2nd Vision

3.1K 103 4
                                        

2nd Vision

 Hinihintay ko si papa sa pinag-iwanan niya sa akin, pero sa pagkakataon na ito hindi niya ako iniwan sa kong saan lang, nasa loob ako ng campus kong saan siya nagtrabaho, dumiretso na muna kami sa New Kenny University para magpaalam ng personal sa dean ng paaralan na sasamahan ako ni papa sa ospital para kausapin ng personal ang doktor ko.

 Kailangan ko lang siyang hintayin, ang sabi niya nasa pasilyo raw ako kong saan ako nakaupo sa hilera raw ng mga upuan, tahimik naman ang buong paligid dahil may klase na siguro sa mga oras na 'to, may mangilam-ngilan lang akong naririnig na yapak at magiging tahimik uli.

 Hawak-hawak ko lang ang baston ko nang maramdaman kong may tumabi sa akin sa kanang upuan, pinapakiramdaman ko lang siya, pero hindi ako umiimik.

 "Alam mong na andito ako ngayon sa tabi mo," bahagya pa akong nagulat nang magsalita siya, isa pa pamilyar ang boses niya, parang narinig ko na sa kong saan.

 Narinig ko siyang tumawa, may nakakatawa ba sa akin, pinagtatawanan niyang bulag ako, ang mga normal nga naman wala nang magawa sa buhay.

 "Mister kong wala kang magawa pwede namang hindi ako ang pagdiskitahan mo diba," sabi ko na lang sa kanya.

 "Sorry miss pero ang higpit kasi ng pagkakahawak mo sa baston mo kaya ko nalaman na naramdaman mo, totoo nga ang sabi nila na malakas ang pakiramdam ng mga bulag."

 Doon ko naramdaman na mahigpit nga ang pagkakahawak ko sa baston ko, so keen observer na pala siya ngayon.

 "Miss ikaw diba 'yong nasa simbahan kahapon, 'yong nabunggo kong bulag, 'yong anak ni Mr. Fuentes."

 Nagulat ako sa mga sinabi niya, kaya pala pamilyar ang boses niya, tama siya nga 'yon, ang liit nga ng mundo, nagtagpo na naman kami, naalala ko tuloy na inis na inis sa kanya si papa may ideyang pumasok sa isipan ko. Tatanungin ko sana si papa kong magkaano-ano sila pero nakalimutan ko na sa madaming nangyari kahapon.

 "Estudyante ka rito ano, naalala ko inis sayo si papa nong makita ka niya, siguro isa ka sa mga pasaway na estudyante niya," 'yan ang ideya ko kong bakit inis na inis sa kanya si papa.

 "Huh?" Parang nagulat siya sa hinala ko.

 Narinig ko uli siyang tumawa, "parang ga'nun na nga."

 "Sabi ko na nga ba, may klase na tapos nasa labas ka pa rin, siguro nag-escape ka sa klase mo ngayon."

 Lalo siyang natawa sa sinabi ko, parang wala lang sa kanya.

 "Alam mo na tutuwa ako sayo, mas nakakatuwa kang kausap kesa sa papa mong sobrang sungit."

 "Isusumbong kita na sinabi mo yan sa akin," pero hindi ko naman 'yon sasabihin biro ko lang sa kanya.

 "Ayos lang na sabihin mo sa kanya para malaman niya ang hinaing ko, ano palang pangalan mo? Total nakausap ko na ang nag-iisang anghel sa buhay ni Sir. Fuentes, ako nga pala si Malcolm Pineda."

 Sa pakikipag-usap ko sa kanya at kong paano siya makipag-usap sa akin, parang easy-go-lucky siya, walang pake alam sa mundo parang puro lang saya, next time itatanong ko kay papa kong ilang beses niya itong napagalitan sa klase.

 "Ako si Cassy, Cass ang tawag sa akin ng best friend ko at ng papa ko."

 "Pwede bang Cass na rin ang itawag ko sa iyo?" Tanong niya.

 "Hindi naman tayo magkaano-ano at saka---"

 "Stanger," sabay sa tawa na naman niya, alam niya kong anong sasabihin ko, "hindi na tayo stranger kasi nagkausap na tayo at alam na natin ang isa't isa."

 "Para sa akin stranger ka pa rin sa akin," pagdidiin ko.

 Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "ok makikipagkamay ako sayo, pwede ba?"

 Tumango na lang ako sa gusto niyang mangyari, mukhang mabait naman siya.

 Naramdaman kong may humawak na kamay sa isa kong kamay para tanggalin sa pagkakahawak ko sa baston ko, hinahawakan niya ito na para bang nakikipagkamay ako sa kanya, ngayon ko lang napansin na hindi naman ga'anong kalakihan ang kamay niya, malambot parang walang ginagawa sa kanila.

 "Ako naman ang may request," sabi ko sa kanya.

 "Ano naman 'yon?" Halata sa boses niya ang pagtataka.

 "Hindi kita nakikita pero kahit mahawakan ko lang ang kamay mo, para malaman ko kong anong itsura mo."

 Sandali bago siya nagsalita, "ok," siya na mismo ang nagdala ng kamay ko papunta sa mukha niya, bahagya pa akong nagulat nang maramdaman ko ang mukha niya, dinala rin ng isa kong kamay sa mukha niya, kinapa ko ito ng dahan-dahan, malambot at makinis ang mukha niya.

 Ang ilong niya ay patulis, matangos kong baga, makapal ang eyebrow niya, tinaas ko ang mga kamay ko papunta sa buhok niya, makapal ito at parang kulot.

 "Kulot ang buhok mo," sabi ko, na bahagyang nagpatawa sa kanya.

 Bumaba naman ang kamay ko papunta sa labi niya nang saktong mag-bell, dahil doon tinaggal niya agad ang kamay ko, para na akong kumakapa sa eri at agad na hinawakan ang baston ko.

 "Gwapo ako, maputi ako at matangkad, para magkaroon ng imahe si Malcolm sa isipan mo, may klase pa ako sige baka mamaya magalit pa ang papa mo pagnakita ako na kausap na naman kita, mag-iingat ka," rinig ko bago tuluyang tumahimik sa kinauupuan ko.

May bumubuong imahe sa isipan ko pero hindi ako sigurado.

DUMIRETSO naman kami sa ospital ni papa, nang makausap namin si Mrs. Sanchez, ang doktorang tumitingin sa kalagayan ko, sinabi niya sa akin na magkaroon na ako ng paningin dahil sa eye donor ko, tanging operasyun na lang ang gagastusin namin dahil donate na ang mata na ibigay sa akin, gusto ko sanang malaman kong sino ang eye donor ko kaso hindi siya pwedeng sabihin sa dahilang confidentiality na ng ospital 'yon.

 Gusto ko pa naman magpasalamat sa kanya, tinignan din nila ang kalagayan ko kong kakayanin ko ang operasyun sabi naman nila ay wala namang problema, three days simula sa araw na 'to, maari na raw akong sumailalim sa operasyun, nakaka-excite na kinakabahan ako, kasi hindi pa namin alam kong magiging successful ang lahat.

 Sa excitement na nararamdaman ko eh doble pa ata ang kay papa, habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay, kwento siya ng kwento sa akin at tinatanong kong saan ko gustong pumunta kong sakaling makakita na ako.

 Sabi ko naman kahit saan basta kasama siya, bigla ko naman naalala si Malcolm.

 "Papa kanina nakausap ko si Malcolm sa school nong hinihintay kita," nang sabihin ko 'yon para bang natahimik si papa.

 "Si Malcolm?" May halo na namang inis sa boses ni papa.

 "Pa---"

 May sasabihin pa sana ako sa kanya nang pangunahan na niya ako.

 "Kong nakikita mo siya o kong kilala mo siya, sa tingin ko iiwasan mo rin siya, sa lahat ng taong pwede mong makausap 'yong lalaking pang 'yon, hindi mo siya kilala anak, kaya kong ano ang sinabi niya sayo sa tingin ko wag kang maniwala sa kanya, sa lahat ng taong pwede mong makaharap siya ang kailangan mong iwasan kong sakaling magkatagpo na naman kayo."

 Nagulat ako sa paalala sa akin ni papa tungkol kay Malcolm, gusto kong magtanong kong bakit? Masama bang tao si Malcolm, akala ko ba pasaway lang siyang estudyante na gustong palaging galitin ang mga professor niya, oo nga hindi ko siya kilala, tama si papa na hindi ako basta-basta makikipag-usap sa kahit kanino.

 Hindi ko na siya pinilit pa kahit na ginugulo ako ng isipan ko tungkol kay Malcolm, madalas kasi pagmatatanong ako kay papa sinasagot naman niya, sa pagkakataon na ito iwas siya tungkol kay Malcolm, inintindi ko na lang siya.

Hunting MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon