"Gagi, paano naman kaya kung minumura mo na pala 'ko, wala pa akong alam." Hinampas ko siya sa braso niya."Hindi 'no. Ang tanga ko naman kung mukurahin kita, e gusto nga kita." kinindatan niya pa ako.
"Hmpk! Dami mo ring alam e, 'no. Alam mo mabuti pang pumasok nalang tayo sa loob, nagugutom na ako. Nagluto rin si Mama ng ating paborito," nakangiting sabi ko sa kanya bago siya hilahin papasok ng bahay.
Pagpasok namin ay si Mama agad ang tumambad samin. Naghahanda ng aming tanghalian. Lumapit agad ako at tinulungan siya, nagulat pa siya sa aking paglapit.
"Mama, tulungan na kita riyan. May katulong naman kasi tayo, bakit hindi ka humingi ng tulong sa kanila?" Ngumiti si Mama at humarap sa'kin.
"AE, hindi sa lahat ng oras nandiyan sila upang pagsilbihan tayo. Isa pa kaya ko naman, at nararapat lang na tumulong ako. Tsaka tinulungan naman nila akong magluto at ngayon naman ay nasa garden sila, naglilinis." Natigilan pa siya ng makita kung sino ang nasa likuran ko.
"Oh hijo, napapadalas na ang iyong pagparito ah. Dumadamoves na ba sa aking Prinsesa?" Nang-aasar sa tono ng pananalita ni mama.
"Ma naman e!" nakangusong sabi ko sa kanya.
Natawa naman si Chase. "Nako Tita, kayo ang unang sasabihan ko kapag gusto ko nang ligawan ang inyong prinsesa."
Hampasin ko nga sa braso. "Isa ka pa, kaya lalo akong inaasar ni Mama. Psh, maupo kana nga lang diyan, nagugutom na ako." Naupo naman siya sa tabi ko, habang tumatawa.
"Tita, pinasasabi nga po pala ni Mama kung pwedeng isama kayo sa batangas? Magbabakasyon lang po, at isang linggo po tayo roon." Pagbabasag ng katahimikan ni Chase habang kami ay kukamain.
"Nako, hijo. May importante akong gagawin e, kung gusto mo ay si AE na lamang ang inyong isama." Nakangiting sabi ni Mama bago tumingin sakin. "Anak, sumama ka ha."
Ngumiti at tumango nalang kay Mama. Hindi ko nga pala nabanggit sa inyo na taga Batangas din si Chase, pero magkaiba kami ng bayan.
Palibhasa ay kaibigan ko naman ang kasama ko, pumayag si Mama. Simula kasi noong iwan kami ni Papa never na akong pinasama ni Mama kung kani-kaninong mga lalaki. Kaya naman never din akong nainlove, highschool lang kasi noong magkaroon ako ng kaibigang lalaki. Mabait naman at mapagkakatiwalaan si Chase, saka classmates din ni Mama 'yung ina ni Chase noong highschool sila.
***
"Bukas na ang alis natin. Ihanda mo na ang iyong gamit ha?" Nakangiting sabi sa akin ni Chase, tumango naman ako.
"Susunduin na lang kita bukas ng umaga, maaga kasi ang alis natin. Para makaabot rin ako sa liga. Hapon iyon gaganapin at kasali ako,"
"O, seriously?" Tumango siya. "Sus. Make sure ako na ikaw nanaman ang MVP niyan, ikaw pa ba? Psh, galing sa larangan ng basketball."
"'Wag mo 'ko bolahin diyan, pumasok na roon sa loob niyo, gabi na e. Aalis na rin ako." Saad niya habang nakapamulsa.
"O-okay, eto na nga sir, papasok na 'ko." Agad ko siyang tinalikuran, saka ako muling lumingon.
"Bye bitch!" Saad ko saka dali-daling tumakbo papasok nang aming bahay.
Nakangiti akong pumasok sa loob, nakita ko naman si Mama sa may sala. Tumingin siya sakin, isang tingin na nang-aasar. Alam ko na nasa isip niya. Alam kong aasarin nanaman niya ako kay Chase, Walang bago roon.
"Mukhang napapadalas ang papunta rito ng iyong KAIBIGAN ha." Pagdiin niya. "Umamin ka nga sa'kin, anak, nanliligaw ba iyon sa'yo o baka naman kayo na?"
BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow (COMPLETED)
RomansShe's Aisha Elissabeth Alcantara, a girl who seemed unbreakable, broke. Ang babaeng noo'y palangiti, punong puno nang pagdadalamhati. Ang babaeng ang tanging role lang sa mundo ay masaktan at lamunin ng kalungkutan. But everything change when she m...