V

240 8 0
                                    

Nasa kwarto kayo ni V dahil yun ang gawain niyo kada Sabado, kungbaga ay yung ang bonding time niyo.

V: Bae! Ano na ang gagawin natin?

You: Hmm? Wait lang, check ko lang sa journal ko ang gagawin natin bae.

Weird man pero meron kayong gawain kada Sabado at nililista niyo ito sa journal mo, sa madaling salita... Kada Sabado ay ang Date Time niyo. Kinuha mo yung journal sa malapit na cabinet at binuklat mo ito para makita kung ano nga ba gagawin niyo sa araw na ito.

You: Nakasulat dito na maglalaro tayo ng RPS??... At kung sino ang nanalo ay gagawa ng punishment para sa natalo, at sa natalo naman ay gagawin ang punishment habang buhay. Wait... Bakit habang buhay naman ang punishment bae!?

Napatingin ka kay V na nakatingin sayo with matching killer smile niya. Kaya naman lumapit ka sakanya at tinaasan mo siya ng kilay dahil sa binasa mo.

V: Bakit bae? Wala naman akong ginawang masama ah, tsaka tanggapin mo na yung punishment..

Tumabi ka kay V sa kama at tamad kang humiga kasama ang journal sa kamay mo.

You: At bakit ko tatanggapin yung punishment aber? Ako ba yung talo? Aba! Ako ata ang Queen of RPS dito.

Natawa si V sa sinabi mo at tumabing niyakap ka niya, ikaw naman ay tinutulak mo siya sa pagkakayakap pero dahil si V ay si V, wala ka ng nagawa kung hindi yakapin din siya pabalik.

V: Ito naman... Kapikon mo bae hahaha, ikaw na kasi ang Queen of RPS. O siya tara at maglaro na tayooo!!

Hinila ka paupo ni V at inayos niyo yung pwesto niyo sa kama. Napag usapan niyong hanggang limang points lang at kung sinong talo ay wala ng magagawa sa punishment na ibibigay ng panalo.

V & You: Rock.. Paper.. Scissors.. Shoot!!

Sa unang attempt ay nanalo si V, next si V ulit, third and fourth ay ikaw, fifth si V, sixth ikaw ang nakakuha, seventh parehas kayo ng napili, eighth si V at ang pinakalast na na attempt dahil kinakabahan ka na, dahil isang point nalang at si V na ang panalo. Kaya naman napag isipan mong magrock dahil nafifeel mong magsciscissors siya, and the moment of truth...

V & You: Rock.. Paper.. Scissors.. Shoot!!

Nagulat ka bigla sa resulta ng laban niyo, napatayo si V sa sobrang shock niya. Dahil ang nanalo ay walang iba kung hindi si V! Napasuntok sa ere si V habang nagsasabi ng paulit ulit ng yes at ikaw naman ay napahiga ulit sa kama, ang O.A man pakinggan pero parang binaksakan ka ng semento sa pagkatalo mo sa RPS and at the same kinakabahan ka sa punishment na ibibigay ni V sayo, knowing V... Kakaiba ang takbo minsan ang utak nito.

Napatingin sayo si V at binigyan ka niya ng nakakatakot na ngiti, o nagdedelusyon ka na sa sobrang kakaisip mo sa punishment niya sayo.

V: At ang punishment ng aking bae ay....

Nilapitan ka ni sa Kama at pinaupo ka ulit, lumuhod siya bigla sa harapan mo at hinawakan ang dalawa mong kamay. Takang taka ka naman sa ginawa ni V at bakit kaylangan niya pang lumuhod bago sabihin ang punishment niya sayo...

V: Be my wife forever bae.

Be my wife forever bae..

Be my wife forever..

Be my wife..

OMFG!! Sa sobrang late magfunction ng utak mo ay nagulat ka sa sinabi ni V!

You: Dont tell me... All this time kada nagdadate time tayo ay may iniiwan ka palang clue! Aish, nakakainis ka V!

Napaluha ka at naalala mo ang past date niyo ni V at ang mga iniiwan niyang clue para sayo. Si V naman ay mukhang nataranta at niyakap ka niya habang nagsosorry sayo.

You: Bakit ka nagsosorry sa akin? Oo na! I will be your wife bae kahit walang forever.

Biglang napatigil si V sa pagsosorry at napatingin siya sayo, hinawakan mo yung mukha niya at hinalikan mo siya sa noo.

You: Thank you and I love you V..

Bulong mo sa kanya at yayakapin mo na sana siya ulit kaso hinalikan ka niya sa labi!

V: I love you too and thank you, pero meron pa rin forever bae. Remember your punishment?

Natawa ka bigla sa huling sinabi niya at tumango ka nalang. Dahil sa sinabi ni V sa huli, naniniwala ka palang may forever...

•End•

I would like to dedicate this to elaizafaye_ user23744457 090197KOOKIE JamaliahAmerol glayzagomera10 lobsterpenguin2020 AndreaBaysa8 marianna132512 AndriaLelis3 andiijl-Andria, Kharentotsx, shane_andrino05, Chloe_Diosaaa, KimRhennn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I would like to dedicate this to elaizafaye_ user23744457 090197KOOKIE JamaliahAmerol glayzagomera10 lobsterpenguin2020 AndreaBaysa8 marianna132512 AndriaLelis3 andiijl-Andria, Kharentotsx, shane_andrino05, Chloe_Diosaaa, KimRhennn


BTS + You (One Shot) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon