Halos isang buwan wala si Lindon, wala na siya, hindi na yata siya babalik. Kapag tinatanong ko naman si madam, hindi siya sumasagot.
"Yana." Wala sa sariling nilingon ko si Joana.
"Bakit panay ang tanong mo tungkol kay sir Lindon? Gusto mo ba siya?"
May humarang sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya, gusto ni Joana si Lindon diba? 'Yon ang sabi saakin ni mam Paris.
"H-hindi no, hehehe, ano ka ba. Sa'yo lang si sir." Labag man sa loob ay sinabi ko 'yon.
Kumunot ang noo niya,
"Ha-ha-ha. Nakakatawa ka no?," sarkastiko niyang sabi, teka--diba gusto niya si sir? Ba't parang diring-diri pa siya sa sinabi ko?"May sasabihin ako sa'yo pero sekreto lang sana natin."
Mabuti nalang at wala si madam Conchita ngayon.
"Sige, makakaasa ka na itatago ko ang sekreto mo." Ngumiti siya saka tumingin sa may bintana. Nasa sofa kasi kami ngayon, tapos na akong maglinis at tapos narin naman siya magluto ng pananghalian.
"Isa akong Arellano, kapatid ako nina sir Lindon at mam Paris." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya? High ba 'to? O baka may lagnat.
Inilagay ko ang kaliwang kamay ko sa noo niya, pati narin sa leeg niya pero hindi naman siya mainit. Wala naman siyang lagnat.
Kinuha niya ang kamay ko at inalis sa leeg niya.
"Half lang nila ako, anak ako sa labas ni Mr. Arellano." Yumuko siya. Hindi ko inakala, may anak sa labas si Mr. Arellano? Sa totoo lang hindi ko pa nakikita sina Mr. At Mrs. Arellano, sa picture na nakasabit sa dinding nitong bahay ko lang sila nakikita.
"Hindi ako matanggap ng ipinalit ni papa kay mama, 'yong step-father, nag-asawa ulit simula nung iniwan kami mama ko, lagi nalang akong binubogbog ni auntie, lagi niya akong nilalait. Kaya napagdesisyunan ko na mamasukan nalang dito, para makalapit ako sa mga kapatid ko. Pero... Hindi rin naman nila ako napapansin. Pati si mam Paris ilag saakin."
Humina ang boses niya at napabuntong hininga.
"Ang gusto ko lang naman ay maramdaman na may nagmamahal saakin." Aniya
Hinaplos ko ang buhok niya. Dapat sigurong sabihin ko sakanya ang dahilan kung bakit lumalayo si mam Paris sakanya.
"Uhm, Joana." Pagtawag ko sa atensiyon niyo. Nilingon niya ako at simpleng ngumiti.
"Alam ko kung bakit ilag si mam Paris sa'yo, akala niya kasi gusto mo si sir Lindon, ayaw niya daw ng ganoon." Nagliwanag ang mukha niya at ngumiti.
"Talaga?!, edi may chance na mas mapalapit pa ako kay mam Paris. Dapat kayang sabihin ko sakanya na kapatid niya ako?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Pagdating dito ay wala na akong maipapayo. Tumayo na ako at nagpaalam sakanya na iinom muna ng tubig sa kusina.
Pagkarating ko sa kusina, nagkalat ang bawang na hindi nagamit ni Joana sa lababo. Agad umikot ang sikmura ko dahil sa pangit ng amoy ng bawang.
"Argh!" Napatakbo ako sa lababo at sumuka. Mas naamoy ko tuloy ang bawang.
"Shit naman." Agad akong kumuha ng tubig.
Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo. Na-stress na nga yata ako sa mga pangyayari.
"Oy, Yana, namumutla ka bakit?"
"Ah. Ano kasi, nahilo ako, 'yong bawang pala, gagamitin mo pa ba?" Itinuro ko ang lababo na sinundan niya naman ng tingin.
"Ay! Naku! Nakalimutan kong iligpit, ano ba 'yan. Sige na Yana, magpahinga ka nalang siguro, napagod ka yata."
Ngumiti lang ako at lumabas na ng kusina. Saktong paglabas ko ay pumasok si madam Conchita ng bahay.
"Yana! Nilinis mo ba ng maigi ang bahay? Sa likod baka hindi mo pa winalisan?" Halatang natataranta si madam.
"A-ah, tapos na po, nilinis ko na, bakit po?"
"Dadating si Doña Eveth at Don Murio, kakamustahin nila sina mam Paris at sir Lindon."
Shit, makikita ko na ba ulit si Lindon?
~•~
Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng boses na nagsisigawan sa baba. Si madam Conchita ba 'yon?
Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa unan ko, hmmm... Nakakatamad naman bumangon, ang sarap ng kama at saka inaantok pa ako.
"Ohmyghad! Murio! Call the police! Kinidnap niya ang anak ko! Humanda saakin ang Aron Villafe na 'yon! My ghad! Conchita! Wateeeer!"
Sino ba ang sumisigaw? Sino ang nakidnap? Napabangon ako ng mapagtanto kong--
"Si Donya Eveth?!" Mahina kong sigaw.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto, nadatnan ko sina madam na inaabot ang isang baso kay Doña Eveth, at si Don Murio naman ay hinahagod ang likod ng Doña.
Lumipat ang mga mata ko sa dalawang tao na magkatabi sa, isang babaeng maganda, sobrang kinis ng balat, katabi niya si Lindon.
Nagtama ang mga mata namin. Sht, hindi pa naman ako nakapagsuklay. Agad din akong umiwas ng tingin at lumapit kay Joana.
"I can't believe this! My daughter! My only daughter! Lindon! Wal bang sinabi sa'yo si Paris?!" Umiiyak na si Doña Eveth.
"Mom, calm down. Tinawagan ko siya, she said, hayaan nalang daw natin siya, mom, she's so inlove on the guy. Hayaan nalang natin sila. Don't worry, magpapakita raw sila saatin bukas."
"Tell her, dito sila pumunta. Magtutuos kami." Puno ng awtoridad na saad ni Don Murio.
"Hon, I think, we should go now? Hinihintay na tayo ni Janine." Rinig kong sabi ng babaeng katabi ni Lindon.
"Mom. We need to go, hinihintay na kami ni Janine." Hinalikan niya sa noo ang mama niya.
"Take care son, Sasha." Sabay lingon sa babae.
Umalis na sila, umalis si Lindon ng hindi man lang ako sinusulyapan. Ganun nalang ba talaga?! Matapos ng mangyari saamin, iiwan niya nalang ako s ere?
"Mabuti nalang talaga at ikakasal na sina Lindon at Sasha. Thank God."
Ikakasal na si Lindon at 'yong babae? Ba't di ako updated?! Wala na ba talaga kaming chance?
Tumulo ang luha ko dahil sa naisip ko, nagsisi akong nagpadala ako sa nararamdaman ko.
"Hoy, hindi ka ba nakikinig saakin Alyana?"
"Bakit ka umiiyak?" Ani madam Conchita.
"W-wala po, ano po 'yon?"
"Dalhin mo 'yong ibang bag nina Doña at Don sa guestroom. Punasan mo nga 'yang mga luha mo. Ano bang nangyayari sa'yo?"
Hindi ko rin alam madam. Nasasaktan ako.
Binitbit ko na ang mga bag nina Doña.
BINABASA MO ANG
Running away from my boss(Completed)
RomanceRated Spg, lol, di naman masyado, hahaha! May mga scenes lang. Beware! Ps:Superduper fast forward. Kaya nga 10chappies lang. Highest ranked #234 in romance R-16 Book cover by koreanugh