Chapter 4: Let's Enjoy This Intimacy

211 15 11
                                    

Yona POV

Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko man lang namalayan ang unti-unting pagbagsak ng mga katawan ng mga kasamahan ko dito sa loob ng classroom. Bumalik ang ulirat ko at nilibot ang tingin sa paligid ko. The place is full of red fluid.

Only four of us remained standing and breathing. Nakikita ko pa ang panginginig ng lalaking may hawak ng baril na nakatayo sa harapan ko.

"H-Hindi ako ang pumatay. H-hindi ako." Nanginginig na sabi ni Uy at mabilis na ibinagsak ang baril.

Ang katabi ko namang si Felice Conception ay di namalayang napabitaw sa hawak niyang panyo at tila di makakilos dahil sa gulat. I think she's thinking how lucky she is because she was chosen to survive while the others visited by death without a blink.

"How about that? Nainip ako kaya di makatiis at nagawa kong paliparin ang mga bala sa katawan nila. Where's my credit Uy?" Nakangising wika ni Aron Valdez. The Student Council President? Seriously? This all make sense. He is the one who lured the students here in the first place. Siya ang kinausap ni Echizen at di man lang siya nagduda so it means he is an accomplice all along.

Hindi makasagot si Uy dahil sa takot. Nanginginig ang labi niya at unti-unting napaatras.

"Hey Boss. I apologize for not asking permission. They irritate the hell out of me. They are an eyesore. They are worthy to be killed without warning." Pasimpleng wika ni Aron Valdez at nilalaro ang baril sa kamay at isa-isa niya kaming tinitigan na parang nag-iisip kung sino sa aming tatlo ang uunahin niya.

"....." Hindi nagsalita ang nasa likod ng speaker. I could only hear a deep breathing.

Napangisi ako ng palihim. This guy is a big idiot.

Di nagtagal ay biglang may nagputok ng baril at bumulagta ang katawan ni Aron Valdez sa sahig. That's what I thought. He's a big idiot. He'll be eventually killed because he stands out so much in this dangerous situation.

The one who disobey the rules will perish. The most worthy to be killed is the one who holds the gun.

Napaupo bigla si Uy dahil sa gulat. Nakikita ko ang panginginig niya habang nakatingin sa taong katabi ko. I looked at her handkerchief na nagkaroon ng butas dahil sa putok ng baril.

"I-It's just a defense. I don't w-want to die." Mangiyak-ngiyak na wika ni Felice Conception. Nakikita ko ang baril sa kamay niya. Tinakpan niya ng panyo ang baril para di siya mahuli ni Aron Valdez. Kailan niya pa nakuha ang nahulog niyang panyo?

Nice try, humans are really unpredictable.

"Felice, give me that gun." Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. She seems hesitating. Di naman maalis ang tingin ni Uy sa aming dalawa.

Napahinga naman ako ng malalim. "Give me that gun before the killer behind the speaker will take some action." Malamig kong wika kay Felice.

Bahagya naman siyang napatango at nanginginig niyang iniabot sa akin ang baril. Mabilis kong kinuha ang nakatagong panyo sa bulsa ko para magsilbing gloves at maingat na kinuha ang baril sa kamay ni Felice. Mahirap nang mag-iwan ng ebidensya lalo pa't nasa kamay kami ng mga serial killers.

"Don't do unnecessary actions." Tipid kong wika ngunit may bahid ng pagbabanta sa boses ko.

Lumapit ako sa pintuan. Hawak-hawak ko ang baril at itinutok iyon sa doorknob. Tatlong beses kong ipinutok ang baril. Nagtagumpay naman ako dahil nabuksan ko ang pinto ng walang sinayang na pawis.

Napaisip ako. Bakit ngayon ko lang naisip na gawin 'to? Kung kailan pang tatlo na lamang ang naiwan sa amin ay do'n lamang gumana ang utak ko.

Tinapon ko ang baril na hawak ko at di na ako nag-alinlangang lumabas. My uniform has been stained by blood. I immediately dial the number of Frate. Nakatatlong dial ako kay Frate bago niya sinagot ang tawag ko.

Killer's RequiemWhere stories live. Discover now