Eight months later...
Napapikit ako dahil sa pagod, walong buwan na rin simula noong umalis ako sa bahay ng Arellano, napanood ko sa balita na doon na pala sila nakatira sa bahay na iyon. Mabuti nalang at umalis ako doon.
"Yana!" Tawag ni aling Ising.
"Opo! Eto na po!" Agad kong dinala ang mga nahugasan ko ng plato.
"Hay naku Yana, magpahinga ka nalang kaya? Hindi mo pa naman napapa-check 'yang anak mo. Tapos nagpapagod ka pa?" Sermon saakin ni aling Ising.
Malapit na kasi akong manganak, baka nga bukas manganak na ako.
Natatakot talaga ako, paano nalang kong hindi ko makaya? Mahirap maging single mom. At saka naaawa narin ako sa mama ko, panay ang kontak nila saakin noong nakaraang buwan, wala na kasi akong napapadalang pera sakanila.
"Si Melba na muna ang tutulong saakin ha? O sige na, magpahinga ka muna."
Tumango nalang ako, hawak ang tiyan na pumunta ako sa harapan ng karinderya, magpapahangin muna ako.
Hinaplos-haplos ko ang tiyan ko,
pagpasensiyahan mo na si nanay anak, walang wala talaga tayo, hindi ko pa nga alam kung ano ang ipambabayad ko kapag nanganak na ako sa'yo.Walang-wala talaga ako, ni mga gusto ko ngang kainin hindi ko mabili, umiiyak nalang ako dahil sa inis. Bakit kasi wala dito 'yong ama ng anak ko?
*Bep bep!*
Naagaw ng itim na sasakyan ang atensiyon ko, ang ingay kasi nito, naiirita ako.
Huminto ito sa harapan ko. Tumaas agad ang kilay ko dahil dito. Aba't anong ginagawa ng isang mayamang nilalang sa lugar namin? At sa Karinderya pa talaga ni aling Ising.
Lumabas mula doon ang isang babae, sobrang puti nito, at may bitbit siyang bata.
"Alyana!" Umiiyak na lumapit ito saakin. Si mam Paris!
Lumapit si sir Aron sa amin at kinuha muna ang baby nila. Niyakap ako ni mam ng sobrang higpit.
"Lagi kitang hinahanap. You know, ikaw ang nagbigay saakin ng words of wisdom kaya masaya kami ni Aron ngayon."
"Mam Paris, sir Aron, bakit po kayo nandito?" Nagkatinginan sila.
"Ahm, look, ang laki na ng tiyan mo. Alam mo I'm so worried nung nalaman ko kay Conchita na umalis ka knowing that you're pregnant." Agad na namuo ang mga luha ko.
Nagkapag-asa tuloy ako, baka naman pwede akong humiram ng pera para sa panganganak ko? Kailangan ko lang kasi talaga.
"You know, I think we should talk on a proper place. Pwede ka bang sumama muna saamin?" Sabay pahid sa mga luha niya.
Nilingon ko muna si aling Ising na nakatingin pala saamin. Tumango lang ito hudyat na pumapayag siya. Agad kong hinawakan ang braso ni mam Paris.
"You stop calling me mam ha? Call me ate Paris and you call my husband Aron, you're too formal eh."
~•~
"I miss you so much Yana. Kung alam mo lang."
Nangangati ang bunganga ko, gusto ko sanang itanong kung ano ng kalagayan ni Lindon, kung... Kung may a-anak na ba siya.
"Malapit ka ng manganak, tell me kailan ang due date mo?"
"Bukas po."
"Omygee! Masisilayan mo narin ang anak mo, and of course my pamangkin!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni ate Paris. Alam niya?
"Babe..." Pigil ni kuya Aron.
"P-po?" Tanging lumabasa sa bibig ko. Paano nila nalaman? Sinabi ba ni Lindon? Anong sinabi niya?
"I'm sorry." Mahina niyang saad.
"Its Lindon who told us. Sa gitna ng family dinner namin, he told us na anak niya ang dinadala mo. I'm surprised. Kaya pala ayaw mong sabihin saamin. Good thing, tanggap naman ni, ni uhm--Sasha."
"Sorry po at lumayo ako, baka kasi magkagulo pa. Hindi ko rin naman po sinasadyang mabuntis, sorry po talaga." At nagsimula na akong umiyak.
"Don't be. Kinausap ko si Lindon, he told me, she likes you a lot, pero hindo kayo pwede dahil nakatali na siya kay Sasha, umiyak siya Yana, pero hindi na mababago ang nangyari."
Umiyak siya? He likes me a lot? Hindi ko maiwasang isipin na sana pinaglaban niya ako, na sana hinanap niya ako.
"Ate Paris, hirap na hirap po talaga ako dito, wala naman akong pera para maka-uwi sa amin, gipit na gipit po talaga ako, kakapalan ko na po ang mukha ko. Pwede po bang humiran ng--ah." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil...
"AHH! Manganganak na po ako!"
Ang sakit. Ang sakit sakit.
"Oh my god. Aron! Gimme our baby. Isakay mo ni Yana. Omygod!"
~•~
"Sige mommy, iri lang."
"AHHH! huhu! Argh!"
Hindi na makaya ni Yana, 'yon ang nasa isip niya, wala man lang siyang makapitan dah wala siyang asawa,
"Sige isa pa mommy, I can see her, please one push na lang."
"AHHHHHHH!"
"Uwaaaah!"
Bagsak agad si Yana, ni hindi na niya naisipang silipin ang anak niya. Isa lang ang nasa isip niya. 'Gago kang Lindon Arellano ka, ang sakit manganak!"
BINABASA MO ANG
Running away from my boss(Completed)
RomanceRated Spg, lol, di naman masyado, hahaha! May mga scenes lang. Beware! Ps:Superduper fast forward. Kaya nga 10chappies lang. Highest ranked #234 in romance R-16 Book cover by koreanugh