My Stepbrother And Me (4)

922 11 1
                                    

Wala naman akong ibang magawa kundi ang tumambay sa kwarto, wala pa rin kasing tigil yung pag-ulan. Buti nalang at dala ko yung sketch pad ko at nag-drawing nalang ako. Maya maya pa, bigla naman pumasok si Harvey sa kwarto. Naglatag naman siya ng banig, at nahiga. Naalala ko naman na kinuha niya yung gamit ko, so it means nakuha na rin niya yung cellphone niya. Right?

Tinawag ko naman siya. "Harvey." Hindi naman siya kumibo, nakapikit pa rin siya and it looks like he's already sleeping. Ang bilis naman makatulog nito. "Oy, Harvey." Tawag ko ulit.

"What?" Tanong niya sabay tingin naman niya sa'kin. "Anong kailangan mo?"

"Pahiram ng cellphone mo. Kinuha mo yung gamit ko, so imposible naman na hindi mo kunin yung cellphone mo."

Dahan dahan naman siyang umupo at may kinuha sa pocket niya. "Oh!" Bigla naman niyang hinagis sa'kin. Buti na lang I have good reflexes kundi pag nagkataon baka may sira na dito sa phone niya. Siya ata itong may sira e?

"Pasalamat ka hindi ko nalaglag!" Sigaw ko tumingin naman siya sakin.

"Edi salamat. Ngayon, pwede na ba 'kong matulog?" Tanong niya. He really is annoying. Hindi ko naman na pinansin, at humiga ulit siya.

Memorize ko naman yung number ni Daddy and I think nakasave na din yung number dito ni Dad, sasabihan ko naman siya na baka bukas e makauwi na kami. Ayaw ko naman na mag-worry lalo si Dad dahil sa hindi namin pagcontact sa kanila. Nag-create naman ako ng message agad at pagkatapos ay sinend ko iyun. Wala pa sigurong 5 seconds e nag-vibrate bigla yung phone ni Harvey. Ang bilis naman ata magreply ni Dad? Ganun siguro mag-alala si Dad.

Tinignan ko naman agad yung messages, pag tingin ko naman, hindi galing kay Dad yung text. Napakunot naman yung noo ko at tumingin sa natutulog na si Harvey sabay bato sakanya nung sketch pad ko.

Nagulat naman siya at napa-upo bigla, and then glared at me. "What the hell were you thinking?!" Sabi niya ng nakakunot pa rin ang noo.

"-Bakit hindi mo sinabing wala kang load?!" Sigaw ko naman. Nawala naman yung pagkakunot ng noo niya kundi napaltan 'to nang malakas na pagtawa niya. Tinitigan ko naman siya ng masama, napatigil naman siya sa pagtawa at umiwas sakin ng tingin. Nako kung hindi ka nga naman mamalasin at ganito pa yung makakasama mo! Tsk!

"Nagtanong ka ba, huh?" Sabi niya sabay kuha dun sa binato kong sketch pad.

"Ano ba sa tingin mo gagawin ko sa phone mo? Huh? Hindi ba makikitext!" Sagot ko naman.

"Malay ko bang titignan mo mga pictures ko o kaya--" sabi niya pagkatapos ay binuklat naman niya bigla yung sketch pad ko.

"Hoy!" Napatingin naman siya sa'kin. "Ito na phone mo!" Sabi ko sabay bato din sa kanya nung phone niya. "Ibalik mo na sa akin niyang sketch pad ko!"

"Tss, ang lakas na nga ng ulan, sinabayan mo pa ng lakas ng boses mo." Iritado niyang sabi. "Ano ba kasi 'tong drawing mo?" Tinitigan naman niya yung drawing ko. "Since when you had your interest to Foreign Actresses?" I froze.

"aucun de votre entreprise. [None of your business]" Sagot ko naman. "Ibalik mo na yan!" Tumayo naman ako para kunin yung sketch pad ko, saktong malapit na ako sakanya ay tumayo rin siya.

"Binato bato mo tapos kukunin mo." Sabi niya, sabay tinaas naman niya yung kamay niya, hawak hawak pa rin yung sketch pad. "You shouldn't be embarrassed about it, as you can see..." sabay tingin niya ulit dun sa drawing ko ng nakataas pa rin yung kamay niya. "..you do have a talent."

"Just give it back to me please." I said, looking at the floor. I don't know why I'm always sensitive when my mom's involved. I mean kahit na sa sobrang simpleng bagay basta napapasama si mommy, I'm really sensitive. "S'il vous plaît, Je t'en supplie [please, I beg you.]"

"Stop that alien language, hindi kita maintindihan." Sabi niya, natawa naman siya bigla. 

Maya maya lang tumigil siya sa pagtawa, at hinawakan ako sa magkabilang braso habang hawak hawak pa rin niya yung sketch pad ko. "Hey.. umiiyak ka ba?" Tanong nya ng may pagaalala. "I'm sorry, I didn't mean it." Sabi niya, inangat naman niya yung mukha ko at hinarap sakanya. "Here." He handed me back my sketch pad and wiped away my tears.

Inalis ko naman yung kamay niya, "Sorry." sa pagiging sensitive ko.

"No.. it's fine. You don't have to say sorry."

"Its just that.." I paused for a moment then continued, "she's my mom."

My Stepbrother And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon