Frank P.O.V
Nandito na ako ngayon sa park, ngunit wala akong Sam na nakikita.Muli kong inikot ang paningin ko at tiningnan ang bawat bench doon.
Wala talaga dito si Sam.Nasaan ba talaga sya ngayon?
Kahit basang basa na ako ay hindi ko na ito ininda pa.
Napa upo na lang ako sa swing dito kahit basang basa na ako.Napa singhap na lang ako ng makita kong may tumatawag sakin.
'Calling Dad'
Masasagot ko ba 'to ngayon o hahanapin ko na muna si Sam?.Pero baka impotarte 'to.
Tumakbo na lang ako sa pinaka malapit na bench doon na may bubong at sinagot ang tawag.
'Son,nasaan ka?.Balita ko hindi ka pa daw umuuwi?'
'Isa ata tong himala DAD?Buti naman nagkaroon ka pa ng TIME para mabalitaan na wala pa ako sa bahay?',sagot ko dito ng pabalang.
Lagi na lang syang wala sa bahay at laging umaalis ng bansa para sa meeting nya sa iba't ibang bansa.Halos hindi na nga kami nagkaka kita lagi sa bahay,kung magkikita man ay tungkol pa sa bussiness ang kanyang mga pangaral sakin.I don't think that I'm his son now.Hindi na nya ako kinaka musta kung kaya't nagulat na lang ako ngayon at tumatawag sya.
'I'm still you're father Frank!Bigyan mo ko ng respeto.'
'Yeah DAD?Am I your son?Don't worry uuwi na ko maya maya.',huli kong sagot sa kanya at binabaan sya ng tawag.
Pagod at lungkot ang nararamdaman ko ngayon habang unti unti akong napa upo sa upuan dito sa bench.
Ano naman kaya ang dahilan ni dad at napa tawag sya ngayon?Tsk.Ang kailangan ko ngayon ay ang hanapin si Sam.Kung kaya't dinial ko sya sa kanyang phone,ngunit nagri-ring lang na naman ito.
Nasaan ba talaga sya?Hindi ako dito mapapalagay kung kaya't tumakbo na akong patungong kotse habang dina-dial ko parin ang phone ni Sam.Naka rating na ako sa kotse ngunit hindi parin sya sumasagot.
Napa buntong hininga na lang ako ng dahil dito at nag drive na lang patungo pa sa ibang pwedeng mapuntahan ni Sam.
Nagaalala na talaga ako Sam.Seryoso.Alas dose na.
Samantha P.O.V
Naka upo parin kami dito sa bench at parang walang balak magsalita.Masyadong napaka tahimik ng atmosphere namin ngayon ni Sean.
Ngayon lang to nangyari sa buong pangyayari sa samahan naming dalawa.Nakaka panibago dahil ngayon walang kibuan.
Para bang may naka harang na isang pader sa aming dalawa. Isaang malaki at matatag na pader sa pagitan naming dalawa.
Walang kibuan,na para bang kapwa naming puso ay naguusap lamang.Kung paano nya hawakan ang aking kamay ng mahigpit at ang pagtingin namin sa kalangitan na umuulan parin na walang mga bitwuin.
Sobra akong kinakabahan kung kaya't alam kong ramdam nya ang panglalamig ng aking mga kamay.
Laking gulat ko na lang ng marahan nyang haplusin ito.Gayun na lang ang pagtalbog ng puso ko ng napaka taas at para bang may hinahabol na karera ang puso ko sa kanyang ginawa.
Hindi pa sana ako magpapatinag ngunit pinisil naman nya ito.Ito naman na ang naging dahilan ng pag angat ng ulo ko sakanya.
Hindi ko pinahalata na nagulat ako sa mga ginawa nya.Marahan na lang akong napa lunok sa ginawa nya at nakipag titigan sa kanyang mga nangungusap na mga mata.

BINABASA MO ANG
The Complicated Life Of The Bitch
Teen FictionLahat ng tao nag-mamahal,pero hindi lahat napag bibigyan. Kagaya ko,hindi ko alam kung mahal niya ba ako o ano? Nag-mahal sa bestfriend,nagpaka-tanga,umasa,na friendzoned,nasaktan ng sobra. Yan ang buhay ni Samantha Anna Gomez. Sa pagpapatuloy ng b...