IKAAPAT

54.3K 1.8K 59
                                    



Mag-aalas dose na ng hapon pero nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng kwarto ko. Halos maluha-luha na ako dahil sa hindi ko pagkurap. Ayokong lumabas ng kwarto, gusto ko lang magkulong. Wala akong gana.

Dalawang araw na ang lumipas simula noong magkita kami ni papa. Dalawang araw narin akong hindi lumalabas ng kwarto. Hindi ako mapilit nila Tita at Chase na lumabas, wala talaga akong gana kaya naman nagdadahilan nalang akong may pinaayos sa'kin si mama sa aming kompanya. Hindi rin alam ni Chase ang pagkikita namin ni papa, at ayokong ipaalam 'yon sa kanya baka kasi siya ay mamoroblema. Hindi ko rin 'yon sinabi kay mama.

"Bakit hindi ka lumabas at sumama sa'kin sa beach? Dalawang araw nalamang tayo rito at sa isang araw maaga tayong babalik sa maynila,"Napatingin ako sa kapapasok lamang na si Chase, hindi ko namalayan ang pagpasok niya.

"Mainit kasi, at hindi parin ako tapos sa pinagagawa sa'kin ni mama."

"Matagal na tayong magkaibigan, AE. Alam ko kapag may problema ka, sabihin mo sa'kin ano 'yon? Ang papa mo parin ba?" Pilit ngiti at tumango nalang ako sa kanya. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang dalawang kong kamay.

"Nahihirapan na 'ko, Chase. Bakit parang nasa akin na lahat? Puro nalamang ba kalungkutan ang babalot sa akin? Kailan ba ako makakalaya sa kalungkutan na 'to? Bakit kailangan ko pang makulong dito?" Umiiyak na sabi ko sa kanya. Kinuwento ko naman sa kanya lahat ng nangyari.

"Shhh. Tumahan kana, ayusin mo ang sarili mo. Pupunta tayo sa court ang daya mo e, hindi mo 'ko pinanood kahapon. Paano kami mananalo niyan, kung 'yung inspirasyon, nagkukulong lamang dito." Nakangiting sabi niya sa akin habang pinupunasan ang magkabilang pisnge ko na basang-basa nang luha. Kahapon nga pala ang simula ng liga nila.

Lumabas na siya at sinabing sumunod ako sa kanya. Siguro nga ay tama na ang dalawang araw na pagkukulong ko. Kailangan ko narin sigurong tanggapin na iniwan na talaga kami ni papa, at kahit na kailan ay hindi na niya kami babalikan pa.

Tama sila, ang nakaraan ay tapos na, hindi dapat kailanman balikan pa, dahil ang kapilit lamang nito ay kalungkutan.

"Gusto mo bang mag-swimming?" Agad na salubong sa'kin ni Chase nang makalabas ako. Sadyang napakaganda pala ng beach, lalo na kapag nandito ka sa labas. Sariwa ang hangin, at hindi masakit sa balat ang init.

"Aba Bugoy, napaganda naman ng dalagang iyan. Iyan na ga ang iyong gerlpren?" Tanong ng maedad na sigurong lalaki. Bugoy pala ang palayaw niya rito.

"Ay hindi ho tiyo, si Aisha Elissabeth ho iyan. Kaibigan ko, AE nalang ho para masmadali." Pagpapakilala sa akin ni Chase, at iginaya ako sa kubo kung saan naroon ang ilan niyang kamag-anak. Naupo naman ako sa tabihan ni Tita.

"Kay ganda mong bata, Ey." pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi ng isang maedad na babae. Siguro ay kasing edad siya ni mama.

"Salamat po."

"AE, tara muna roon. Ipapakilala kita sa aking mga pinsan." Turo ni Chase sa may malapit sa dagat kung saan naglalaro ang mga kabataan.

Takbo at lakad ang ginawa namin ni Chase bago kami makarating sa kanyang mga pinsan na abala sa paglalaro ng volleyball. Napatigil sila sa paglalaro nang makita ako ng mga ito.

"Iyan ba ang iyong girlfriend, Bugoy?" Agad na tanong ng isang matangkad na lalaki at moreno. Siguro ay kasing tanda ko lamang siya.

"Hindi no. Bakit iyan palagi ang tingin niyo?kaibigan ko lamang siya. Si AE," pagpapakilala niya sa akin sa kanyang mga pinsan.

"AE, teka iyan ba 'yung sinasabi mo na gust—iw!" Hindi na nagawang tapusin noong babaeng ang kanyang sasabihin nang takpan iyon ng kamay ni Chase na tila may tinatago sila sa'kin, hindi ko na lamang iyon pinansin, bagkus ay humarap doon sa lalaking moreno.

Tears Of Sorrow (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon