Chapter 5: Mors Principium Omnium

26 2 4
                                    

Rhianne's POV

Ang sarap sa pakiramdam ng bagong ligo. Kaso nga lang meron ako ngayon eh. Buti na lang meron ako ditong dalang napkin, kung wala edi deads na.

"Guys, may nangyari doon sa garden." bigla na lang pumasok si Trisha sa room na nagmamadali.

"Ano naman nangyari doon?" tanong ni Kevin. 

"Wala na si Megan..." nakayuko si Trisha habang sinasabi ang mga katagang ito.

Ha? Di ako makapaniwala na naririnig ko ito ngayon. Kanina lang nagkagalitan sila ni Vincent at binigyan niya ako ng pagkain tapos ngayon nagkaganto siya? Sino ba naman ang karumal-dumal na tao ang puwede gumawa nito? 

"Tara tignan na natin! Kumilos na kayo!" lumabas kaagad si Vincent upang tignan ang bangkay ni Megan. Lahat naman kami dito ay nagtataka kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Parang alalang-alala tuloy siya. Bigla ko naramdaman na parang sumikip yung dibdib ko. Di ko alam kung bakit nararamdaman ko ito ngayon.

"Ano pa ginagawa niyo diyan? Labas na!" tungo ni Vincent sa amin nang pumasok muli siya sa kuwarto. Tumayo na kami kaagad sa aming kinauupuan at sinamahan si Vincent patungo sa garden kung saan nandoon ang katawan ni Megan. 

Walang awa.

Yan na lamang masasabi ko ng nakita ko ang nangyari sa katawan ni Megan nakasulat ang mga katagang "mors principium omnium". Nakita ko ang iba naming kaklase na umiiyak habang ang iba naman ay parang natutuwa pa ang makikita mo sa mga mukha nila. Dumating naman si Miss Sharmaine sa aming kinaroroonan.

"Guys, kalimutan na lang natin na nangyari ito. Come on pasok na doon sa mga silid niyo." sabay, pinapasok niya na kami. Bakit ganoon siya? Parang wala lang sa kaniya ang pagkamatay ng isa sa mga estudyante niya. Nakita ko naman si Vincent na humahagulgol doon sa gilid

Vincent's POV

Di ako makapaniwala ang best friend ko noong bata ako, ang una kong naging mahal. Nasa harapan ko na ngayon ang bangkay niya. Na walang awang pinatay. Kung sino man siya, pagbabayaran niya ito! Hayop siya. T*ng ina niya. Umiyak na lamang ako dito ng bigla naman akong sikuhin ni Bryan, ang boyfriend ni Megan.

"Anong iniiyak-iyak mo diyan ha? Ano ka ba ng girlfriend ko?" wika niya sa akin.

Di na lang ako sumagot sa tanong niya at mukhang nainis na rin siya kaya umalis. Ganon na lang sa kaniya ang pagkamatay ni Megan? Ni isang luha wala akong nakitang pumatak sa mukha niya. G*go talaga yung mokong na yun. Sinasabi na ng mga kaibigan ni Megan na wag na siya magpakatanga kay Bryan kasi ginagamit lang siya nito.

-----EARLIER-----

Megan's POV

Ang ganda na ng araw kaso sumulpot kasi si Joanne. Bwisit. Makapagrelax na lang dito sa garden. Hay ang sarap sa tenga ng kpop. Ewan ko ba, basta parang inakit na lang ako sa kpop nitong si Jungkook. Nahiga na ako sa isang bench dito pinikit ko saglit ang aking mga mata, di ko malayan na nakaiglip na pala ako. 

"How are you, Megan?" sabi niya.

"Umm. Excuse me. I don't talk to low class people." sinabi ko ito sa kaniya ngunit bigla na lang kumurba ang kaniyang mga labi ng isang ngiti na parang sa isang demonyo. Doon na rin na napansin ko na may hawak pala siyang patalim sa kaniyang kanang kamay.

Napatayo ako bigla at inirapan ko siya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong saksakin sa aking magkabilang binti. Napaupo ako sa sakit na nararamdaman ko. Ugh. Siya ba ang pumatay kay Angela? Kung ganoon nga,

Bakit siya pa? 

Katapusan ko na ba? Yan na lamang ang tanong na pumapasok sa utak ko. Di ko namalayan na tinali niya pala ang ang aking kamay sa aking likuran at hinatak niya ang aking buhok hangga't sa dumugo na ito ng onti. 

"Ouch. You're hurting me! Ano ba ginagawa mo? Pakawalan mo ako dito. Hayop ka!" sabi ko sa kaniya at di siya kumibo.

Naramdaman ko na binuksan niya ang aking blusa hangga't sa wala na akong suot na pang-itaas. Kitang-kita niya ngayon lahat ng itinatago ko sa itaas. Kumurba ang ngiti sa labi niya at saka itinusok ang kutsilyo sa aking dibdib at para bang may sinusulat siya. 

Di ko na rin maisip kung ano iyon dahil sa sobrang sakin ng aking dinaranas. Napapikit na lang ako at saka nalaman ko na katapusan ko na pala ito.

------------------

Bryan's POV

Namatay na si Megan. Nawalan na naman ako ng isang chix. Hayaan ko na nga. Marami pa diyan. Bigla naman kumalapog ang speaker at narinig ko ito ng sobrang lakas.

"Go na tayo guys! Head to Main Lobby, please as we will start our tour. I repeat head to the main lobby, please as we will start out tour. Thank you." Ayan ang narinig ko sa speaker at doon naman nagsalita si Miss Sharmaine. Dumiretso na kami lahat sa main lobby para sa tour.

Nakita ko naman na malungkot ang iba dahil sa pagkawala ni Megan habang naglalakad kami dito sa hallway. Wala naman akong nararamdaman sa pagkawala niya dahil alam kong ginamit ko lang siya para makuha ang gusto ko.

Ano pa ba? 

Edi sex. Yun lang naman habol ko sa kaniya eh.

Marami pa naman akong pwedeng kanain diyan. Tapos kaya ko naman magpasarap kahit magisa. Malibog na kung malibog wala pakialaman ng trip. Nakarating na kami ngayon dito sa may main lobby at kasama rin namin ang mga lower grades. Sa totoo lang, di dapat ako sasama sa tour eh. Kaso baka mag-aya si Megan makipaganuhan, sayang naman kung mamimiss ko yung chance diba?

"Let's go guys!" sigaw ng babae sa harapan siya ata yung magiging tour guide namin.

------------------------

Sorry guys kung meyo maikli yung chapter at magkakaiba din yung paraan ng dialogue ( yung iba naka italic yung iba naka bold tapos yung iba halo ) nagloloko kasi si laptop eh. Sino kaya susunod na mamamatay huehue :>>

-author~nim


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ClairvoyantWhere stories live. Discover now