Prologue

38 3 1
                                    

"O ano? Ayos na ba yung mga gamit mo para sa field trip niyo bukas, Rhianne?" wika ng aking stepmom na si Stephanie.

Tumango na lang ako na nagsisimbolo na Oo.

Nang ipanganak ako ay kasabay nito na naulila na ako sa aking nanay. Di ko man naranasan ito pero kahit ganoon ay masakit isipin na wala na si Mom.

Si Daddy naman ay naghanap na lang ng bagong mapapangasawa. At yoon na nga si Stephanie. Akala mo lang mabait si Stepmom ko, pero hindi. Alam ko na pineperahan niya lang si Daddy dahil akalain mo nga naman, 22 pa lang siya at si Daddy ay 38 na.

Ako naman ay si Rhianne. Rhianne Velasco. Nag-aaral sa Heartfall High. At oo, hindi lang mukhang pang-mayaman ang eskewelahan na ito kundi oo, pang-mayayaman talaga ito. Dito ako pinagaral ng aking Daddy dahil gusto daw niya ako magkaroon mg quality education pero di ko naman talaga sure kung ganoon talaga ang rason ni Daddy.

*ring*

Narinig ko ang aking telepono na nagriring kaya sinagot ko na kaagad ito. Di ko man lang nakita kung sino ang tumatawag dito.

"Hello!" wika ng nasa kabilang linya.

Sa pagrinig ko nito ay nakilala ko na kaagad kung sino ito.

"Hi Angeline!" siya pala si Angeline, ang best friend ko. Matagal na rin kaming magkaibigan simula ng elementary kami dahil magkaclose ang aming mga magulang.

Alam din ni Angeline na nakakakita ako ng multo.

"Hoy Rhianne! Wag mo ako kalimutan bilhan ng pagkain pag punta ka na sa school ha!" wika ni Angeline.

"Oo. Enebenemen. Alam ko naman na matakaw ka at 100 kilos ka na." pabiro kong sabi.

"Bwisit ka talaga. O sige basta yung pagkain ha. Byeee."

"Sige na oo. Bye."

Nakakatuwa naman dahil ganitong kaibigan sakin si Angeline. Yung tipo ba na tatawagan ka para ipaalala yung pagkain. Hehe.

Ay oo. Bukas na pala yung field trip. Excited na ako kasi ilang years nang hindi nagfifield trip ang aming school. Sa aking pagkakaalam, 22 years nang hindi nagfifield trip ang Heartfall High. Wala naman atang nakakaalam kung ano talaga ang rason kung bakit bigla na lang nahinto ang mga field trip sa aming school.

Nakakapagtaka nga eh. 22 years? Ang haba naman. Tapos di man lang namin alam kung ano nangyari sa dating batch na nagfield trip. Pero okay naman na ata yun. Basta masaya.

Oo nga pala. Kailangan ko magset ng alarm bukas ng alas-tres ng umaga dahil maaga kami aalis sa field trip namin.

Nagbabasa lang ako ng mga libro habang nakahiga sa kama. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

ClairvoyantWhere stories live. Discover now