*ring ring ring*
Nagising ako ng aking alarm matapos makalipas ang pitong oras na pagtulog.
May field trip nga pala kami...
Dali-dali ako bumangon sa kama para makaligo at makakain na rin. Pagkatapos makaligo ay nagbihis na muna ako at saka kumain.
Nakakaexcite talaga itong 3-day field trip namin na ito.
Nakabihis na ako at dala-dala ko na ang aking mga gamit para sa aming field trip. Sinimulan na ni Dad ang kaniyang sasakyan at dumaan muna kami sa McDonald's bago dumiretso sa Heartfall High.
Grabe kasi si Dad. Andaming biniling pagkain. Kala mo naman na patay-gutom ako. Pero okay naman na basta may pagkain na makakain.
Dumiretso na kami ni Dad sa school. EXCITED NA TALAGA AKO. Nakita ko na kumakaway na si Angeline sa akin at ang laki ng bag na dala akala mo namang kung saan gogora. Nakita ko rin ang iba kong kaklase, yung mga Queen Bees ang sobrang lalaki at dadami ng bag akala mo namang magiibang bansa na. Nagpaalam na ako kay Dad at bumaba na ng sasakyan
"Okay. There are 2 sections per grade level. So, there will be one bus per section." wika ni Miss Jean, aming principal.
"We will start calling your sections and you should also proceed to your respective buses."
"7- Polymer. Please head to Bus 1"
"7- Monomer. Please head to Bus 2"
"8- Dragonfly. Please head to Bus 3"
"8- Butterfly. Please head to Bus 4"
"9- Distance. Please head to Bus 5"
"9- Speed. Please head to Bus 6"
"10- Clairaudient. Please head to Bus 7"
Eto na. Tatawagin na yung section namin.
"10- Clairvoyant. Please head to Bus 8"
Nakakatawa rin isipin na yung section namin ay parang ako na rin..
Clairvoyant...
Tumungo na kami sa aming bus. Naramdaman ko na ang lamig ng bus.
"You can sit wherever you want to. As long as you stay here on the bus. There is free wi-fi here on the bus. So, enjoy niyo lang itong trip natin guys!" wika naman ng aming adviser na si Miss Sharmaine.
Siyempre. Nagtabi kami ng best friend ko na si Angeline. Ako ang nasa window seat at siya naman ang katabi ko doon.
Pagkaupo ng lahat ng aking mga kaklase ay binuksan kaagad nila ang kanilang mga cellphone ikinonect ito sa free wi-fi ng bus. Hindi pa kami gaanong maingay dahil na rin siguro sa dami ng inaantok.
Nakita ko na natutulog na si Angeline sa tabi ko. Pero di ako makatulog. Ako kasi yug tipong di na makakatulog pag nagising. Kaya nandoon lang ako sa bus. Halos lahat sila'y natutulog na at ang iba nama'y nag cecellphone.
Tinitignan ko lang ang daanan habang kami'y papunta sa aming destinasyon. Lahat na sila'y tulog at kami na lang ng driver ang gising. Biglang bumulabog sa akin si Angela, ang mabait at magandang babae sa aming klase.
"Huli ka!" sabi ni Angela.
"Ano ba yan Angela! Nakakagulat ka naman. Andaming natutulog o!"
sabi ko."Hehe. Sorry. Wala kasi ako makausap eh. Nakakainip. Tumayo lang ako para makita kung may gising pa. At sakto! Gising ka pa pala!" sabi ni Angela.
"Hindi. Okay lang."
Inalok ko si Angela ng pagkain dahil nga naman sa rami ng pagkain ko.
"O eto o pagkain. Andami kasi. Di ko naman mauubos ito."
Kinuha ni Angela ang pagkain at nagpasalamat naman.
"Hehe. Thank youuuu. Kumain na ako eh pero masarap kumain kaya thank you so much for being kind."
pananalamat ni Angela sakin."O sige sige. Bumalik ka na sa upuan mo. Baka bigla pang pumreno eh mabaltog ka pa diyaan."
"Sige bye bye. Thanks sa food labyu!"
Bumalik na si Angela sa kaniyang upuan.
Hmm. Di lang nila alam. May multo dito sa bus. Pero di ko na lang sasabihin. Baka may atakihin pa sa puso dito. Pero totoo. Merong multo.
Pati sa kalye minsan may nakikita ako. Hehehe. Di ko na lang sila pinapansin. Malayo-layo na rin pala narating namin. Pero wala naman nang bus sa harapaan namin. Baka nauna na siguro sila. Tinignan ko ang aking cellphone at 4:50 na ng umaga.
Himala ah. Napapapikit na ang mata ko. Di ko namalayan nakatulog na pala ako. Mga ilang minuto lang pagkatulog ko ay bigla ako nagising sa tunog ng...
Malakas na preno ng bus..
Tunog ng pagkakaladkad ng gulong bus...
Matinding sigawan ng aming kaklase...
Napasigaw rin ako at nakita ko na lang si Angela sa sahig na may dugo na tumutulo mula sa kaniyang mukha.
May nabasag na bintana...
Nakita ko si Megan, ang bitch sa aming klase, naumpog sa bintana ang ulo. Mayroon pang mga tira-tira ng bintana sa kaniyang mga mata. Ang kaniya namang katabi na si Bryan, ang kaniyang boyfriend ay mukhang wala na ring malay dahil di ko sigurado kung parehas silang nauntog sa bintana. Puro dugo na ang mga mukha nila.
Si Angeline naman na katabi ko ay nakaakap na sa akin dahil sa tinding takot na nadadama niya. Sobrang bilis at nakakakaba ang takbo ng bus dahil nasiraan na ata ito ng preno.
Mayroong parang truck na mabubungguan namin sa aming harapan. Mayroon itong mga yero at mga bakal na mahahaba. Di na napigilan at bumunggo kami dito. Ang mga yero nahati ang mukha ni Miss Sharmaine at ng driver sa harapan. Ang mga mahahabang bakal naman at tinugok sina Joseph, Natasha, Gibriel, at Erjohn.
Isang diretsong linya sila natigok ng mahabang bakal. Maraming pang natigok ng mahahabang bakal. Sina Joanne, Dana, Jayson, Jasper, Alyssa, Alina, Kevin, at.. di ako makapaniwala.. pati si Angeline...
Lahat sila natigok na bakal.Naramdaman ko na huminto na ang takbo ng bus kaya nagmadali kami lahat na mga buhay lumabas ng bus. Nagtulak-tulakan kami palabas. At sa di-kapalarang pagkakataon ay nalaglag sina Catherine at Jane.
Nakakadiri ang pagkalaglag ni Catherine dahil nauna ang kaniyang ulo at bumaliktad ang buong katawan niya. Si Jane naman ay nabalian ng buto. Makikita ang bawat patak ng dugo na lumalabas mula sa pagkabali ng kaniyang buto.
"Everyone. Kumalma lang please! Wag muna magsigawan! Magiging okay din lahat." pagpapatahimik ko sa kanila bilang Vice President ng aming klase.
May narinig akong isang malakas na busina...
YOU ARE READING
Clairvoyant
HorrorThere are many things a clairvoyant person can see such as ghosts and other paranormal beings. But, they can also see the future. That means they can see.. Life and Death.