa kanya ng masama.

J-hope: Bakit ganyan ka makatingin sa akin baby?

You: Baby? Seriously J-hope? Patawa ka rin pala.

Lumayo ka ng kaonti kay J-hope at lumalapit naman sayo si J-hope. Dahil malapit ka na sa dulo ng bench, tumigil sa paglayo kay J-hope dahil wala ka namang mapapala sa kakalayo sa kanya.

J-hope: (y/n), yung nagtext sa akin na si Honey... hayy paano ko ba ito sisimulan?

Napatingin ka kay J-hope at nakita mo siyang matamlay na kinakain yung ice cream mo, kaya naman kinuha mo yung ice cream mo sa kanya at inubos mo na ito.

You: Simulan mo kung saan ba dapat... aaminin ko, naging immature ako kanina pati ngayon, eh kasi naman....

Hindi mo na natuloy ang sasabihin mo dahil niyakp ka ni J-hope at hinalikan ang pisngi mo.

J-hope: Pinsan ko kasi si Honey, tinatawag niya akong bae kasi ako daw ang gusto niya sa bts. Alam ko namang selosa ka (y/n), basta tandaan mo na itong boyfriend mo... kahit gaano mang babaeng aaligid sa akin, ikaw lang ang pipiliin kong makasama habang buhay. I love you (y/n), wala ng ibang lalakeng magmamahal sayo kung hindi ako lang.

You: I love you too J-hope, at ikaw lang din ang lalakeng mamahalin ko.

Hindi rin nagtagal ay niyaya ka niyang pumasok ulit sa loob ng dance studio, ipinakilala ka rin niya sa pinsan niyang si Honey.

•End•

I would like to dedicate this to 090197KOOKIE, Chloe_Diosaaa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I would like to dedicate this to 090197KOOKIEChloe_Diosaaa

BTS + You (One Shot) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon