Chapter 65: Ten Wizard Saints

11 0 0
                                    

3rd Person's POV

Ilang araw ang nakalipas at kinabukasan na babalik si Master galing sa isang pagpupulong kasama ang iba pang Ten Wizard Saints. Habang naghihintay si Macey kayla Robin dahil galing sa isang job ay natanong niya kung ano nga ba at sino sino ba ang kasali sa Ten Wizard Saints.

Macey's POV
February 9, X851
11pm

Ysa! Pwede ka bang matanong? biglang sabi niya kay Ysa habang nagpupunas ng counter

Ano naman yun? sabi ni Ysa na may kasamang ngiti

Ano yung nasa damit ni Master na bilog? Ayun oh! Yung nasa kwelyo niya. sabi ko sabay turo sa picture na naka-display pader sa counter

Ahh. Ayun ba? Ayan yung medalyo kapag ikaw ay isang ganap at tunay na kabilang sa Ten Wizard Saints. sagot naman niya na ikinagulat ko

Waaaaaah! Kasama pala si Master dun?! sabi ko at di pa rin ako makapaniwala kasi kung titingnan mo si Master ay simple lang ang suot at itsura wala sa pangingitsura niya ang isang Ten Wizard Saints.

Ang expected ko na itsura nila ay, malaki katawan, nakakatakot ang tingin, may balbas, mahaba ang buhok at yung kasuotan talaga nila ay yung para bang matatakot ka na agad. Samantalang si Master, naka longsleeves lang palagi at pants. Ayun lang. Jusmeeee -_-

Hihi. Kalimitan kasi sa mga Ten Wizard Saints ay Guild Master o di kaya S-Class Mage sa isang guild. At hindi lang si Master ang Ten Wizard Saints dito sa atin. Si Ron ay kabilang din pero mas mataas ang rango ni Master. sabi ni Ysa

Aaahhh. May mga rango din pala yun? sabi ko naman

Oo naman. Si Master Daniel ay ikalima, samantalang si Ron naman ay ikawalo. Ang mga Mage na nasa una, ikalawa at ikatlong rango ay hindi na mga tao. Kumbaga, nasa ibang klase na ang lakas nila kumpara sa mga tao dito na parang halimaw. Hihihi. sabi niya

Legendary Dreamers #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon