1st Vision

4.3K 124 8
                                        

1st Vision

 Ano nga bang pakiramdam na wala kang makita? Tanging dilim at walang liwanag, paano nga bang mabuhay bilang bulag? Yan lang naman ang mga katanungan na madalas kong naririnig sa mga taong nalalaman nilang bulag ako.

 Ang isipin nilang isasagot ko eh, mahirap maging bulag, na pakiramdam na wala kang kasama kasi puro lang dilim ang nakikita mo. Pero hindi ako ga'nun, hindi ako pinalaki ng papa ko na panghinaan ng loob, sa una, oo ang hirap na mabuhay sa madilim na mundo, pero hindi dahil sa bulag ako mawawalan na ako ng pag-asa, maraming bagay na kailangan mong ipagpasalamat sa Diyos.

 Sinasabi ko sa kanila na may mas bulag pa sa akin, ang mga taong nasa paligid ko na hindi nila nakikita ang tama samantalang may mga mata sila, iisipin nilang baliw ako. Noong limang taong gulang ako nang mag-umpisa ang problema ko, nagkaroon sa aksidente sa na siyang naging dahilan ng pagkabulag ko.

 Bente-anyos na ako pero wala pa rin akong nakikita, pero kahit kailan hindi ko naramdaman na bulag ako at iba ako sa lahat. Namatay ang mama ko noong pinanganak niya ako dahil mahina ang puso niya, pero hindi pinaramdam ng ama ko na malas ako dahil sa pagkamatay ni mama.

 Hindi ako hinayaang maging mangmang ng ama kong isang professor sa kilalang kolehiyo sa buong lungsod New Kenny bilang literature professor. Meron akong sariling tutor na tinuturo lahat sa akin ang dapat kong malaman at matutunan, kong baga home schooling ako. Minsan si papa ang nagiging guro ko, siya nga ang nagturo sa akin tungkol sa mga 1D, Taylor Swift, twenty-one pilot, mga sikat na banda, wattpad at k-pop.

 Ang sabi kasi niya sa sakin 'yon daw ang sikat sa kabataan ngayon, diba ang astig ng papa ko, kong makikita ko siguro ang silid ko ngayon, siguro puno ng mga item tungkol sa mga sikat na tao katulad na lang ng poster, kwento niya rin sa akin.

 Lumabas naman kami ni papa pagtuwing weekends para ipasyal niya ako sa labas o kaya pag-wala siyang trabaho, pinapaalala niya sa akin na hindi pa huli ang lahat para hindi ko malaman ang pagbabago ng mundo. Madalas niya akong kunan ng litrato sa lahat ng okasyon, para raw kong sakaling makakita na ako, babalikan ko lang 'yong mga na ipon niyang album.

 Pero hanggang ngayon wala pa rin kaming nakukuhang match sa mata ko, katulad nga ng sinabi niya 'wag daw akong mawalan ng pag-asa gagawa ng paraan si papa.'

 Inalalayan ako ni papa para makaupo ako sa upuan ko, nang kapain ko ang bagay na unahan ko, alam kong nasa lamesa ako, may plato, kutsara, kaya kong pakainin ang sarili ko ng mag-isa basta may nagbabantay sa akin.
 "Anak baka bukas hindi muna ako papasok," narinig ko ang boses ni papa sa may kanan kaya napabaling ang ulo ko sa direksyon ng boses.

 Simula nang mabulag ako, malakas ang pakiramdam ko sa paligid lalo na ang pangdinig ko at pang amoy. "Bakit naman po?" Tanong ko sa kanya.

 Narinig ko ang pagkalansing ng mga kutsara na tumatama ito sa babasaging bagay, na aamoy ko ang nilutong almusal ni papa para sa agahan namin, bacon, mainit na tinapay, fried rice at mainit na gatas.

 Pinahawak niya sa akin ang kutsara at tinidor ko, nilagyan na niya siguro ng pagkain ang plato ko at nag-umpisa na akong kumain, kalkulado ang kilos ko para wala akong matabig na kahit na anong nasa paligid ko.

 "Good news anak, magkakaroon ka ng mata, makakakita ka na, 'yon ang binalita sa akin ng doktor mo."

 "Talaga po," tumigil ako sa ginagawa ko at napangiti, ang saya sa pakiramdam na makakakita na ako uli.

 "Oo anak, kaya pupunta tayo sa ospital bukas para tignan ang kondisyon mo para sa operasyun." Ayon sa boses ni papa halatang masaya rin siya para sa akin. "Kaya kumain ka ng marami, wag mong papabayaan ang sarili mo, mamaya pag-uwi ko sabihin mo kay Kate na ayusan ka kasi magsisimba tayo, magpapasalamat tayo sa Diyos sa magandang balitang 'to at sa labas na rin tayo kakain."

 Lalo akong ginanahan sa pagkain ko, ilang paalala pa ang sinabi sa akin ni papa habang kumakain kami, hanggang sa matapos kami at magpaalam siya bago umalis. Saka naman dumating si Kate, ang pinsan ko. Wala kasi siyang pasok ngayong araw, kasing edad ko rin siya at second year college siguro kong nakakakita ako baka magka-year level na kami.

 Siya ang tumutulong sa akin pagmaliligo ako o kaya si tita Kara na mama niya, magkapit-bahay naman kami. Nang dumating siya agad din niya akong tinulungan na maligo at makapag-ayos ng sarili. Habang tinatalian niya ang mahaba kong buhok, kiniwento ko sa kanya ang sinabi ng ama ko.

 "Talaga, wow naman, alam mo pagnakakita ka na ako ang una mong dapat makita kasi sa kantang kong 'to hindi ka magsisisi na para kang nakakita ng anghel." Pabiro niyang sabi sa akin, natawa na lang ako.

 Madaldal siya at madalas niyang sabihin sa akin na iingit siya kasi ang ganda raw ng silid ko na puno ng poster ng mga kpop groups na gustong-gusto niya. Na excite tuloy akong makita ang lahat, katulad ng dati madalas niya akong paghandaan ng mga pagkain kasi culinary student siya, ako naman ang food tester niya.

NATAPOS ang pagbababantay sa akin ni Kate nang dumating si papa, nakabihis na ako nang dumating siya para aalis na lang kami. Wednesday ngayon kaya saktong may simba sa chapel ng New Kenny na malapit lang sa subdivision na tinitirhan namin.

 Lumipas ang ilang minuto nang makarating kami sa simbahan, tinulungan ako ni papa na makalabas sa loob ng kotse. Pinahawak niya sa akin ang baston na ginagamit ko sa paglalakad at nakahawak ako sa braso niya, naramdaman kong huminto kami.

"Marami-rami na ring tao, anak dito ka lang sa tabi ah, magbabanyo lang ako, wag kang aalis dyan sabay tayong papasok sa loob," paalala sa akin ni papa bago niya ako bitawan sa lugar na hindi ko naman alam.

"Opo dito lang po ako," sabi ko naman.

Naririnig ko ang ingay sa buong paligid pero hindi ko narinig ang boses ni papa siguro dahil nagbanyo na siya. Minuto ang lumipas nang may maramdaman akong bumangga sa akin habang nakatayo ako dahil sa lakas ng pagkakabangga niya sa akin kong sino man siya, natumba ako at nabitawan ang baston ko.

"Sorry miss hindi ko sinasadya," naririnig kong boses lalaki na parang nag-aalala sa nangyari, siguro siya ang nakabangga sa akin.

Naramdaman kong may pares ng kamay ang humawak sa akin at tumulong, hindi ako basta nakatayo ng maayos dahil kinakapa ko ang paligid ko, "ang baston ko, pakibigay naman sa akin mister," sabi ko sa nakabangga sa akin.

Wala pang segundo ng maramdaman kong may kamay na humawak sa kamay ko at pinahawak sa akin ang mahabang baston ko, agad kong hinahawakan ng mahigpit. "Maraming salamat," sabi ko.

"Bulag ka?" Narinig ko uli ang boses ng lalaki, akala ko umalis na siya nang matulungan niya ako, pakiramdam ko ang lapit niya sa akin, nang ikilos ko ang kamay ko, tumama ang palad ko sa dibdib niya, tama nga ako ang lapit lang niya sa akin.

"Na saan ba ang kasama mo, naliligaw ka ba?"

Umiling-iling ako, "hindi, nagbanyo lang ang papa ko, babalikan niya ako rito, maraming salamat na lang uli."

"Hindi ka niya dapat iniwan lalo na kong bulag ka," rinig kong sabi ng lalaki.

Nakahawak pa rin ang kamay ko sa parteng dibdib niya nang may humila ng kamay ko at akbayan, "layuan mo nga ang anak ko," rinig kong boses ni papa na para bang iritado.

"Mr. Fuentes wala po akong ginagawang masama sa anak ninyo," narinig ko rin ang boses ng lalaking kausap ko lang kanina.

"Wala akong pake alam, halika na anak at pumasok na tayo." Naramdaman ko na lang na naglalakad na kami sa ibang direksyon, ni hindi ko na nagawa pang tanungin si papa kong sino 'yon at bakit siya kilala, dahil nag-umpisa na rin ang mesa nang makapasok kami sa simbahan.

Hunting MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon