Chapter 2 : Reality

23 3 3
                                    

"Tumabi kayo dali!" pinatabi ko sila ng may makita akong isang malaking truck na patungo sa amin.

"At bakit ka naman namin susundin? Bitch!" pagtutol ni Anna.

"Masasagasaan ka! Tanga!" di ko na napigilan ang sarili.

"Dapat kasi ako na lang ang naging vice preside---"

Naputol ang sinasabi ni Anna ng mahagip siya ng truck. Ang kaniyang dugo ay tumalsik sa amin at mariring mo na ang aking mga kaklase na nagtitilian at nagiiyakan.

Sa katahangang palad naman, jusko apo. Malapit nga pala kami sa bangin. Di makayanan ng boyfriend ni Anna na si Irvin na maiyak at magback-out. Napatakbo siya palikod at natalisod at nalaglag sa bangin. Ang tanga diba? Total kilala naman si Irvin bilang clumsy.

"Ayan naku! Shet. Guys ingat na lang lahat." pamamawal ko sa kanila.

"Irvin!!!!" sigaw ng kaniyang best friend na si Vincent.

"Sa lahat lahat ng tao dito sa mundo. Bakit sa atin pa napunta ang isang kabang kamalasan!" wika ni Lorenz.

"Okay lang yan... Magisip na lang tayo ng maayos!!" sabi ni Sophia, ang happy-go-lucky sa klase namin.

"Guys tama si Sophia! Dapat maging positive lang tayo okay? Walang magiisip na mamamatay na sila. Lahat tayo positive lang!"
wika ko.

Boom...

Sumabog bigla ang bus na tabi namin. Sa lakas nito ay napaturin kaming lahat. Si Jessalyn at Lorenz ay napaturit sa bangin.

Nakita ko pa ang apoy sa kanilang katawan na unti-untivsilang nilalamon...

Kami nina Sophia, Trisha, at David ay nandito lang sa sahig. Unti-unting nananakawan ng buhay..

"Sorry guys... Sorr---"

Naramdaman ko na parang may malakas na shock sa aking katawan.

"8- Butterfly. Please head to Bus 4."

Huh? Anong nangyari? Bakit ganoon? Parang bumalik lahat sa riyalidad?

"Angeline, anong nangyari? Bakit nandito ako? Diba patay ka na? Patay na tayo?" Gusto ko na kaagad makuha nag sagot..

"Tumigil ka nga diyan! Tinatakot mo ako eh!" mahahalata sa kaniyang boses ang takot.

Mayroong biglang bumulong sakin..

Mangyayari lahat yan...

Ikaw ang napili niya...

Lahat yan dapat mangyari...

Huwag mong pipigilan...

Kapalit ay kamatayan...

Andaming pumasok sa isip ko.

OO.

Buti na lang at malapit lang sa akin si Miss Sharmaine. Hiniram ko ang kaniyang megaphone a ibinigay naman niya ito sa akin.

"9- Speed. Please hea---"

Naputol ang sinasabi ng adviser ng 9- Speed ng magsalita ako sa megaphone sa pinakamataas na volume.

"10- Clairvoyant. Pasensya na pero hindi pwede matuloy itong field trip! Magkakaroon ng aksidente sa bus natin. Lahat tayo mamamatay. Kung ako sa inyo! Huwag kayo sasama!" sigaw ko sa megaphone.

"Ano ba?! Baliw talaga itong vice president natin eh!" wika ni Anna.

"Guys natatakot ako promise!" sabi ni Sofia.

"Ano ba! Ako na nga lang itong magliligtas sa buhay ninyo kayo pa ang aayaw-ayaw!" Sigaw ko muli sa megaphone.

Di ko mapigilan. Natrigger ang anxiety ko. Sumisikip ang aking dibdib at naghyhyperventilate ako kahit na nasa open area kami.

"Dali tawagin niyo si Miss Sharmaine!" narinig kong sabi ni Angeline.

"The buses will leave in 10 minutes."

Dumidilim na ang paningin ko at putol-putol ang pagrinig ko.

"Madam, pwede po ba sumunod na lang kami? Medyo matatagalan po kasi kung hihintayin pa po kami." pakiusap ni Miss Sharmaine.

"Okay lang basta make sure you will catch up or else you'll miss all the fun." Sabi ni Miss Jean.

"Thank you po Madam!"

Namulat ang aking mata at lahat sila'y nandito pa. Lahat ng kaklase ko nandito pa sila. Si Miss Sharmaine at ang bus namin.

"Salamat po Miss Sharmaine at hindi niyo na tinuloy ang field trip! Kung tinuloy niyo ay baka namatay na lahat tayo." sabi ko kay Miss Sharmaine.

"Ahm. Oo. About the field trip. Tuloy siya, unfortunately for you. Pero kung gusto mong hindi sumama. Ok lang din naman." wika ni Miss Sharmaine..

"Sasama na po ako."

"Okay sige. Bilisan na natin may time pa naman. Tara na sa bus. Naghihintay na sila lahat sayo." Sabi ni Miss Sharmaine.

Tumungo na ako sa bus kasama ni Miss Sharmaine. Kinakalibutan pa rin ako tuwing iniisip ko ang nangyari sakin kanina.

Sana naman hindi magkatotoo lahat ng nakita ko...

May mamamatay...

May ----...

Ayoko na isipin ito. Gusto ko na lang kumalma at i-enjoy ang trip na ito.

"Now here comes Ms. Vice President este Papansin Queen. Too bad na I didn't record what happened kanina." wika naman ni Allyssa.

"Ano ba! Tumigil nga kayo. Walang may gusto ng nangyari kanina kaya kalimutan na lang natin." banat ni Angela sa kanila.

Nanahimik ang buong bus matapos marinig ang sinabi ni Angela kaya tumuloy na lang ako sa paglakad papunta sa tabi ni Angeline.

"Buti naman nandito ka na. Nagaalala talaga ako sayo kanina. O, dito ka na sa window seat. Alam ko naman na gusto mo dito." sabi ni Angeline sa akin.

Tumango na lamang ako dahil di pa gaanong maayos ang aking pakiramdam. Naupo na lang ako doon. Tinignan ko ang aking watch. Ang oras na ay 5:40 ng umaga.

Yung oras na malapit na mangyari yung aksidente...

Umandar na ang bus at nakatulog na lamang ako sa aking kinauupuan.

Nagising ako ng 6:51. Mahaba rin pala ako natulog. Wala naman gaanong nangyayari ngayon sa bus. Gising na sila dahil na rin siguro ay sa nakakabigla kong sinabi. Hihintayin ko na lang siguro na makarating kami sa aming pupuntahan.

8:26 na? Nagulat ako dahil hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Okay guys! Papunta na muna tayo ngayon sa ating pananatilihan sa buong trip. Bahay Blanca." pagpapaalam sa amin ni Miss Sharmaine.

Natuwa na ako dahil hindi nangyari yung aksidente sa amin na dapat mangyari. May tv nga pala dito sa bus.

Nagulat na lang ako bigla sa narinig ko...

ClairvoyantWhere stories live. Discover now