PANGALAWA

59.1K 1.9K 27
                                    

Isang buwan na agad ang nakalipas. Ang bilis ng takbo ng oras. Isang buwan ang lumipas noong huli kong nakita si Edgardo. Matapos ang araw na 'yon ay hindi na siya sa amin nagpakita, hindi na siya bumalik pa.

Kahit siyam na taon na ang nakakalipas, sariwang sariwa parin sa'kin ang lahat. Masakit parin para sa'kin ang mga kalokohang ginawa niya. Siguro nga ay kaya kong tanggapin ang nangyari sa pamilya namin pero ang patawatin siya ay hindi ko na magagawa pa.

Mabuti nalang naging madali kay Mama ang kalimutan ang nangyari noong isang buwan. Mabuti na lamang hindi naulit 'yung noon, 'yung dating umiinom at hindi na makausap na si Mama. Mabuti nalang, hindi gano'n ang nangyari, siguro kung nangyari lang 'yon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko na kasing makitang nasasaktan si Mama. Ayokong nakikitang umiiyak siya. Ayokong nahihirapan siya. Pero mabuti nalang naging masaya parin kami ni Mama at sa nangyari nung isang buwan ay wala kaming ibang iniisip kung hindi ang magpakasaya nalang kami.

Si Mama  kasi 'yung kahit nahihirapan na sa trabaho, go lang para lang makapag-aral ako. Si Mama 'yung kahit nasasaktan na ngumingiti parin. Si Mama 'yung pinaka-dabest na Mama para sa akin. At nangako ako kay Mama na lahat ng paghihirap niya sakin, ay susuklian ko. Kaya naman ginawa ko ang lahat nag-aral ako ng mabuti.

Isang araw, isang linggo, isang buwan pa ang lumipas. Gumaraduate na kami sa 4th year highschool. With high honors ako, at ilan pang awards ang nakuha ko. Masaya ako dahil naging proud sa'kin ang Mama ko, pati ang mga kaibigan ko. Pero may isang tao akong hinanap nung araw na 'yon, na kahit ayoko mang makita pero umasa akong pupunta siya at babatiin ako ngunit wala ni isang anino niya. Kinalimutan na nga niya talagang may anak siya.

Hindi parin mawala sa isip ko ang pag-iwan niya samin ni Mama. Sariwang sariwa parin, hindi na nga yata 'yon maalis pa. Pati siya, mga alala naming magkasama. Nung 6 years old lang ako, noong minsang naligo kami sa ulanan at putikan. Kahit pinagagalitan na kami ni Mama ayos lang, basta maging masaya kami.

"Mahal! AE! Pumasok na nga kayo rito sa loob, baka magkasakit kayo niyan!" Tawag samin ni Mama ngunit hindi namin 'yon pinansin, bagkus nagpatuloy kami sa pagsasaya.

"Pasaway talaga kayong mag-ama ha, pumasok na kayo rito, tama na iyan." Muling sigaw ni Mama.

"Mama, mamaya nalang po, masarap maligo sa ulanan e." Lumapit ako kay Mama. "Halika ka narin, Mama. Sumama kana samin ni Papa."

"Ay nako! Kayo nalang Mag-ama, pero kapag nagkasakit kayong dalawa. Bahala ang Papa mong maghanap ng gamot niyo!" Galit na sabi ni Mama, 'di ko pinansin 'yon, tumakbo nalang ulit ako kay Papa. At saktong lapit ko kay Papa at binato niya ako ng putik kaya't dali-dali rin akong kumuha at nakipagbatuhan kay Papa.

"Hayaan mo na ang Mama mo, mainit nanaman ang ulo. Hindi kasi naka-kiss sa akin kanina." Natawa ako sa sinabi ni Papa.

Naalala ko ang araw na 'yon. Galit na galit talaga noon si mama, samantalng kami ni Papa nagtatawanan lang. Noong gabi ring 'iyon nagka lagnat ako, kaya't inalagaan ako ni Papa, hindi niya ako iniwan sa kwarto bagkus ay nagpakapuyat siyang bantayan ako. Ngunit ang lahat ay nagbago noong nag pitong taon ako.

"Mama, bakit hindi pa umuwi si Papa? Apat na buwan na siyang hindi umuuwi. Hindi rin siya umuwi nung isang buwan, nung mag 7th birthday ako. Miss na miss ko na po siya." Malungkot na sabi ko. Niyakap ako ni Mama, saka hinalikan niya ang buhok ko.

"Hindi ko rin alam, anak. Ang paalam niya sa'kin ay magtatrabaho siya, ngunit apat na buwan na ang lumipas, wala parin siyang padalang pera, at hindi rin siya umuuwi."

"Baka nga po ay busy siya." malungkot kong saad. "Pero bakit gano'n Mama? Ang sabi niya ay kantahin ko lamang ang paborito naming kanta, uuwi siya. Maraming beses na po akong kumanta hindi parin siya umuuwi." Humihikbi nang sabihin ko iyon kay Mama, habang nakayakap sa kanya.

Tears Of Sorrow (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon