Chapter 60: Findings

24 1 0
                                    

3rd Person's POV

Nakauwi sa guild ng kumpleto sila Robin, natalo nila ang Crimson Elites. Tinulungan din sila ni Althea at Dea para masabi ang totoo sa Magic Council upang makauwi sila. Pero bago umalis si Danny, may sinabi siya tungkol kay Zerra at sa mga magulang ni Macey...

Macey's POV

Bitawan niyo nga ako! Kapag nakawala ako dito humanda kayo sa akin! sabi ni Danny habang pumipiglas

Sa Magic Council kana dumada ng dumada! sabi ng babae na Rune Knights

Ikaw babae ka! Magulang mo si Romy Grier? Magkaparehas kayo ng mata ng papa mo. Nababasa ko ang iniisip mo at hinahanap mo kung sino ang pumatay sa magulang mo? sabi niya

May alam ka ba tungkol sa pagkamatay ng magulang ko?! sabi ko sa kanya habang inaalog ko siya at bigla akong inawat ni Robin

Malalaman mo din ang lahat, matagal ka na niya sa akin pinamamanmanan, kaya kung gusto mong malaman ang lahat.... dagdag pa niya at bigla niyang pinutol ang kanyang pagsasalita kaya mas kinabahan ako lalo. Naramadaman kong may tumulong pawis sa akin.

Bumalik ka kung saan ka nag-umpisa...... sabi niya at bigla na siyang kinuha ng Rune Knights

SANDALI LANG! sigaw ko pero umalis na sila

Bumalik ka kung saan ka nag-umpisa...

Ano naman kaya ang tinutukoy niya sa sinabi niyang iyon???

Isinantabi ko muna iyon at bumalik sa guild. Nakita kong nagkakasiyahan ang lahat. Umakyat muna ako sa kwarto ko at natulog dahil gabi na rin. Nakakapagod din...

*Ilang buwan ang nakalipas*

February 2, X851

Balik na ulit ang lahat sa normal. Kakauwi ko lang galing sa isang job. Pagkadating ko bungad agad yung mukha ni Robin at Happy na umiiyak kasi hindi ko sila sinama -_-

WAAAHHH! BAKIT HINDI MO KAMI SINAMA?! sigaw ni Robin habang humahagulgol

OO NGA! ANG SAMA MO NAMAN! NAKAKASAKIT KA NG DAMDAMIN NG ISANG PUSA! dagdag ni Happy

NAIWAN TULOY KAMI DITO! dagdag pa ulit ni Robin

Alam niyo? Kayong dalawa, tiningnan ko kayo sa kwarto niyo at tulog kayo ang sarap ng tulog niyo, kaya hindi ko kayo inistorbo! sagot ko

KAHIT NA!!! sabay na sigaw nila at umiiyak pa lalo -_-

Oh siya! Para tumigil kayo kakaiyak diyan kahit peke naman yung iyak niyo, lilibre ko na kayo ng tanghali-

Hindi pa ako tapos magsalita pero umo-order na agad sila -_-

TINGNAN MO NGA NAMAN! HOY! HINDI PA AKO TAPOS MAGSALITA UM-ORDER NA AGAD KAYO! KAYO MAGBAYAD NIYAN! bulyaw ko sa kanilang dalawa

Thank you, Macey! sabi niya agad at nginitian ako

Oo na! Sige na! sabi niya

Tanghaling tapat at ang init ng ulo mo na naman sa dalawang to' ha! biglang bungad ni Ysa at binigay yung pagkain kila Robin at Happy

Legendary Dreamers #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon