Chapter 63: Thousand Tears of a Broken Star

8 0 0
                                    

3rd Person's POV

Nakita ni Macey ang katawan ng kanyang Mama Rina na nakahandusay sa sahig. Matinding pighati ang idinulot nito kay Macey. Samantala, nakita naman ni Happy ang isang simbolo na nakasulat sa pader gamit ang dugo.

Robin's POV

Umuwi na kami sa guild at habang papunta kami ay kitang-kita mo na ang pagka-balisa niya sa nakita niya kanina. Pagdating namin sa guild ay pumunta kaagad siya sa kwarto niya at nagkulong.

Saan ka pupunta? tanong ko at hinawakan ko siya sa kamay para pigilan

Gusto ko muna mapag-isa..... sagot niya at bumitaw dumiretso at nagkulong sa kwarto niya.

Ilang oras na ang nakalipas at hindi pa rin lumalabas si Macey sa kwarto niya pinakatok ko na kay Happy pero walang sagot, naka-lock yung pinto.

Ano't tahimik ka ata, Robin? tanong ni Hazel

Si Macey kasi e... sagot ko

Ano ba nangyari kay Macey? tanong ni Ysa

Oo nga. Kanina pa siya wala. Kanina pa kayo wala. Saan ba kayo galing? tanong ni Princess

Ganito kasi yun. sabi ko at pinaliwanag ko sa kanila lahat ng nangyari kanina

Mina's POV

Nakita na ni Macey panigurado ang sinapit ni Rina. sabi ni Brandy

Oo. Sigurado ako. Kailangan na nating maghanda. Master, maaari bang ihanda ko na ang mga kawal natin bilang pinuno ng Seven Deadly Sins at bilang paghahanda sa nalalapit na pagsalakay natin sa kanila o digmaan? tanong ko kay Master

Oo. Siguraduhin mong makukuha natin ang kailangan natin. Ang Celestial Spirit Wizard, Macey Endrigo Grier, ang anak mo. sagot ni Master

Opo, Master. sabi ko

Grimoire Heart. Mga kawal. Maghanda kayo sa nalalapit na pagsalakay natin sa guild na Legendary Dreamers o maaring magkaroon ng sagupaan. Kailangan mapabagsak natin ang pesteng guild na iyon dahil 3 dark guild ng Balam Alliance ay napabagsak nila. Kahit na ang Crimson Elites na nasa ilalim natin. Kaya inuulit ko! Lalaban kayo para sa Grimoire Heart at siguraduhing walang matitira! Maliwanag? sabi ko habang nakikinig ang buong hukbo at lumikha ng sigawan ang mga kawal

Legendary Dreamers #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon