Chapter 2: Enrollment

1.9K 73 91
                                    

Continuation of Chapter 1....

Nung nakapasok na kami saUM. Pinapasok kami sa isang room at bago ka makapasok, may runes kaya mahirap makapasok, protektadong- protektado, dito kasi ang principal's office. Madilim ang kwarto at nung biglang bumukas yung ilaw at lumabas ang announcer....

Nag-umpisa ng magsalita yung announcer ata...

Ako nga pala ang inyong announcer na si Jason the Great....Okay, students are you ready?... tanong nung announcer

Hell yeah!!!! sigaw namin

Eto na!!! biglang bumukas yung kurtina na nasa likod niya at nakakita kami ng isang malaking lacrima....

Kung tinatanong niyo kng ano toh? Pwes, ito ay isang Magic Power Finder or MPF. Kapag inatake ko to gamit ang magic, lalabas kung ilan ang power mo, kagaya nito..... paliwanag ng annoumcer at bigla niyang inatake ang MPF gamit ang Ice Magic, at may lumabas na 1530 na number...

Ayan, 1530 ang lakas ko at bawat number ay may designated na section.......

Kapag:

4000 above- Section. S
3000-3999- Section. A
2000-2999- Section. B
1000- 1999 Section. C
0-999- Sec. D

Ang rules naman ay kapag naka-atake ka na, at may lumabas ng no. Bawal ng ulitin... at kung hindi gumana yung ginamit mong skill, may second chance kapa para ulitin at wala nang third chance at last, kung nawalan kang magic, mayroon kaming Magic Power Charger at pag-pumasok ka dun, automatic na magcha-charge ang magic bar niyo kaso mayroong bayad na 100 jewels kada minuto at kapag pumasok ka dun, kulay pula ang ilaw, ibig sabihin nagcha-charge ka na at kapag naging green na, ibig sabihin tapos na...........

Ayan na, na explain ko an yung rules.... Kaya umpisahan na natin ang Enrollment... sabi nung announcer

Kaya sunod sunod na ang mga nagpakita ng mga magic nila, 71 si Robin, 72 si Queen, 73 si Chris, 74 si Princess at 75 ako. Kaya matagal pa kami, dahil nasa no. 15 palang eh...

Naisip ko lang, kung sino gagamitin ko, kung si Cancer naman, hindi siya pwedeng pang atake, si Aquarius naman, magagalit kapag tinawag ko siya sa walang tubig na lugar at kung si Leo naman, baka hindi ako sundin nun, at hindi ko pa siya nakakausap at nakakagawa ng contract......

Trivia:

Ang contract ay ang isang bagay na ginagawa ng isang Celestial Spirit Mage at Celestial Spirit, sa contract, pinag-uusapan nila kung kailan siya pwedeng tawagin ng owner niya. Kailangan ding respetuhin ng owner ang spirit, hindi namang pwedeng tawagin nalang ng biglaan ang spirit at kailangan din nila ng pahinga......

Kaya napag-desisyunan ko na gamitin nalang si Aquarius, kahit magalit siya basta kailangan ko siyang mapa-atake.

Habang nag-papakita ng magic yung iba, tahimik ang lahat, kahit si Robin....

Tumingin nalang ako sa mga iba't-ibang mga kalahok, at may nakakuha ng atensyon ko, isang Dragon Slayer, habang nanonood ako, napansin ko na may 4 pang kagaya ni Robin, at nakakatakot yung kapangyarihan nila, kahit labanan ko sila gamit si Aquarius, hindi ako mananalo...

Bigla nang tinawag si Robin.....

Next participant!!! sabi nung isang babae

Robin Crest, 15 years old at isang Fire Dragon Slayer..... sabi nung isang babae na nakasalamin, isa ata sa mga judge, may lima kasing judge, 3 lalake at 2 babae....

Okay! Umpisahan mo na! sabi nung lalake

Fire Dragon's ........ sabi niya sabay higop

Legendary Dreamers #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon