IKALIMA

53.7K 1.6K 21
                                    


Hindi ako nakatulog ng maayos matapos ang nangyaring noong biyarnes ng gabi sa pagitan namin ni Papa. Bumalik ako nang basang-basa sa bahay nila Chase, mabuti na lamang ay hindi halata ang aking pag-iyak, kung hindi ay baka tanungin ako nang tanungin nina Chase. Noong gabi ring iyon ay inasikaso agad ako ni Tita. Pinainom niya agad ako ng gamot, dahil nilagnat ako,sinipon at inubo.

Pagdating ng linggo ay maaga kaming bumalik ng Maynila. Naging tahimik ako sa pagbiyahe. Alam kong nag-aalala noon sa akin si Chase, pero maspinili niyang manahimik nalang. Pati pag-uwi ko ay naging tahimik ako, napansin 'yon ni Mama. Tinanong niya kung ayos lang ako, nagsinungaling ako sinabi kong ayos na ayos ako kahit hindi naman talaga. Ayoko kasing sabihin kay Mama ang pagkikita namin ni Papa, pero alam kong hindi ko 'yon magagawa, dahil hindi ko kayang magsinungaling kay Mama.

Nang sumunod na araw ay mas naging tahimik ako. Alam kong napapansin narin iyon ng mga kaibigan ko, lalong lalo na si Mama. Kapag tinatanong nila kung may problema ba ako? Palagi ko nalang sinasagot na wala naman. Si Chase ay alam kong alalang-alala na sakin, dahil alam niyang si Papa ang naging dahilan ko kung bakit ako nagkakaganito.

"Anak, wala ka bang balak kumain? Palagi ka nalang narito sa kwarto mo, baka magkasakit kana niyan. Kaninin mo 'tong tanghalian mo."May pag-alala sa tono ng boses ni Mama na may dala-dalang tray na may lamang pagkain. Hindi ko napansin ang pagpasok niya sa kwarto ko, dahil abala ako sa pagt-type ng isang storya tungkol sa pamilya.

"Ayos kalang ba talaga anak? Simula noong umuwi ka galing Batangas, palagi ka nalang tahimik, pati pagkain ay wala kang gana. Sabihin mo nga sa'kin may nangyari ba?"

Nanginit bigla ang aking mga mata, tumayo ako at agad na lumapit kay mama matapos niyang ipatong ang tray sa center table ko. Niyakap ko siya at doon ako umiyak nang umiyak. Mayamaya pa ay kumalas na siya ng yakap sa'kin, tumingin siya sa akin na may pag-alala sa mga mata.

"Sabihin mo sa'kin, may problema ba? May nangyari ba sa'yo roon?" Naging matunog ang pag-iyak ko.

"Ma, hindi ko maintindihan, bakit gano'n? 'Yung anak niya ang saya-saya dahil may ama siyang kasama, samantalang ako bata palang iniwan niya na. Bata palang ipinaranas na niya sa aking masaktan. Ba't gano'n siya, mam? Ang sakit sobrang sakit noong makita ko siyang masaya sa piling ng iba." Ikinuwento ko kay Mama ang lahat ng nangyari sa Batangas.

Ilang sandali pa 'kong umiiyak habang nakayakap kay Mama. Inalis niya ang yakap ko sa kanya, hinawakan ang magkabila kong pisnge.

"Shhh, tumahan kana. Lahat ng tao pwede manakit at pwedeng masaktan. May ibang rason upang mawala ang sakit na yan. Kalimutan ang nakaraan, harapin ang kinabukasan."

"'Wag kang mag-alala, nandito lang ako. Hinding-hindi kita iiwan. Handa akong magpaka- ina at ama sayo habang buhay, AE. Mahal na mahal kita, Anak." Garalgal ang boses na sabi ni mama. Niyakap niya ako kaya naman niyakap ko rin siya.

"I love you too, Ma. Hinding-hindi rin kita iiwan, hinding hindi kita ipagpapalit sa iba. Ikaw lang ang mama ko. Thankyou, Ma."

***

Naging madali sa aking kalimutan ang nangyari sa Batangas, simula noong makausap ko si Mama. Noong araw ding iyon ay inayos ko ang sarili ko. Hindi ko na kailanman inisip pa si Papa, bagkus ay pinilit kong sumaya at naging madali naman iyon sakin.

Dumating ang araw ng linggo. Nalalapit nanaman ang pasukan, sa susunod na linggo na. Senior highschool na ako, Grade 11. Nakapag-enroll narin ako kasama ang mga kaibigan ko.

Maslalo kong nakalimutan si Papa ng pasayahin at damayan ako ng mga kaibigan ko. Lalong lalo na si Chase, na walang ibang ginawa kung hindi ang pasayahin ako sa araw araw. Sa tuwing kasama ko siya ay parang ako na 'yung pinakamasayang babae sa mundo. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang nararamdaman ko, basta ay masaya lang ako kapag kasama siya. Hindi nagiging maganda ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

Tears Of Sorrow (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon