Chapter 4 : Bitch dies or lives?

20 2 7
                                    

"Everyone please go to the dining room" narinig namin ito ng malakas mula sa mga speaker kahit wala naman ditong malapit na speaker.

"Tara na guys." wika ni Angeline na tila ba maririnig mo pa rin ang kalungkutan dahil sa pagkamatay ni Angela.

Tumango na lamang kami at dumiretso sa dining room. Napalitan naman ang kalungkutan ko ngayon ng makita ko ang dami ng pagkain.

"OMG. Yasss." wika ni Angeline na halatang naglalaway na.

"Well, well, we--" wika ni Megan ng biglang putulin ni Vincent ang kaniyang sasabihin.

"Tumahimik ka na lang Megan. Wala kami sa panahon ngayon para makipaglaro sayo." pagputol ni Vincent habang nagsasalita si Megan.

Bakat sa mukha ni Megan ang pagkainis nito kay Vincent kaya umirap na lamang ito.

Sabay-sabay kaming umupo at tabi-tabi rin. Si Trisha ay malungkot pa rin hanggang ngayon. Wala siyang gana kumain. Wala kaming gana kumain. Nakatitig lang ako sa plato ko ng biglang may kamay na nag-abot sa akin ng pagkain.

"Kuhanin mo na. Pangit man ugali ko pero nakakaramdam pa rin ako ng emosyon. At walang may gusto sa nangyari kanina. Diba Vincent?"

Si Megan pala.

Napatingin muna ako kay Vincent na tila ba parang gustong tirisin si Megan dahil sa ginawa nito sa kaniya kanina. Tinitigan ko na lang si Megan.

"S-s-salamat" tugon ko na lang kay Megan.

Natapos na kaming lahat at biglang pumasok si Miss Sharmaine sa hapag kainan.

"Guys. Balik kayo dito mga 12:30 para sa tour natin dito sa Bahay Blanca. Don't worry guys 1 hour lang ang tour natin then rest onti then tour ulit pero sa ibang lugar naman!" wika ni Miss Sharmaine.

Tumango na lang kami lahat at dumiretso na sa kaniya-kaniya naming mga silid. Medyo nabawasan naman na ang lungkot ni Trisha.

Habamg papalakad kami patungo sa aming kuwarto bigla namang nagsalita si Trisha.

"Guys, anong tawag sa isdang FilAm?"

Yan na naman mga corny jokes niya.

"Ano?" sabi naman ni Kevin.

"FishDa" sabi ni Trisha.

Tawang-tawa naman si Angeline habang si Kevin at Vincent naman ay nagiiyak-iyakan na tila ba parang nagdadalamhati sa joke ni Trisha at ako naman dito ay nakahalf-smile lang.

"Tara na nga! Mga joke ni Trisha eh nakakawalang gana." sambit ko at nagtawanan naman kami lahat at tumungo na sa aming silid.

Megan's POV

Ugh. Nakakainis talaga yung Vincent na yun. Bwisit. Hay nako. Makapagretouch na nga lang para beauty perfect ako para kay Bryan.

Oo. Aaminin ko bwisit, masyadong masakit ang binibitawan na salita, tanga, ako o kahit ano pa pero meron pa rin akong puso. Nakita ko talaga ang kalungkutan na namumuo sa mukha ni Rhianne kanina. Buti na lang ang bait bait ko at binigyan ko siya ng food. Anyways, karoom ko ngayon is si Bryan, Anne, Jasper, at si Jane. Siyempre ang parang bad kids dito sa Heartfall High. Lahat ay gusto kaming angkinin. Tuwing nakikita namin ang mga lower class natatakot sila sa amin.

Haha. Ang sarap sa feeling na kinakatakutan ka. Yung aapak-apakan mo lang sila. It feels so good! Haha. Oo mga bullies din kami at siyempre ang mga pinakamayayaman dito sa school namin. Naglalakad kami ngayon dito papunta sa aming silid ng narinig kong nakikipagchismisan na naman ang gossip queen, si Catherine. Nangingibabaw ang boses niya habang kausap niya si Allysa, este Miss Popular daw. Nagulat ako sa mga narinig ko sa pinaguusapan nila.

"OMG. Friend, narinig mo ba yung nangyari kanina? Chika Minute!" sabi ni Catherine.

"Ano na naman yan, Cath? And don't waste my time, ok?" sagot naman ni Allysa.

"Bad news ito eh. Si Angela daw, deads na. Nakita daw doon sa C.R. sa room nila Rhianne." chika naman ni Cath kay Allysa.

"OMG. Totoo ba? We should bring our dalamhati okay? Para naman makita rin nila na mabait rin si Queen Bee." sabi ni Allysa.

Jusko. Si Allysa? Queen Bee. More like, no.

Di lang pala ako ang narinig ng pinaguusapan nila pati pala sila Bryan. Nagpatuloy na lang kami maglakad papunta sa aming silid.

Nang makarating kami sa aming silid ay kaagad naman sumigaw si Jane.

"Ops. Wait lang ako muna maliligo." sigaw niya habang hawak-hawak na kaagad ang kaniyang mga gamit. Tumango na lang kami. Medyo kulob yung lamig dito sa kuwarto at parang may naramdaman akong malamig na hangin.

"Babe, naramdaman mo ba yun?" tanong ko kay Bryan.

"Yung ano, Babe?" tugon ni Bryan.

"Nevermind baka guni-guni ko lang. Babe, labas muna ako ha? It's so cold here kaya." sabi ko naman dahil parang kinakalibutan ako dito sa loob ng room.

"Sige, babe. Balik ka kaagad ha?" wika ni Bryan sabay halik sa aking pisngi.

Lumabas na ako ng room habang naglalakad lang. Dala-dala ko ang cellphone at nakikinig ng music. Malaking fan ako ng kpop kaya pinapakinggan ko ngayon yung kantang "Blood, Sweat, and Tears" ng BTS ang ganda kasi ng beat eh. Tapos OMG ang yummy nila lahat.

Anyways, naglalakad lang ako dito at nakasalubong ko si Joanne. Oo, yung sikat sa buong campus dahil sa kaniyang mga talento. Nakabungguan ko siya at naging dahilan tuloy yun para bumagsak yung cellphone ko sa sahig.

"OMG. I'm so sorry" sabi ni Joanne.

"You need to watch your way, btch!" sabi ko sa kaniya sabay pulot sa cellphone ko at tinulak ko siya habang ako'y patuloy na naglalakad.

Joanne's POV

Grabe naman si Megan, super O.A. Siyempre, iba naman talaga pag bitch. Hay naku, makapagpahinga na nga muna masyado na ako maraming napagdaanan ngayon. Bumabagabag talaga sa aking isip yung nakita ko kanina sa may garden. Shems. Kinikilabutan ako pag naalala ko yun.

Nagpatuloy na ako maglakad papunta sa aking silid at sa mga roommates ko na sina: Sophia, Natasha, Alina, at si Jessalyn. Masasabi ko na kasama kami sa mga good kids dito sa school except lang kay Jessalyn. Medyo malandi kasi eh. Pero mabait naman siya.

Pipihitin ko na ang handle ng aming room ng makarinig ako ng malalakas na sigawan mula sa labas.



ClairvoyantWhere stories live. Discover now