Prologue
"Hindi mo mababago ang nakaraan dahil lang sa papatayin mo ako, nakikita ko ang itim mong kaluluwa! Nakita ko kong anong ginawa mo sa kanya, pinatay mo siya, hindi ako natatakot sa pwede mong gawin sa akin, alam kong kaya mong gawin sa akin ang ginawa mo sa kanya!" Hingal na hingal na nagsisigaw ang dalaga sa madilim na eskinita kong saan siya takbo ng takbo.
Kahit na magtapang-tapangan siya, alam niyang anumang oras mawawalan na siya ng buhay, nakita niya 'yon, nakikita niya ang hinaharap, madalas niyang makita ang mangyayari sa ibang tao, sa pagkakataon na ito, nakita niya ang kanyang sariling kamatayan.
Paglabas niya sa eskinita, isang ilaw ang sumalubong sa kanya hanggang sa mabungo siya ng humaharurot na kotse, sinadyang banggain siya dahil hinihintay ang kanyang paglabas sa eskinita, kinaladlakad siya nito, walang nakakita ng ginawa ng nagmamaneho sa kotse dahil sa likod ito ng abandonadong junkshop naganap ang lahat.
Saka lang hininto ng lalakingng nagmamaneho sa kotse, ang dalaga naman ay nasa kalsada, bali-bali ang buto sa katawan dahil sa nangyari, nagkalat ang dugo sa kalsada, labas pa ang buto nito sa siko dahil sa pagkaladkad.
Lumabas ang lalaki sa kotse na hindi pa rin pinapatay ang ilaw sa unahan ng kotse, hinahanap niya ang bangkay nang dalaga, nang lapitan niya ito ni walang emosyong makikita sa mukha niya o awa para sa pinatay.
Bigla na lang itong ngumisi na bahagya pang sinipa ang ulo ng dalaga, "akala mo kong sinong matapang, wala akong pake alam kong nakita mo ang ginawa ko, basta ang alam ko naman hindi mo na masasabi ang lahat kasi patay ka at wala ka nang magagawa roon." Sabi ng lalaki saka siya muling pumasok sa kotse niya at magmaneho paalis sa nasabeng lugar.
----------
Hanggang dito na muna tuloy prologue pa lang naman, ang way ng pagsulat sa kwentong ito ay first person POV ng bida natin sa kwento.
![](https://img.wattpad.com/cover/106056246-288-k17025.jpg)
BINABASA MO ANG
Hunting Murder
ParanormalSimula pagkabata nawalan na ng paningin si Cassy dahil sa isang aksidente, labing-limang taon siyang hindi nakakakita hanggang sa magkaroon siya ng eye donor, nang mailipat na sa kanya ang mata ng eye donor, naging successful naman ang operasyun han...