"Isang truck nalaglag sa isang bangin matapos mawalan ng preno. Di umano, nakita na ng mga imbestigador na patay na ang driver ng truck na ito." sabi ng reporter sa TV.
Hindi. Hindi pwede ito. Bakit nangyari yung nakita ko kanina?
"Angeline... " pagtawag ko.
"Yes? Bakit?" pagsagot ni Angeline sa akin.
"Hindi naman sa pagmamayabang pero, namatay na lahat tayo kung hindi ko sinabi lahat ng kanina sa inyo." sabi ko.
"Paano mo naman nasabi yan?" wika ni Angeline.
Tinuro ko ang TV at nakita ni Angeline na binabalita pa rin ang tungkol sa may truck na nalaglag sa bangin.
"Kanina lang nangyari yan diba? So... Paano mo nalam--- Teka. Naguguluhan talaga ako. Can you explain it to me?" naguguluhang sabi ni Angeline.
"Sure. Kanina kasi. Parang panaginip lang siguro yun pero. Nakita ko lahat. Lahat tayo namatay sa aksidente. Walang nabuhay. Tapos parang bula, noong namatay ako sa nakita ko, nawala lahat ng nakita at bumalik sa "riyalidad"." sagot ko sa kaniya.
"Ah so. Nakikita mo nga ang future?" tanong ni Angeline.
"Yun ang hindi ko alam. Let's just think positive for now." Sabi ko.
Tumango na lamang si Angeline sa akin.
"We are here! Dalhin niyo ang lahat ng gamit niyo dahil mayroon naman tayong mga rooms to stay on" wika ni Miss Sharmaine.
Ang haba na pala ng lumipas na oras nang kinausap ko si Angeline kanina. Kinuha ko na ang aking pera at cellphone at tuluyan ng lumabas ng bus patungo sa Bahay Blanca.
Ang ganda dito at ang laki-laki. Para ka talagang magiistay sa isang hotel. Pero para rin siyang isang dorm kasi sunod-sunod ang mga kuwarto. Marami namang kuwarto dito kaya kasya naman ata kami.
"Okay so.. Group yourselves into 5 para di tayo aksaya sa mga rooms. You decide your roomates. Three groups will have 5 members and Two groups will have 6 members." sabi sa amin ni Miss Sharmaine.
"Miss Sharmaine, magvovolunteer na po ako na yung group ko ay 6 members." sabi ni Angeline.
"Sure!" sabi ni Miss Sharmaine.
Kami nina Angeline, Trisha, Vincent, Angela, at Kevin ang magkakaroommates.
Nakikita ko rin mula dito ang mga ibang grade level kasi nauna na sila dito kaisa sa amin.
Tumungo na kami sa aming kuwarto at ang lamig na kaagad sa loob nito. Ang luwang at mayroon pang mga aparador na puwede paglagyan ng mga gamit namin. Nahiga ako kaagad sa aking kama.
"Please take your rests now. Lunch will be held at 11:00 AM and the tour will start at 1:00 PM. Thank you." Narinig namin mula sa mga speaker.
Sa wakas. Makakapagpahinga na rin at mayroon palang free wi-fi dito. Ang prestihiyoso naman dito sa Bahay Blanca.
"Punta lang ako sa CR ha."
sabi ni Angela samin.Tumango na lamang kami. May CR naman dito sa loob ng room kaya hindi na kami mahihirapan pa.
Pinikit ko lang saglit ang aking mga mata.
Sinabi ko na sa iyo...
Huwag mong pipigilan...
Anong ginawa mo?...
Binukas ko kaagad ang mga mata hindi lang dahil sa mga narinig kong salita kundi dahil na rin sa narinig kong pagkabasag ng salamin.
"Uy. Nanggaling ata sa CR yun ha?" sabi ni Kevin.
"Check niyo nga." sabi ni Sophia.
"Ikaw na ah. Naliligo pa si Angela diba?" Sabi naman ni Vincent.
"Bilis. Buksan niyo na yung pinto baka kung ano na nangyari sa kaniya!" sabi ni Trisha.
Sinubukang buksan ni Angeline ang pintuan pero hindi niya ito mabuksan dahil nakalock ito.
"Hiram kayo ng susi kay Miss Sharmaine dali!" sabi ni Angeline.
Biglang tumungo si Vincent doon at binuggo ng malakas ang pintuan. Sa sobrang lakas ay tumumba ang pintuan at nabuksan rin ito.
Sa unang kisap pa lang ng mata namin ay nakita na namin kaagad ang pulang likido na nagmumula sa CR. Nakita namin ang salamin na basag at si Angela ay nakahiga sa sahig ng
Walang buhay...
"Angela! Gumising ka! Tumawag kayo ng tulong dalian niyo!" sabi ni Trisha habang hawak-hawak ito dahil silang dalawa ay best friends.
Lumabas na si Kevin at Vincent para tawagin si Miss Sharmaine. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sila.
"Anong nagyayari dito?" tanong ni Miss Sharmaine sa amin.
"Miss, nakita na lang namin siyang walang buhay dito. Dalian na po natin Miss Sharmaine baka mailigtas pa siya!" naiiyak na sabi ni Trisha.
Dali-dali na naming binitbit si Angela patungo sa clinic. Puro dugo na ang hallway dahil sa amin at nakikita ko pa ang ibang lower years na nakatitig sa amin. Nakarating na rin kami sa clinic sa wakas at andoon ang nurse.
Dali-dali tumayo ang doktor ng pumasok kami sa loob ng clinic.
"What happened to her?!" sabi ng nurse
"No time to explain. Nakita namin siyang walang buhay." Sabi na lang ni Miss Sharmaine.
Lumapit ang nurse sa katawan ni Angela at tinignan kung may pulso pa ito.
"Wala na siyang pulso. I'm sorry but, she can't live anymore." Sabi ng nurse.
Umiiyak kaming magkakaibigan habang si Miss Sharmaine naman ang nasa isang gilid tumatawag ng pulis at kinukuwento ang nangyari sa amin. Akala ko pa naman magiging ayos lang lahat sa field trip namin.
Nandoom muna kami nina Angeline sa lobby dahil hindi pa pwede pumasok sa room namin dahil iniimbestigahan pa ito.
" Okay na sana lahat." Sabi ni Trisha.
Nanahimik na lamang kami. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
YOU ARE READING
Clairvoyant
HorrorThere are many things a clairvoyant person can see such as ghosts and other paranormal beings. But, they can also see the future. That means they can see.. Life and Death.