3rd Vision
Makalipas ng tatlong araw kailangan ko nang sumailalim sa operasyun, nakahiga ako sa kamang tinutulak nila patungong OR, alam kong nasa tabi ko lang si papa na hawak-hawak ng mahigpit ang kanang kamay ko, siguro tumutulong din siya sa pagtulak ng hinihigaan ko.
"Wag kang kakabahan Cass na andito lang si papa," narinig ko ang maamong boses ni papa.\
Napangiti na lang ako kahit hindi ko siya nakikita, alam ko naman na hindi ko niya ako papabayaan.
"Cassy tuturukan ka na namin ng pang patulog para sa operasyun mo," rinig ko naman ang boses ni nurse Rica, siya 'yong nurse na nag-alalay at kumausap sa akin habang hinihintay namin ang oras ng operasyun.
"Sige po," pagsang-ayon ko na lang.
Ilang segundo lang ng maramdaman kong may mahapdi at tumusok sa kanang braso ko, bahagya akong napapikit para pakalmahin ang sarili ko sa sakit, saglit lang 'yon saka ko naramdaman na parang pinupunasan ang tinurukang parte.
"Papasok na po tayo Cassy, maiwan na po muna kayo rito Mr. Fuentes." Sabi naman ng boses lalaki kay papa.
Dahan-dahan na lang bumitaw si papa sa akin at nakaramdaman na rin ako ng pagkaantok, narinig ko pa ang sinabi sa akin ni papa na wag akong kakabahan bago ako tuluyang lamunin ng antok ko.
HALOS mag-iisang buwan na akong nasa ospital, simula kasi nang magising ako sa operasyun naramdaman ko na lang na may takip sa mata ko, ang benda, kailangan munang pagalingin ang sugat dahil sa operasyun ang pagkakaalam ko ngayon tatangalin ang benda, isang buwan na nakaka-bored na hindi ako pwedeng lumabas.
Nabasag ang katahimikan sa silid ko nang marinig kong magbukas ng pintuan na para bang may pumasok, sinundan ko kong saan nang gagaling ang ingay, narinig kong may tumatakbo sa silid ko.
"Ate wag mong isusumbong na andito ako sa loob ng silid mo," narinig ko ang maliit ngunit tama lang para marinig ko, parang pagmamay-ari ng isang batang lalaki.
"Hindi kita nakikita bata kaya ayos lang, bakit ka ba na andito?" Tanong ko sa kanya.
Ilang segundong tumahimik bago siya sumagot, "bulag ka po ba ate, bakit may blindfold ka po?"
Natawa na lang ako sa tanong ng bata, "hindi 'to blindfold, ang tawag dito eh benda, may sugat kasi, dati oo bulag ako pero pagtinaggal na 'tong takip sa mata ko, makakakita na ako."
"May magic po ba yang benda ninyo at makakakita na kayo?" Tanong uli ng bata.
Natawa na lang uli ako, "naku wala ka pa atang alam sa mga nangyayari sa mundo, hindi naman totoo ang magic, ilang taon ka ba at anong pangalan mo?"
"Seven na ako ate tapos ako po si Ford."
Tama bata pa siya kaya pala ang inosente ng mga tanong niya sa akin.
"Bakit ka ba na punta sa silid ko, may pinagtataguan ka ba, baka mamaya hinahanap ka na nila?"
"Ang pangit kasi ni Kuya Wasim 'yon 'yong nagbabantay sa akin, palagi niya akong pinapainom nong mapait na gamot, ayoko na n'un gusto ko nang lumabas ng ospital at makipaglaro sa mga kaibigan ko, tapos kong ano pa 'yong mga pinagsasabi niya na hindi ko maintindihan, madalas pa niyang sabihin na gwapo raw siya, sabi nila masama ang magsinungaling, kong ano-ano tinuturo niya sa akin, samantalang bata pa naman ako."
Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko sa bata sa kwento niya sa akin, pero nakakagaan ng pakiramdam at least hindi na boring, may nakakausap ako habang hinihintay ang pagdating ng bibisita sa akin.
"Ate sa oras ba na gumaling ang mata mo, aalis ka na ba rito?" Parang nawala ang sigla sa boses niya hindi katulad kanina.
"Oo naman, ga'nun naman talaga, pagmagaling kana, kailangan mo nang lumabas at bumalik sa bahay ninyo, bakit?"
BINABASA MO ANG
Hunting Murder
ParanormalSimula pagkabata nawalan na ng paningin si Cassy dahil sa isang aksidente, labing-limang taon siyang hindi nakakakita hanggang sa magkaroon siya ng eye donor, nang mailipat na sa kanya ang mata ng eye donor, naging successful naman ang operasyun han...
