4th Vision
"Ate, ate, ate gising."
Nagising ako nang may marinig akong gumigising sa akin at humahawak na malamig na kamay sa mukha ko, nang idilat ko ang mga mata ko, liwanag lang at ang kisame ang bumungad sa akin, akala ko panaginip pa rin sa akin na nakakakita na ako.
"Ate," napabangon ako nang marinig ko uli ang mumunting boses na 'yon, nang lingunin kong sino 'yon isa palang batang lalaki.
May kababaan siya, payat at nakasuot ng pangtulog na kasuotan na kulay puti, nakapaa lang siya, namumutla ang buo niyang mukha at balat, may yakap siyang blue na teddy bear at may suot siyang bonet na asul sa ulo.
Ngitian niya ako, "ate ako po ito si Ford, magaling na 'yong mata mo, wala ka na pong blindfold."
Napangiti ako sa kanya, "ikaw pala yan, oo wala nang blindfold ang ate, ang cute muna man na bata ka, anong ginagawa mo rito? Siguro nagtago ka na naman sa gwapo mong bantay, anong oras na ba?"
Habang kinakausap ko siya para bang lumamig ang paligid, alam kong may air con pero parang lalong lumamig ang paligid ko at nagtataasan ang balahibo ko sa hindi ko malaman na dahilan.
"Ate alas-doze na po ng gabi, sorry po kong naistorbo ko ang pagtulog ninyo, hindi po ako tumakas, sinusundo na po kasi ako eh," inosente niyang wika.
"Huh? Susunduin ka, nino, ng mga magulang mo ba, parang alanganin ata," pagtataka ko sa kanya.
"Hindi po sila mama, hindi ko po siya kilala pero ang sabi niya sa akin kailangan ko raw pong sumama sa kanya."
Nagulat ako sa sinabi ni Ford sa akin at saka siya tumalikod sa akin at naglakad palabas ng silid ko, iniwan pa niyang bukas ang pintuan ko. Tinanggal ko ang kumot na nakapatong sa akin, bumaba ako sa kama, napasulyap ako kay papa na natutulog sa sofa, hindi ko na siyang ginawa pang gisingin.
"Ford, Ford hindi ka pwedeng sumama sa kahit sino lalo na kong hindi mo kilala---"
Natigilan ako nang wala akong makitang kahit na anong tao sa labas ng silid ko pagkalabas ko, napakatahimik ng buong pasilyo, "Ford, Ford na saan ka?"
Tuluyan akong lumabas ng silid, naglakad ako patungong kanang pasilyo pero hindi ko alam kong saan ko hahanapin ang bata, nakaramdam ako ng kaba.
"Ate," may narinig akong nagsalita mula sa likuran ko kaya humarap ako sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag, "saan ka ba nagpunta, hindi ka pwedeng sumama sa kahit kanino."
"Ate nasa likod mo nga siya eh," sabay turo sa likuran ko.
Napalunok ako sa sinabi niya, doon ko naramdaman na parang may tao sa likuran ko, humarap ako agad sa likuran ko pero wala naman akong nakitang kahit na ano kong di ang anino ko sa liwanag, pagharap ko kay Ford nasa likod na niya ang sinasabi niyang lalaki, hawak ang bata sa ulo.
Hindi naman nagrereklamo ang bata dahil hindi naman ito nasasaktan para lang nakapatong sa ulo nito, puros ito nakaitim, nakayuko at nakatago ang mukha niya sa hood ng jacket kaya hindi ko makita.
"Hindi mo pwedeng dalhin ang bata kong saan-saan lang mister, kidnaping itong ginagawa mo, hindi ka makakalabas dito na dala ang batang yan," pagtatapang-tapangan ko kahit na sa totoo lang takot na takot ako sa nangyayari, naghahalo na ang emosyon ko.
Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong wala silang anino at yumuko muli ako sa paanan ko, nakikita ko ang sarili kong anino sa gilid, nang lingunin ko uli sila wala na sila sa harapan ko, naglalakad na sila palayo sa akin, kosang kumilos ang mga paa ko, ramdam ko ang lamig ng sahig at ng buong paligid.
"Ford wag kang sasama sa kanya, mister lumayo ka sa bata!" Sigaw ko sa buong pasilyo pero hindi man lang sila lumilingon sa akin, hawak ng lalaki si Ford sa kamay na para bang anak niya.
Natigilan ako sa paglalakad at nakatitig lang ako direksyon kong saan sila naglalakad, pero bigla na lang silang naglaho ng parang bula ni hindi ako kumurap pero bigla na lang silang naglaho, "jusko po," bulong ko, "ano ba 'tong nangyayari sa akin?" Para akong tumakbo kong hingaling ako, hindi 'to totoo diba, panaginip lang 'to. Nakaramdam na lang ako ng pagkirot sa mata ko kaya napahawak ako at tinakpan ang mga mata ko.
PINAYAGAN na rin ako ng doktor na lumabas ng ospital makalipas ng isang araw, pero kailangan ko pa ring bumalik isang beses sa isang buwan para mapanatiling ayos lang ang kalagayan ng mata ko, kong maari rin daw kailangan kong mag suot ng anti-radiation na salamin.
"Dito ka lang anak, magbabayad lang ako ng bills," paalam sa akin ni papa saka niya ako hinayaan sa upuan habang nasa tabi ko 'yong mga gamit ko.
Iniisip ko pa lang na makikita ko na si Kate natutuwa na ako sa magiging reaksyon niya, maraming mukha ang gusto kong makita, maraming bagay akong gustong tignan kong ano nga ba ang pagbabago sa kanilang lahat, ako masasabi kong marami rin palang nagbago sa akin.
Habang nasa cashier si papa, napasulyap ako sa desk information kong na saan ang tatlong nurse na roon at masayang nagkwentuhan, lumapit ako para magtanong naalala ko si Ford, nagising na lang kasi ako isang umaga na nasa kama na ako, sa tingin ko panaginip lang ang lahat.
Gusto kong magpaalam sa kanya at dadalawin ko na lang siya kong maari, pero hindi ko pa rin makakalimutan ang mga nakita ko kahit panaginip lang 'yon. Nang makalapit ako ng tuluyan isang binatang halos kaseng edad ko lang na nurse ang nagtanong sa akin.
"Good morning ma'am," matamis niyang bati.
Nang sulyapan ko ang name plate niya sa dibdib, nabasa ko ang pangalan niyang Wasim, naningkit ang mata ko at may naalala ako sa pangalan na 'yon.
Muli akong tumingin sa kanya, "ikaw ba 'yong bantay ni Ford?" Sa tanong kong 'yon, bigla na lang nawala ang ngiti niya sa labi, nagtaka rin ako nang mapasulyap ang dalawang nurse na kasama niya.
Nagtataka man sa naging reaksyon nila pinagpatuloy ko pa rin ang pakay ko, "gusto ko sanang malaman kong na sana ang children's ward dito, dadalawin ko sana si Ford."
"Sinong Ford ang sinasabi mo?" Tanong ng babaeng may name plate na Rica, siguro siya 'yong Rica na nakausap ko noong nakaraan.
"'Yong batang lalaki na 7 years old pa lang, 'yong may hawak siyang teddy bear na kulay blue, alam ko si Ford 'yon, nagtago pa nga siya sa silid ko noong nakaraan, nakausap ko pa lang siya noong isang gabi, na saan siya?"
Hindi pa rin mawala ang pagtataka ko sa kanila lalo nong magkatinginan sila bago muli akong tignan na may mga katanungan sa mga isipan nila.
"Ikaw siguro 'yong may ari ng silid na pinagtaguan ni Ford noong nakaraang araw, hindi ko alam 'yong sinasabi mong nakausap mo siya, kasi noong isang gabi namatay si Ford saktong alas-dose, sorry pero patay na 'yong sinasabing mong batang si Ford, hindi ka ba nagkakamali sa hinahanap mo."
Parang huminto ang mundo ko ng ilang segundo nang marinig ko ang sinabi ni nurse Wasim, para akong binuhusan ng malamig na tubig, napagtanto kong alas-dose rin ako ng gabi nakausap so Ford, ibig ba sabihin n'un patay na si Ford, napaginipan ko siya na nagpapaalam sa akin, kaya pala.
BINABASA MO ANG
Hunting Murder
ParanormalSimula pagkabata nawalan na ng paningin si Cassy dahil sa isang aksidente, labing-limang taon siyang hindi nakakakita hanggang sa magkaroon siya ng eye donor, nang mailipat na sa kanya ang mata ng eye donor, naging successful naman ang operasyun han...