6: Last-Minute Emotion

12 3 1
                                    

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad akong dumiretso sa bahay nila dala ang sinabi sa akin ng lalaking noon ay ayaw na ayaw kong lumalapit kay nerd panda.

"She wants to move on kaya siya lumalayo sayo. Nasasaktan siya every time you look at her and you'll just see her as a friend—nothing more, nothing less. Let her be. Let her be if you'll not love her back."

Of course, I will not let her move on. I will never let her move on.

Ayaw kong mawala si nerd panda ng tuluyan dahil sa pride ko. Magso-sorry ako sa kanya at ipagtatapat ko na itong nararamdaman ko. Alam kong nasaktan ko siya pero gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako.

All smiles akong pumunta ako sa bahay nila kahit kinakabahan pero ang naabutan ko lang ay ang papa niya na parang may pupuntahan at nagmamadali. Balisang-balisa ito. Ano kayang nangyari?

I approached him and asked kung na saan si nerd panda pero bigla akong natameme sa sagot niya.

Nasa hospital daw siya. Naaksidente.

Hindi ako paladasal na tao pero that time, napadasal ako na galing talaga sa puso.

And I am praying, Lord, iligtas niyo po siya.

Nakisabay na din ako kahit dala ko ang kotse ko dahil hindi ko na ata kayang mag-drive sa sobrang kaba.

Sobrang bilis ng takbo ng kotse at laking pasasalamat ko ng makapunta na kami doon.

Tumakbo kami papuntang Emergency Room, tahimik na ipinagdadasal na sana okay lang siya...

Makikita ko pa siya diba? Magiging okay pa kami diba? Gagawa pa nga kami ng Panda Army eh. Ipagtatapat ko pa itong nararamdaman ko. Aaralin ko pa ang paborito niyang fried chicken para maipagluto ko siya.

Kaya please po Lord, wag niyo po siyang pababayaan. Mahal na mahal ko po ang taong yun.

Nanlumo ako dahil pagdating namin sa ER, ang nanay at ang pamilya niya ay umiiyak na habang kausap ang isang doctor.

Please... please... wag sana... wag sana...

Pero bigla nalang ako napaluhod nang narinig ko sa doktor ang, "I'm sorry. We didn't make it."

Di ko na namalayan pa ang pag-agos ng luha ko.

Iniisip ko na sana isang masamang panaginip lang ito. Na pagkagising ko, makikita ko pa ang mukha niyang walang reaksyon na kalauna'y magkakaroon ng ngiti.

Ipinikit ko ang mata ko at inisip na pagmulat ko ng mata ko, wala na ito.

Pero hindi ako nagising sa masamang panaginip.

Nasa harapan ko pa rin ang pamilya niya na nag-iiyakan.

Nafi-feel ko pa rin ang luha ko na hindi na ata tumigil sa pag-agos.

Nararamdaman ko pa rin ang konsensiya ko na patuloy akong sinisisi sa nangyari.

Ako ang may kasalanan. Sorry. Sorry. Sorry.

Pero wala na atang magagawa pa ang sorry ko kasi hindi na niya narirrinig.

Napatunganga nalang ako. Iniisip kung paano ko pa maipagpapatuloy ang buhay ko na wala siya sa tabi ko.

Naisip ko ngang baka hindi ito totoo. Baka binibiro niya lang ako dahil sa mga pinagsasasabi ko sa kanya. Hindi naman ako magagalit kung sakaling joke lang e. Kaya sana gumising na siya. Pero wala e... walang nangyari.

9:36 ng gabi. March 20. Ang araw na naging incomplete bigla ang buhay ko.

Hindi ko pa nasasabing mahal ko siya. Hindi pa nga niya ako napapatawad sa ginawa ko e.

Hindi ko matanggap. Wala bang rewind button diyan?

Wala bang second chance?

Kasabay ng pagtulo ng mga luha kong nag-uunahan sa paglabas ay ang pagsabi ko sa mga katagang, "Mahal kita."

Pero what's the use?

Kung hindi na niya maririnig pa ang sinabi ko.

It's too late. It's too late.

Then She HappenedWhere stories live. Discover now