I - Introduction

235 11 4
                                    

Ewan ko ba kung bakit palaging nag-aaway yang mga magulang ko, ang raming dahilan!

Kaya binubuhos ko nalang ang galit sa pakikipag-basag ulo.

Kaka-alis ko lang sa bahay, nag-aaway nanaman kasi sila eh..ano pa bang magagawa ko? edi lumayas at maghanap ng away.

Actually papunta na ako dun sa sinabing lugarng mga MEAN Girls DAW ng school. Kalaban ko talaga yang mga babaeng yan. Ang mamaldita kasi, feeling kanila yung school, actually pamilya ko ang may ari nun.

"Hey, hey, you, you, I don't like your girlfriend

No way, no way, I think you need a new one

Hey, hey, you, you, I could be your girlfriend"

Tiniganan ko kung sino tumatawag.

Bestie

Ahh si best lang pala

"Hello?"

"HOY! Miss Scarlet Jane Jimenez!! san ka pupunta?!?!" Ansakit naman nun sa tenga! anlakas ng boses ng babaeng to.

"May gugulpihin" 

"Umayos ka nga Scarlet! wag ka nang makipag-basag ulo please" UGH. I really hate it kapag nagdadrama siya =.= NADADALA AKO EH!

"I'll go to your house after."

"Sige, siguraduhin mo ah!" tapos inend call ko na..

Nakarating na din ako sa lugar. At ayun nga yung tatlong demonya sa gitna ng bakanteng lote. Naka-posing pa! Hindi bagay, mukha silang POWER RANGERS, pano.. Eh yung isa suot nya puro color orange pati accesories, yung isa puro color green, tpos yung lider-lideran nila puro color pink, pati highlights ng buhok pink. Di ba siya nasisita ng school? Sa pag kakaalam ko bawal yun eh.

"Look who's here" sabi ni ate pink with matching landi voice. 

"Malandi" Pabulong kong sinabi sa sarili ko.

"What did you say?!" Ay! narinig pa ni ate orange.

"Bilisan nyo na" Pinapunta kasi ako ng tatlong unggoy na to dito sa bakanteng lote dahil daw epal ako. Niligtas ko lng yung nerd kanina dahil pinapahiya nila. Kahit na wala akong pakialam sa iba ay naawa ako dun sa babae. Halos umiyak na eh.

"MEAN GIRLS! ATTACK!" Sabi ni ate pink. Ano ba yan. Siguro anak nga ang mga ito ng power rangers. Ampanget naman ksi eh. 'Mean girls attack?!' ampanget! Humaighad.

Hala sige! Sugod lng ng sugod, hindi naman ako natatamaan! Sarap pagtawanan mga mukha nila eh, pede nang bagong clown sa perya dahil sa kapal ng make-up. HAHAHAHAHAH-- *PAKKKK*

Sakit yun ah! Ayun, sila naman yung tawa ng tawa, nasampal kasi ako ni ate pink. (-__-") Tanga ko naman. 

Pero masakit talaga eh =.= Ayun! Sinugod ko na. 

*sampal dito*

*sipa dun*

*sabunot dito*

*sapak dun*

Ayan tuloy. TULOG! 

Makaalis na nga. Mapagkamalan pa silang patay, ako pa masisi.

Uuwi na ako. Syempre sa bahay ng bestfriend ko.

Andito nako! Malapit lng ksi yung bakanteng lote sa bahay ni best.

*ding dong* 

"BEST! Ikaw talagang babae ka! Puro ka away! Ayan tuloy may sugat ka sa labi mo! Aayang ang beauty teh!" Etong babaeng to. Parang bakla na kung magsalita =.=

"Pasok muna tayo sa loob, para magamot yang labi mo!" Matapos nya tong sabihin, hinila nya na ako papasok at nag dere-deretcho sa kwarto niya.

Nga pala ang best friend ko ay si Mandy Delo Santos. Ang nag-iisang nanay ko. K JK =.= Nag-iisang bestfriend/ nanay/ tatay/ kapatid. LAHATIN NA FRIEND! 

"Aray! Pede bang dahan-dahan lang?" Sakit kung gumamot! May galit ba to sakin?

"HOY! Kasalanan mo yan!" Eeeh! Sa masakit talaga!

Nanonood lng ako ng tv habang ginagamot ni best ang sugat ko. Ng biglang nag-advertise ang bench. Biglang lumabas si sadako- ESTE lumabas yung G*go.

"Tss. Social climber. Attention seeker. G*go." Sabi ko. Si Mandy naman napatingin sa tv.

"Scarlet naman, akala ko ba naka-get over ka na sakanya?" Nag aalalang tanong niya.

"Oo nga" Proud ko pang sabi.

"Oh? eh bat ganyan ka mag-react tuwing lalabas sya sa tv?"

Hindi nalang ako sumagot. Alam ko namang mababara ako jan eh.

Matapos niyang magamot ang sugat ko sa labi, nagdesisyon na syang pauwiin na ako. Syempre hatid nya!

"Sakay na :))" at sumakay naman ako sa kotse. May driver siya ah! Ayoko nga mag drive katamad no! Hatid niya!

Tahimik lng ako buong byahe. Naaalala ko nanaman ksi ang nangyare noon. 1 year ago.

"Andito na tayo" Epal naman tong si Mandy oh! Kitang nag rereminisce ako eh. >.<

"Sige. Thank you"

Pumasok na ako sa bahay at nakitang nag-aaway parin sina mama. Napatingin ako sa sala at nakita si kuya na nanonood lang tv! Aba! Pano nya kaya to nasikmura tong mga magulang namin?

Derederetcho lng ako sa hagdanan papunta sa kwarto ko nang mapansin ako ng nanay kong bising-busy sa pagsabunot ng tatay ko.

"SCARLET! SAN KA NANGGALING?!?!?!" Kelan pa yan natutong sumigaw?

"None of your business" Nasabi ko nalang at nag lakad na papuntang kwarto.

Bad City Chic [Super SLOW UD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon