IKASIYAM

40.6K 1.2K 8
                                    


-Kasinungalingan

Edgrado's Point Of View.

4 years ago...

"Kailan pa?" Tanong ni Carmina sa akin nang sabihin kong bagay na iyon. "Bakit hindi mo agad iyon sinabi sa amin?"

"I'm sorry, Carmina. Neto ko lang din nalaman ang totoo kung kailan napamahal na 'ko sa bata, at kung kailan mahal ko na si Margot." Nangingilid ang luha na ani ko sa kanya.

Nang malaman ko ang katotohanan sa nangyari 9 years ago ay agad kong inalaman ang address nil upang linisin ang kanyang pangalan sa kanyang anak. Nais niyang sabihin ang katotohanan upang bumalik ang tiwala nito sa kanya. Ngunit hindi naman ako nahirapan na hanapin iyon dahil kay Grace na aming kaibigan noong highschool kami.

"Iyan ba ang dahilan mo kaya't naparito ka?"

Tumango ako. "Gusto kong malinis ang pangalan ko sa anak ko, gusto kong malaman mismo na napatawad na 'ko ng anak ko,"

"Kung sa tingin mo ay paniniwalaan ka niya, huwag kanang umasa, kilala ko ang anak ko, hindi ka niya madaling mapapatawad." Saad pang muli ni Carmina.

Hindi ko alam gagawin, kundi hintayin ang pag-uwi ng anak na si Aisha Elissabeth, kahit na sa totoo lang ay nahihirapan na 'ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ako ng anak ko, hindi ko alam kung bibigyan niya pa 'ko ng pagkakataon upang ibalik ang tiwala niya sa akin. Nasa ganoong sitwasyon ako ng pag-iisip nang bumukas ang pinto at tumambad sa akin si AE kasama ang mga kaibigan niya.

Hindi ko napigilang mapangiti nang makita ko siya, dalagang dalaga na siya. Lumaki siyang maayos at maganda. Dali-dali akong lumapit at sinalubong ang masamang tingin niya.

"A-anak.." Uutal-utal na sabi ni Carmina sa kanyang anak ngunit ang tingin nito ay nanatili lamang sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata kaya't kusa na akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" Nakaramdam ako ng kaba nang tanungin niya sa akin 'yon. Ngunit hindi ko iyon pinansin, siguro ay ito na nga, ito na ang pagkakataon upang malaman niya ang katotohanan.

"A-anak." Lumingon ako muli sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito? Sagutin mo ang tanong ko, at 'wag na 'wag mo na akong matawag-tawag na anak. Dahil simula nung iwan mo kami, hindi na kita Ama!" Garalgal ang boses na aniya. Parang may kung anong tumusok sa aking dibdib nang sabigin niya sa akin ang mga bagay na iyon.

Gusto ko siyang yakapin, ngunit hindi ko magawa.

"G-gusto ko lamang na kamustahin k-ka---"

"Kamustahin? Just wow! It's been 9 years, ngayon mo lang 'yan naisipan? Ilang taon akong umasang babalik ka, umasang kahit sana man lang kamustahin ako, pero wala e, walang dumating kahit na anino mo at ano? tapos ngayon kakamustahin mo ako?Kakamustahin mo 'ko na para bang isang aso lamang ang iniwan mo?" Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapaiyak nang malakas.

"Naalala mo ba 'yung mga pangako mo? 'Yung mga pangako mong hindi mo kami iiwan? Yung mga pangakong kami lang mamahalin mo ni Mama"

"You broke a promise and made me realize. It was all just a lie." Gusto kong ibuka ang aking bibig ngunit hindi ko magawa, parang may kung anong pumipigil sa akin kaya't wala akong nagawa kundi saluhin ang mga panunumbat niya sa akin.

"O, sige. Sasagutin ko 'yang katanungan mo, ayos lang ako. Ayos na ayos na 'ko. Ang saya nga e, kasi wala na 'kong ama. Alam mo na ba kahit walang ama, ang saya ng buhay? kasi andiyan naman si Mama, e." Tumawa siya ng nakakainsulto. "Masaya na kami kahit wala ka. Look, andito ka nga pero masaya ba kami? 'Di ba hindi? My point is ayokong naririto ka, bakit kailangan mo pa kaming guluhin?!"

Tears Of Sorrow (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon