5th Vision

2.9K 97 5
                                    

5th Vision

 Nalulungkot ako ng sobra sa batang 'yon, kong panaginip man 'yon o hindi, hindi ko na alam, basta naawa ako sa bata, namatay siya sa sakit niya, nalaman kong may butas pala ang puso niya, wala pa sa tabi niya ang mga magulang dahil hiwalay na pala ito, namatay siyang hindi kasama ang mga magulang niya, nakakaawa.

 "Cass," napasulyap ako kay papa nang tawagin niya ako.

 "Bakit pa?" Tanong ko sa kanya.

 "Kanina pa kita kinakausap, parang hindi ka interisado, mukhang malalim ang iniisip mo, may problema ba? Masakit ba ang mata mo?" Nag-aalalang tanong ni papa."

 Ngumiti naman ako, siguro sa sobrang lalim ng iniisip ko tungkol sa batang si Ford hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi ni papa. Pauwi na kami ni papa at napansin siguro niya na kanina pa ako nakatingin sa labas pero wala naman doon ang atensyon ko.

 "Sorry pa, ayos lang ako, hindi pa rin ako makapaniwala na nakakita na uli ako, salamat pa," pagkukunwari ko kahit na maraming bumabagabag sa akin.

 "Cass maniwala ka na, bigay yan sayo ng Diyos, lahat gagawin ni papa para sayo alam mo yan."

 Napangiti naman ako sa sinabi ng papa ko, masasabi kong maswerte ako sa buhay kahit na simple lang ang bumumuhay namin. Muli niyang binalik ang atensyon niya sa pagmamaneho at nakatingin sa kalsada habang nagkwento siya sa akin.

 "Gusto ko lang sabihin sayo na nakakuha ako ng forms for accelerated sa Lyceum of St. Vincent ayos lang kahit na anong kurso ang kunin mo susuportahan kita, magkakaroon ng special exam para sayo, ayos lang kong kailan mo gusto, pwede ka naman humabol sa klase ng freshmen, pero kong hindi mo pa kaya, pwedeng sa susunod na semester ka na lang pumasok, baka kasi hindi mo kaya." Suwestyon ni papa.

 Pero may isang bagay akong pinagtaka, "ayos lang po sa akin kahit sa susunod na linggo na ako mag-exam para naman makapaghanda pa ako, pero bakit sa St. Vincent ako mag-aaral, bakit hindi na lang po sa New Kenny University?" Tanong ko kay papa.

 "Bakit anak gusto mong doon ka mag-aral?"

 "Opo," mabilis kong sagot.

 Huminga siya ng malalim at ngumiti, "sige bukas sumabay ka sa akin para makakuha ka ng form sa kanila at makapag-schedule ka kong kailan mo gustong mag-exam for acceleration."

 Gusto ko pa sanang magtanong kong bakit St. Vincent agad ang unang pagpipilian kong sakaling makakita ako, akala kong NKU agad kasi roon siya nagtrabaho at mas madali na lang sa amin na magkita, pero hindi ko na ginawa pa.

 "Na andito na tayo," sabay parada ni papa sa harapan ng bahay namin.

 Alam kong bahay namin 'yon kahit na nagbago na ang kulay nito, hindi katulad noong bata ako na brown, ngayon ay puti na, nasa harapan ng bahay namin si tita at ang pinsan kong si Kate na ang lawak ng ngiti, marami na rin palang nagbago sa kanila, napangiti ako at nakaramdam ng excitement.

 Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat, saktong paglabas ko nang biglang dumaan ang malakas na hangin, atomatikong napasulyap ako sa isang direksyon, may dumaan na matandang babae na may hawak na basket at nang laki ang mata ko nang makita ang lalaking naka-itim na jacket na nakasunod sa kanya.

 Siya rin 'yong lalaking nakita kong kasama ni Ford, naramdaman ko na naman ang kaba noong makita ko siya, hindi ko alam kong bakit, pero hindi na 'to panaginip.

 "Hi cousin," may yumakap sa akin sa likuran ko.

 Hindi ako kumurap pero bigla na lang uli nawala ang lalaking 'yon, anong ibig sabihin n'un, hindi ako nagpahalata na may kakaibang nangyayari sa akin.

 Ngumiti ako at humarap ako kay Kate, "cute mo," sabi ko sa kanya habang nakangiti.

 Sumimangot siya na parang nagkukunwaring malungkot, "hindi ako cute, maganda ako, diba ang ganda ko po pinsan hindi ka magkakamali na nakita mo na ako," biro niya.

 "Halika na kayo sa loob, naghanda ako ng lasagna at carbonara na paborito ni Cassy," yaya ni tita sa amin.

 Akbay-akbay sa akin ng pinsan ko nang sulyapan ko uli ang matandang babae na naglalakad pa rin mag-isa, hindi na siya sinusundan ng kong sino lang na nakakulay itim, nakahinga ako ng maluwag.

ALAM ko na kong bakit na iingit ng husto si Kate sa silid ko, nang matapos naming kumain siya mismo ang nagyaya at excited siyang ipakita sa akin ang silid ko, nang makita ko nga hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil hindi ako makapaniwalang si papa ng lahat ng nag-ayos nito.

 May mga poster ng mga sinasabi niyang kpop katulad ng exo, girls generation, apink, black pink at kong ano-ano pang artista raw sa Korea, meron ding mga poster ng 1D at Taylor Swift, mga sikat na cosplayer poster, may mga sikat na banda.

 Ang kabinet ko puno ng mga light color na damit, halos sweater, polo shirt, skirt na mahaba, jacket ang nakikita ko, simple lang pero alam kong mamahalin at pang dalaga, sa book shelf naman puno ng mga book series katulad ng Percy Jackson, Artemis Fowl, Heroes of Olympus, Magnus Chase, Kane Chronicles, The Selection, Wimpy Kid, Lisa Jackson books, saka 'yong mga sikat sa kabataan na mga wattpad books at kong ano-ano pang libro, lahat sila may plastic pang balot halatang mga bagong bili.

 May mga display din ng mga dvd sa gilid ng tv screen na hindi pa nagagamit, may turn table, mga malalaking plaka, may polaroid camera pa sa side table at touch screen na cellphone, lahat ng yan mukhang hindi pa nagagamit dahil bulag pa ako noon, pero natutuwa ako kasi matagal na pala akong may mga ganitong gamit, napakaaliwalas ng silid ko.

KATULAD ng napag-usapan namin ni papa, sumabay nga ako sa kanya para makakuha ng forms at registration slips sa exam ko sa susunod na linggo sa araw ng biyernes ang araw ng pagsusulit ko. Kakalabas ko pa lang sa admin building at didiretso ako sa opisina ni papa para magpaalam na uuwi na ako dahil nakuha na ang kailangan ko.

 "Cass."

 Natigilan ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko. Agad kong hinanap kong sino ang tumawag sa akin pero may isang matangkad na lalaki ang lumapit sa akin na siyang pinagtaka ko.

 Matangkad siya sa akin, may tamang pangangatawan, nakasuot siya ng pormal na kasuotan, siguro guro siya rito, may hawak pa siyang tatlong makakapal na libro ng College Algebra. May matangos siyang ilong, malalim na mata na bahagyang singkit, makapal na kilay, manipis at mamula-mulang labi, bahagyang kulot din ang buhok niya na bagay naman sa kanya.

 Para siyang nagtataka sa akin, "sino po kayo?" Tanong ko sa kanya.

 Para siyang namangha naman ngayon, "whoa, nakikita mo ako, pero noong huli nating pag-uusap may hawak ka pang baston at---ay oo nga pala kalat ang balita na nakakakita na ang anak ni Mr. Fuentes."

 Nayayabangan ako sa kanya, hindi ko alam kong bakit para kasing ang presko niya makipag-usap, pero parang pamilyar ang boses niya.

 "Sino po kayo?" Tanong ko uli sa kanya.

 "Ay oo nga pala ano pa bang aasahan ko, ako 'to si---"

 Magsasalita na siya nang may tumawag pa sa aking pangalan.

 "Cass hala na andito ka," medyo na alog pa ako nang lumapit sa akin ang pinsan ko, nang harapin niya kong sino ang kaharap ko, nagulat ako sa naging reaksyon niya na parang gulat na gulat, "sir good morning po sir," namumula pa ang pisngi niya.

 "Sir?" Pagtataka ko.

 Humarap sa akin si Kate, "siya si sir Malcolm Pineda ang math professor namin dito," parang nahihiya pa si Kate nang sabihin niya 'yon.

 Atomatiko akong napasulyap sa lalaking kaharap ko, ngayon gulat na gulat, pero siya parang wala lang sa kanya at nakangiti pa, akala ko ba estudyante siya ni papa.

 "Malcolm Pineda?" Pag-uulit ko.

Hunting MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon