Zenry
Hanggang ngayon isa ako sa mga hindi makapaniwala na buhay si lacey. Kaya lahat kami ng 7P ay natatakot at kinabhan. Oo, maling-mali ang ginawa namin kay lacey dati pero gusto namin humingi ng tawad. Sana hindi pa huli ang lahat. Lahat din ng kumpanya namin ay nasa state of crisis, lahat kasi ng investors ng mga company namin ay nag-back out. For now, nasa may ice cream parlor kami, nakain.
"Guys, ayoko na talaga" sabi ni janessa
"Sobrang ubos na ang pondo ng company namin. Wala ng ni isang investor ang gusto mag-invest sa company namin" dagdag naman ni sofia
"Ano ng gagawin natin? Paano nga kung si lacey ang nagawa nito? Gusto ko na humingi ng tawad sa kanya" pagsusumamo ni robles
"Ayoko na talaga. Ayoko na" mangiyak-ngiyak na sabi ni hadley
"Kayo po ba ang 7P? " tanong ng isang bata
"Kami nga, bakit? " tanong ko
"May nagpapabigay po kasi nitong mga red tulips sa inyo. Pinapabigay po ng isang babae kanina. Kakaalis lang po nung babae. Ito po. Mauna na po ako" sabi nung bata sabay abot sa amin nung bulaklak bago umalis
May nakalagay ulit na note dun sa flowers. Panigurado galing ito kay lacey.
Dear 7P,
I hope you like the flowers. Ano masaya ba yung una kong game? Panimula pa lang yun. And don't worry, hindi lang naman kayo ang ginagawan ko ng ganito. This is the second part. Natakot ba kayo? Huwag kayo matakot dahil hindi naman ako multo. Now tomorrow, prepare for my surprise for all of you. See you soon!
-KL
"Ayoko na! " sigaw ni kate sabay takbo papalabas ng parlor
Lacey, please parang awa mo na, tigilan mo na ito. Nagsisisi na kami. Please, patawarin mo na kami
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Ashlyn
Agad na nagkumpulan ang mga esudyante sa bulletin board sa school. May surprise kasi ako for 7P. Ano yung surprise ko? Well, mga pictures nila na kasama si Diana. Anong masama doon? Kasama kasi ako roon, yun yung time na pinapahirapan nila ako. Tsaka sinama ko na rin yung picture na may kasama silang lalaki, iba't-ibang lalaki.
"Grabe ang sama naman nila" bulong nung isang babae sa katabi niya
"Karma na nila yan! Mga flirt! " sabi nung isang student
"Ayun na sila o! Hoy mga flirt! " sigaw nung isang babae kila kate
"Anong sabi mo?! " angil ni zenry
"Flirt! Grabe hindi ba kayo nangangati? Ilang lalaki na ang kinakasama niyo? Nangangati ako sa inyo! Mga haliparot! " sigaw nung babae
"Ano bang pinagsasabi niyo? " tanong ni robles
"Try niyo tumingin sa bulletin board" naka-ngising payo nung isang student
Tumingin ang 7P sa bulletin board at nagulat sila sa kanilang nakita.
"This is absurd! Hindi ito totoo! " sigaw ni janessa
"Talaga? I doubt it. Mga flirt! Mga haliparot! Mangati nga kayo sa ginagawa niyo! Halika na, baka mahawa pa tayo sa sakit at kati nila! " sigaw nung babae na nag-paalis sa mga esudyante. Syempre sumama na ako.
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Bago matapos ang school ngayon, kalat na sa buong campus ang tungkol sa 7P. See? Ano sila ngayon? Bukas, pahinga muna tayo sa 7P. L7 naman tayo bukas. Tingnan natin kung same reaction lang sila ng 7P.
Kinabukasan.........
Nasa classroom na ako ngayon, and like I said, simulan natin ngayong araw sa L7. Maya-maya lang ay pumasok na ang L7 kasama ang 7P sa classroom. Halos matunaw na nga ang 7P sa mga glare ng mga classmate namin.
"OMG, nandiyan na yung mga haliparot" bulong nung isang babae na nasa likod ko
Bago pumasok ang teacher namin, may surprise muna ako sa L7. As if on cue, may nagsasalita na sa broadcasting room na rinig sa buong campus.
Hello L7! Yes, I know that you knew na si lacey ito. For once, let me tell you something, recorded message lang ito. Don't panic, yet. I just wanted to say that, since tumulong kayo sa 7P, you also have to pay for the consequences. Ang pag-back out ng investors ng mga company ninyo, umpisa pa lang iyan. Prepare for the worst. I will keep in touch with you L7. And 7P, nagustuhan niyo ba yung surprise ko kahapon? Hahaha! See you soon!
"Fudge! Huwag kami lacey!" Panakot ni simone
"Humanda ka sa amin lacey!" Dagdag ni Simon
Anong akala nila? Na ganun nila ako kadali huliin? Asa sila! Tingnan lang natin kung gaano katagal nila makakaya ang surprises ko sa kanila
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Kate
Pati ba naman L7 idadamay niya?! Hindi ba kaya ni lacey na lubayan kami?! Nasa private room kami ngayon kasama ang L7.
"Hindi pwedeng uupo lang ako dito at walang gagawin" sabi ni troy
"Bro, alangan pagulpi mo si lacey? Bro, babae si lacey. Hindi sinasaktan ang mga babae" sagot ni ren
"No, papainvestigate ko ang lahat ng nangyayari" dagdag ni troy
"Just make sure na hindi mo masasaktan si lacey. Mamaya niyan pag nasakatan mo siya, lalaong lumalala yung problema natin" payo ni simone
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Ashlyn
I know naman na papainvestigate nila ang mga nangyayari, kaya handa na ako doon. Anong akala nila?Magpapahuli ako? No way!
"Lady Ashlyn, ano pong gagawin namin? " tanong ng investigator ko
"Just make sure na walang lalabas na info about sa akin and sa mga ginagawa ko. And also, make sure na walang masasaktan sa family ko"
Humanda sila sa akin pag nasaktan nila ang family ko
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Hey readers! Goodafternoon! Crown 15 is here!
Vote.
Comment.
Be a fan.Lovelots,
Ms. A 👑
BINABASA MO ANG
Finding The Lost Princess 2: Her Return
Teen FictionI am back! Hi my name is Ms. Mio Ashlyn A. Akatsuki. Heiress of the Akatsuki empire. Dati ako si lacey pero ngayon hindi na. Ilang years din akong nawala at nagpakahirap at nanirahan sa ibang bansa. And now that I'm back, I will make sure that THEY...