Hindi ko parin matanggap ang nangyari noong isang araw. Hindi ko parin magawang maniwala kay Chase, inisip ko nalang na kaya niya sinabi iyon ay para bumawi sa'kin.Ngunit nagkamali ako, sadyang totoo pala ang sinabi niya. Dahil nakikita kong palagi silang magkasama ni Princess, na masayang masaya.
Sa tuwing nakikita ko silang masaya ay patago akong umiiyak sa CR. Hindi ko 'yon ipinaalam sa mga kaibigan ko, dahil alam kong susugudin nila si Chase. Dahil noong malaman nila ang nangyari ay tuluyan na silang hindi nakipag-usap kay Chase. Sinabi ko na sa kanilang 'wag gawin 'yon, ay ginawa parin nila. Galit sila kay Chase, Galit na galit.
Naglalakad ako patungong canteen nang harangin niya ako. "Nakakaawa ka naman, hindi ikaw 'yung gusto kung hindi ako."
Hindi ko siya pinansin bagkus nagpatuloy parin ako sa paglalakad, ngunit muli nanaman niya akong hinarap. "Sobra kang nakakaawa, pinakilig ka lang pero sa'kin ang bagsak."
"Pakihanap ng pake ko." Walang ganang sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad, ngunit natigilan ako nang sabunutan niya ako.
"Kinakausap pa kita, bastos ka."
"Seriously, Princess? Nasayo na't lahat ano pa bang ipinuputok ng budhi mo?" Galit ngunit mahinahong ani ko.
"Gusto ko lang itatak mo riyan sa utak mo na ako ang gusto ni Chase, at hindi ikaw." Pagduro niya pa sa'kin.
"Hindi mo kailangang ipamukha, kahit maghalikan pa kayo sa harap ko, wala akong pake. Sayong sayo na siya, hindi ko kailangan ng taong manlokoko sa buhay ko." Sasampalin niya na sana ako pero naharang ko ang kamay niya. Siya na sana ang sasampalin ko nang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko kung sino 'yon ay naluha ako.
"Subukan mong saktan ang babae ko hindi ako magdadalawang isip na idapo ang kamao ko sa mukha mo." Wala akong nagawa nang biglang may sumuntok sa mukha ni Chase.
"Gago ka ba, Chase? Isipin mong mabuti kung sino 'yang sinasabihan mo, gustuhin mo siya o hindi kaibigan mo parin si AE." Galit na galit na ani Axel.
"Ayos ka lang ba?" Pagtanong sa akin ni Eissel at Angelo, tumango naman ako. Sinenyasahan ko naman si Eissel na pigilan si Axel at ginawa niya rin naman iyon.
Hindi na nakapagsalita si Chase. Wala na siyang nagawa kundi ang tingnan lamang kami. Bago pa man kami tuluyang makaalis ay nilapitan muna siya ni Eissel.
"Kahit anong sabihin at gawin mo si Chase, alam kong si AE parin ang gusto mo, alam kong hindi biro 'yon," Hinarap niya si Princess. "At ikaw na babae ka, isang beses pa na malaman kong sinasaktan mo ang best friend ko, pasensya nalang sa'yo."
Agad na lumapit sa akin si Eissel at hinila ako papalayo sa kanila. Nakarating kami sa rooftop, hindi ko naman napigilan ang sarili kong umiyak na ng tuluyan sa kanya. Agad niya akong niyakap at hinaplos ang likuran ko.
"Iiyak mo lang 'yan, hindi naman masamang umiyak minsan, pero ipangako mo sa'kin na after niyan, hindi kana iiyak sa kanya ha?" Kumalas ako ng yakap sa kanya saka siya hinarap.
"E, kahit anong gawin ko hindi naman siya mawala sa isip ko. Ewan ko ba, pakiramdam ko talaga pinanganak na akong malungkot at kailan man 'di mararanasang sumaya."
"Huwag mong sabihin 'yan, AE. Alam kong dadarating ang araw na mararanasan mo 'yung tunay na saya, alam ko ang lahat ng 'to ay may rason. Magtiwala ka lang, magiging ayos din ang lahat." Nakangiting aniya.
"Thankyou, Eissel." Saad ko saka siya muling niyakap ng napakahigpit.
***
Sa paglipas ng buwan ay unti-unti ko ng nakakalimutan ang mga nangyari, pero aaminin kong nasasaktan parin ako kapag magkasama silang dalawa. Pero hindi na ako umiiyak, ayoko ng umiyak ng dahil sa kanya. Ayoko ng magmukhang tanga pa sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow (COMPLETED)
RomanceShe's Aisha Elissabeth Alcantara, a girl who seemed unbreakable, broke. Ang babaeng noo'y palangiti, punong puno nang pagdadalamhati. Ang babaeng ang tanging role lang sa mundo ay masaktan at lamunin ng kalungkutan. But everything change when she m...