[This story inspired by kuya Cris or AkoSiIbarra na nagsulat ng Project Loki. #House Moriarty forever po ako kaya ganito ang story. mas kakampi ko ang antagonist XD]
Yona POV
"Are you sure what you are talking about?" di makapaniwalang tanong ng presidente ng Avilio Agency. Nasa mid 30 na ang lalaki pero nagmumukha ng 45. Nakatayo lamang ako sa likuran ng lalaking nagngangalang Frate Santiago, 22 years old. Siya ang recruiter na nagdala sakin dito sa di gaanong kilalang ahensya ng mga bounty hunters. Kausap niya ngayon ang presidente ng ahensya na nakaupo lamang sa swivel chair na halatang luma na. pansin ko rin ang maalikabok na mesa na di ata nakakaranas ng punas ng ilang buwan. Sa tingin ko ay nawawalan na ng kliyente ang ahensya.
"Maniwala kayo. Si Miss Kisaragi ang makakatulong sa 'tin para ibangon ang ahensyang 'to!" Frate said with confidence. "kahit baguhan pa lang siya ay maaasahan mo ang kanyang abilidad. She caught 8 criminals last week!"
"Wag mo akong bulahin. Imposibleng mangyari 'yun. Look, she's only a High School Student! Di ka ba naaawa sa magulang ng batang yan? Ganyan ka na ba kadesperado para magrecruit ng isang estudyante at isa pa talagang babae?" sigaw ng presidente habang naaawang nakatingin sa direksyon ko. I looked at myself. Ganito na ba talaga ako kaawa-awa tingnan? Nakasuot lang naman ako ng uniform.
"Maniwala kayo Boss! Look at this" wika ni Frate at ibinagay sa boss niya ang tablet na hawak niya. Ipinakita niya ang rankings ng mga famous bounty hunters. "Nakasali sa Top 30 Strongest Bounty Hunter si Yona! Look! Look Boss!" excited na pagscroll ni Frate sa kanyang tablet na hawak ng kanyang boss. Nakatayo na ngayon si Frate sa likuran niya. Nagmumukha na silang mga teenagers na nagche-check ng messages ng crush nila. Nabobored na ako. gusto ko ng umalis.
"Ika-18 si Yona sa ranking! Diba ang astig!" manghang wika ni Frate sa boss. Ngunit bigla na lang nagdilim ang mukha ng boss niya.
"Binibiro mo ba ako ha?! Frate?! Anong Yona ang pinagsasabi mo?" Sigaw ng boss niya na nakatayo na at nakaharap sa kanya. Natakot naman si Frate kaya napaatras ito. "Ang nakalagay na pangalan dito ay Dazai Osamu at titigan mo ng mabuti. Lalaki ang nasa picture. Bulag ka ba o baliw lang?!"
"T-totoo ang sinasabi ko! Iisa lang sila! Nagpanggap siyang lalaki para matanggap siya ng Bounty Hunters Association! Boss, sige na! bigyan niyo naman ng pagkakataon si Miss Kisaragi!" pagmamakaawa ni Frate.
Napabuntong hininga naman ang boss niya. "Look, I don't have time para makipagbiruan. Lumabas ka na Frate kung wala kang matinong sasabihin" malamig na wika ng kanyang boss. Nanlumo naman si Frate sa desisyon ng kanyang boss. I just rolled my eyes at Frate. Wala na ba siyang alam kundi ang magmakaawa sa boss niya? I think it's my time to interfere with this nonsense negotiation. Kung hindi siya mapapayag sa simpleng usapan, idaan na lang natin sa dahas.
"Tara n—" di natapos ang pagsasalita ni Frate ng bigla kong sinugod ang boss niya. Napatayo naman ang matanda sa inuupuan niyang swivel chair ng bigla akong tumalon at nilampasan ang lamesang nakaharang at naglanding ako sa harap niya. Di ko na pinalampas ang pagkakataon at agad na sinipa ang nakaharang na swivel chair.
"Old man, try me" I said without emotion. Mabilis kong hinila ng marahas ang collar niya at malakas na sinipa ang likod ng tuhod para mapaluhod ko siya sa harap ng sarili niyang mesa.
"Stop! Stop! I give up!" sigaw ng matanda sa akin. Tsk. Nagsisimula pa lang ako mag-enjoy. Binitawan ko naman siya kaagad. Napatakbo naman si Frate sa direksyon namin at di alam ang gagawin sa nangyari. Nagulat ko ata talaga si Frate kaya di niya magawang magsalita kahit na siya itong parang shut gun kanina ang bibig.
YOU ARE READING
Killer's Requiem
Misterio / Suspenso[TAGLISH] #413 IN ACTION-5/10/17 This is the story of the bounty hunter and the serial killer. An extraordinary love story at the underground society. All Rights Reserved @ 2017 laarnikuroko18 PLAGIARISM IS A CRIME D...