Reminder: y/n is your name, para po dun sa hindi nakakaalam :).
Nasa kusina kayo ni Jin at naghihiwa siya ng gulay, habang ikaw naman ay pinagmamasdan mo siyang maghiwa. Hindi rin nagtagal nagtanong ka sa kanya dahil naging curious ka sa isang bagay.
You: Jin... may gusto sana akong itanong sayo.
Napatingin sayo si Jin at hininto niya yung paghihiwa sa gulay.
Jin: Anong itatanong mo sa akin (y/n)?
You: Hindi ko alam kung bakit ako...
Jin: Bakit ikaw??
You: Oo.
Naguluhan si Jin sa sinabi mo, kaya naman lumapit siya kung nasaan ka.
Jin: Ano nga ba ang dahilan kung bakit ikaw?
Sasagutin mo na sana ang tanong niya ng magsalita siya ulit.
Jin: Wala naman akong gusto sayo.
Nagulat ka sa sinabi ni Jin at para bang na inis ka sa huli niyang sinabi. Akmang aalis ka na ng bigla ka niyang niyakap.
You: Huwag mo nga akong mayakap yakap! Bumitaw ka nga at ako ay magpapahangin sa labas.
Pero kabaliktaran ang ginawa ni Jin sayo, niyakap ka pa niya lalo at naramdaman mong hinalikan niya ang buhok mo.
Jin: Ayaw kong bumitaw, dahil kung gagawin ko yun... baka mawala ka na ng tuluyan sa akin. Tsaka hindi naman talaga kita gusto (y/n), dahil mahal kita simula nung nakita kita.
Napahinto ka sa sinabi niya at uminit na rin yung pisngi mo dahil sa sinabi niya.
You: Akala ko pa naman....
Jin: Akala mo hindi kita gusto? Well hindi naman talaga kita gusto simula nung una. Dahil maniwala ka man o hindi, pero na love at first sight ako sayo.
Dahil may love life ka sa buhay, hindi mo maiwasang kiligin lalo na ang boyfriend mo ay parang nasa kaniya na ang lahat.
You: Pero madami namang babae diyan na mas better sa akin..
Jin: Para sa akin wala ng mas better kung hindi ikaw.
You: Baka dumating naman ang araw na...
Hindi pinatapos ni Jin ang sasabihin mo at niyakap ka niya ng mahigpit.
Jin: Shhh, hindi darating ang araw na yun. Dahil ikaw ang magiging ina ng anak ko at ang nag iisang babae na mamahalin ko habang nabubuhay ako.
Napatango ka nalang sa sinabi ni Jin at humarap ka sa kaniya.
You: Sorry kung masyadong nega ang mga iniisip ko, hindi ko rin alam kung bakit..
Hinalikan niya yung noo mo at niyakap ka niya ulit. Nagtagal kayo sa pwesto niyo at ine enjoy yung moment ng biglang hawakan ni Jin yung dalawang braso mo at nakita mong lumaki ang mata niya. Nagtataka ka kung bakit lumaki bigla ang mata niya.
You: Bakit Jin??
Jin: Hindi ka naman ganyan dati (y/n), hindi kaya..... buntis ka?
•End•
I would like to dedicate this to 090197KOOKIE Avril Shane Andrino-shane_andrino05 JerlynAhit UknownAlien, marymenzelove, Chloe_Diosaaa