2: Planning Her Melancholy

29 3 1
                                    



After that, uuhh how will I call this? Let's say sweet moment, I tried and tried and tried to get my revenge but failed miserably.

Feeling ko tinatapakan yung ego ko na mas mataas pa sa Mount Everest.

I tried to bully her verbally—no effect.

I insulted her using every word that I can think of pero parang bingi lang siya't walang naririnig sa lahat ng pinagsasasabi ko.

Kahit siguro tutukan ko ng megaphone ang tenga niya, she'll not lose her cool.

Ni-bully ko siya gamit ang mga students ng school, specifically using my girlfriends—wa epek pa rin.

Inutusan ko na din ang mga alipores ko na bugbugin siya pero dafuq, yung mga alipores ko ang napuruhan habang siya ay oonti lang ang galos na natamo.

Are you surprised that I can do that to a girl? Well, I tell you, sagad na sagad ang galit ko sa kanya dati to the point na kayang-kaya ko talaga siyang ipabugbog.

Ni-try ko ding patalsikin siya sa school but the school can't do it since isa ang family niya sa may mga malaking shares.

Frustrated, ako na mismo ang pumunta sa kanya para maghiganti pero ang natanggap ko lang sa kanya ay isang poker face at ang mga katagang, "Layuan mo ako."

Napa-isip na nga lang ako kung robot ba siya or what kasi hindi ko siya makitahan ng ibang reaction. Neutral lang palagi.

Nakaka-curious siya so I researched about her at andami kong nalaman tungkol sa babaeng yun.

Nagma-martial arts pala siya. No wonder nagawa niyang suntukin ako na nakapagpahilo pa sa akin.

Bagay sa kanya ang Karate. She reminds me of a cartoon character, a panda, that's expert to martial arts. Naaalala ko sa makapal niyang salamin na may almost black na lenses ang panda na yun. I think that panda has a movie, uhh, is that Taekwondo Panda? Martial Arts Panda? Karate Panda?

Speaking of glasses, malabo pala talaga ang mata niya. At kaya pala tinted yung salamin niya ay dahil sensitive ang mata niya sa araw.

Naaalala ko bigla yung mga balak ko dati na tanggalin yung salamin niya para mabulag na siya. Tsk, ang sama ko.

Mayaman din sila and our families are business rivals.

Akala ko dati transferee siya dahil hindi ko siya nakikita sa school but it turns out na Grade 7 palang pala e dun na siya nag-aaral.

You can't blame me. Hindi lang talaga ako interesado sa mga pangit na nerd na katulad niya and I'm busy with bossing around and playing with girls.

Dahil sa kung anu-anong pinagriri-research ko about her, I found myself wondering kung paano ko makukuha ang atensiyon niya.

I want to see her make a reaction aside from her infamous poker face.

Gusto ko siyang makitang mainis, magalit o umiyak nang dahil sa akin. Evil? Yes, that's me.

Plan A: I tried to irritate her using words but she doesn't give a damn and sometimes she have a comeback to what I say.

Change of plan.

Plan B: I tried to use my charm. Sino nga bang hindi makakatanggi sa kagwapuhan ko, diba? Guess what happened?

She friggin' insulted me and called me "m@nwh0re". Ugh, so much on using my so-called charm.

Imbes ata na siya ang mainis sa akin, ako pa ang naiinis sa kanya.

Napansin ko na nga ding inaabangan ata ng buong school ang kung anong gagawin ko para makuha ang atensiyon niya like we are in some kind of drama or something.

Plan C: Binigyan ko siya ng favorite food niya. Kunyari peace offering.

It's not what you think! Nabasa ko lang kasi yun sa ni-research ko about sa kanya at saka 'Keep your friends close and your enemies closer' nga diba?

Gusto kong after niyang i-accept yung food na binigay ko, babawiin ko yun at itatapon ko yun sa harapan niya mismo. (I know, immature.)

*but insert evil laugh here*

Alam niyo ba ang favorite food niya? Hahaha, deym, chicken joy sa Jollibee!

Hahaha, dafuq right? The nerd panda got a taste on childish things! I think I'm gonna die laughing.

Hindi niya naman tinanggihan ang offer ko sa kanyang chicken joy. Nag-thank you pa nga siya eh pero after that, hindi na niya ako kinausap pa kahit ilang beses ko siyang kausapin. And... hindi ko natuloy yung plano kong bawiin yung pagkain...

Bigla ko kasing napansin yung pamumula ng tenga niya! I was amused that I forgot about the plan. Woohoo! 1 point for me! And I was like, "Sabi ko na nga ba hindi pa kumukupas ang charms ko!"

Ang dami-daming plano na nang ginawa ko para makuha ko ang atensiyon niya't mainis ko man lang siya pero hindi tumatalab. Suot niya pa rin ang infamous poker face niya.

Irritated, I used my last resort.

Plan Z: I tried to befriend her.

Of course, it's also a part of my plan and not what you're thinking! I don't want to get close to that nerd panda, okay? Hindi ko lang matanggap na nasuntok niya ako dati at hindi siya natatakot sa akin. I think it's my pride.

I want challenge and I think she has the challenge that I want. "I guess my high school life will not end up so boring," I told myself that time.

The plan is... I'm gonna befriend her and after she got close to me, I'm going to be cold towards her at sasabihin kong hindi ko naman talaga siya itinuturing na kaibigan. Pansin ko pa man din na wala siyang kaibigan so I think it'll work.

Pang-FAMAS ba? At least, I can get my revenge with that!

Naisip ko ngang ipagkalat na kami nalang eh, but that's so gross. Di ko ata kayang gawin ang magpanggap na kami. Baka mabahiran pa ang reputation ko bilang isang playboy so I settled with befriending her.

So yeah, pumunta ako sa kanya para makipagkaibigan (kunyari) pero tumingin lang siya sa akin coldly and raised her middle finger.

Tignan niyo! Tignan niyo! Walang manners! Oops, I think I heard my conscience saying, "Look who's talking!"

Para maging kapanipaniwala pa ang Plan Z ko, I called all the students at sinabing, "As of today, I'm already friends with this girl. Try niyo siyang saktan and you'll taste hell."

Inakbayan ko pa siya at ine-expect ko na siyang saktan ako pero wala akong suntok o sipa na natanggap.

Nang tumingin ako sa kanya, di ko alam kung tatawa ba ako o magtatatalon sa tuwa.

People, behind her tinted and thick glasses, nakita kong lumaki ang mga mata niya! Ibig sabihin nagulat siya! I did it! 2 points!

I was already celebrating in my head when I felt pain on my leg. Ang dahilan? Sinipa niya ako.

I just smirked na tinapatan niya nang isang malamig na titig while saying, "DON'T. TOUCH. ME. OR. I'LL. SEND. YOU. TO. THE. PITS. OF HELL."

And with that, she walked away while I'm doing backflips inside my head.


Tagumpay!



Then She HappenedWhere stories live. Discover now