Chapter 66: Roserie Flower

13 1 0
                                    

3rd Person's POV

Papunta na si Macey ngayon sa isang job. At kasama niya si Robin at Happy. Humingi siya ng tulong dahil medyo mahirap ang gagawin niyang job pero malaki naman ang reward.

Macey's POV
February 10, X851

Naglalakad kami papunta sa isang gubat para sa hinahanap namin na isang Roserie na bulaklak. Isang magandang bulaklak na isang beses lang tumubo sa sampung taon. Nakakapagpagamot din siya ng kahit anong sakit kaya malaki ang reward kapag nakuha ito.

Pick a Roserie Flower!
Reward: 500,000 jewels

Kailangan makita natin to para may pambayad na ako sa 3 buwan ko na utang sa renta ng bahay. Huhu T_T sabi ko

Tutulungan ka namin, Macey! sabi ni Happy

Oo nga, nga pala ano sabi ni Zyra? Diba alam niya kung saan tumutubo yan? tanong ni Robin

Sabi ni Zyra "Nakikita yan sa paanan ng Mt. Hakonen pero mag-ingat kayo dahil may mga mababangis na hayop dun. At kailangan pitasin mo kasama ang ugat dahil sabi nila malalanta daw agad-agad yan at mawawala yung gamot dahil tumatagal yang bulaklak na yan ng limang taon. Kaya mag-ingat kayo!" Ayan ang sabi niya. sabi ko

Ah. Mukhang nandito na tayo. sabi ni Robin at huminto at nakita ko na yung bundok

Naalala ko na dito namin nakalaban ang Oracion Seis at nasira ang bundok pero may gumamit daw ng Time Magic kaya naibalik sa dating anyo ang bundok. Sino naman kaya yun? Isinantabi ko namin yun at hinanap na yung Roserie.

Nasan na kaya yun? sabi ni Happy habang naghahanap

Oo nga. Nakakainip naman maghanap e. sabi naman ni Robin

Dahan-dahan lang kayo baka natapakan niyo na yun! sabi ko at nakaramdam ako ng may tumusok sa tuhod ko. At nakita ko yung isang bulaklak na mahaba ang stem at maraming thorns

Legendary Dreamers #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon