Je, Scarlette Dior Moreau Alcantara, solennellement jure que je serai une bonne fille, soeur, ami, étudiant, camarade de classe et citoyen à partir de maintenant. [I, Scarlette Dior Moreau Alcantara, solemnly swear that I will be a good daughter, sister, friend, student, classmate, and citizen from now on.] ...Huhuhuplease, I can't die with this guy.
"IT'S YOUR FAULT!" Sigaw niya sabay hampas sa steering wheel.
"NO, IT'S YOUR FAULT!" I retorted.
"You've given me the wrong map!" Then he showed me the map he was referring to.
"IKAW TONG NAG MAMANEHO NO!" Sabi ko naman sabay alis ko naman sa seatbelt ko. "ATSAKA MALAY KO BA DYAN!" Sabi ko habang tinuturo ko yung map. "Nous sommes morts!" I muttered. [We're dead!]
"Sh't! Walang mapupuntahan 'to! Magtanong tanong na lang tayo!" Tinanggal naman din niya yung seatbelt niya. "Damn this car, naubusan pa tayo ng gas!"
He got out of the car and headed toward the trunk, wala naman siyang pake kahit na uma-ambon na. May plano ata 'tong magkasakit e. Maya maya lang e umalis na siya dun at laking gulat ko na pinagbuksan niya ako ng pinto. "Baba." Sabi niya, I immediately followed him. Nagulat naman ako ng inabot niya sa'kin yung payong na hawak niya.
"Baka magkasakit ka, kasalanan ko pa." Sabi naman niya sabay suot niya dun sa hoodie niya at nagsimula siyang maglakad. Psh. Lumapit naman ako sakanya.
"Sumukob ka." Sabi ko tapos ay pinayungan ko din siya.
"Wag na." He said quickly. Bigla naman niyang binilisan yung lakad niya. Hinabol ko naman sabay hampas ko sakanya. "Gusto mo ata magkasakit." Pinayungan ko naman ulit siya.
"Ang kulit mo talaga 'no." Sabi niya tapos tumigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin. "And please, will you stop hitting me." Dugtong niya, hindi ko naman siya pinansin.
Malayo layo naman yung nalakad namin, pero wala pa rin kaming makita ni isang tao o kaya naman bahay, puro rice field pa rin. Until I noticed someone, sa palayan. She's packing her things, dali dali naman kaming lumapit ni Harvey sakanya. "Excuse me po, excuse me!Hello po!" Bati ko. Medyo nahirapan naman kami sa pagpunta sa kanya dahil sa maputik at madulas yung dinadaanan namin.
"Pwede po ba-" I froze, when she came up to give me a tight hug.
"Pa-pasensya na hija, natuwa lamang ako't naririto ka. Bakit ka naparito? Ang laki laki mo na ah! Kamusta na? Ang daddy mo, nasaan? Mabuti naman bumisita ka dito." What is she saying?
"Opo. Malaki na nga po ako.. Haha! Wala po dito si Daddy. Nawawala po kami ngayon, Ha-ha. At naubusan pa po akami ng gas dahil po kasi sakanya." Sabi ko at tinuro ko naman si Harvey. Tinignan naman niya ako ng masama.
"Nawawala kayo? Akala ko e dito talaga ang punta niyo? At sino ba 'tong gwapong binata na ito?"
"Opo nawawala po kami. Yung gwapo po kasing sinasabi niyo ang may kasalanan."
Nakita ko naman siya na nakatingin parin sa'kin ng masama. Hindi ko na lang siya pinansin. Magsasalita pa ulit sana ako ng bigla akong hawakan ni Harvey sa kamay. Tinignan ko naman siya ng masama, nag-wink naman ang loko. "Ako na, baka kung ano pang sabihin mo e." Bulong niya sabay bitaw sa kamay ko."A-ano po. May alam ho ba kayo na malapit na gas station dito?" He asked.
"Gabi na hijo. At sa bayan ka lamang makakapagpa-gas, lumalakas na din ang ulan. Bukas na lamang kayo umuwi at papupuntahin ko ang anak ko sa bayan. Sumama muna kayo saakin sa aming bahay at dun muna magpalipas ng gabi." Sabi naman ni ate, manang, ale?

BINABASA MO ANG
My Stepbrother And Me
Cerita Pendek"You fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time."