Seventh[7]

17.9K 372 8
                                    

"Yana, gumising ka na. Kanina ka pa pinapatawag ni madam, naku! Lagot ka talaga!" Hinayaan ko nalang si Joana na yugyugin ako.

"Hay naku, Yana! Tatawagin ko na si madam."

"Ugh."

Agad akong bumangon, inaantok pa talaga ako.

"Ewan ko na talaga sa'yo Alyana Fuentes, ang hirap mo na gisingin ngayon."

"Oo na, maliligo muna ako." Tumayo na ako at kumuha ng damit na susuotin sa cabinet.

--

"Doña Eveth, handa na po ang agahan."

"Salamat." Sinundan ko ng tingin si Joana, alam kong nalulungkot siya, sino ba namang hindi? Kaharap na niya ang tatay niya, hindi pa niya mahawakan. Tsk. Tsk. Kawawa talaga 'yong mga anak sa labas.

Lumabas na ako at nagsimula ng walisin ang mga dahon na nagkalat sa harapan.

"Hay naku puno! Lagi mo nalang akong pinahihirapan! 'Wag ka ngang magkalat dito!" Dinuro ko pa ang puno.

"You should be scared if that tree talked back." Slow-mo na napatingin ako sa lalaking nagsalita.

"Good morning mam!" Bati ni Unyok sa babaeng papasok palang ng gate.

"How are you?" Sumilay sa maganda niyang mukha ang kanyang magandang ngiti.

"I'm fine thank you." At tumalikod na ako. Hmp! Magsama sila ng fiancee niya, ikakasal na pala siya!

"Good morning mam! sir!" Rinig kong bati ulit ni Unyok, nilingon ko kung sino ang binati niya, tapos narin naman akong magwalis.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si mam Paris.

"Mam!" Sinalubong ko ng mahigpit na yakap si mam, grabe ba't parang tumaba siya?

"Hi Yana, how are you?" Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya. Ba't malaki 'yan?

"Yah, I'm too months pregnant. Mag t-three na. By the way this is Aron Villafe, my husband."

"Nice to meet you sir." At nakipagkamay ako.

"You look familiar. Pero hindi naman siguro ikaw 'yon." Ani sir Aron.

"Why babe?"

"Para kasing siya 'yong babaeng kahalikan ni Lindol sa opisina niya, but I'm sure hindi siya."

Pekeng tumawa nalang ako.

"Ah, mam, nadiyan na po sina sir Lindon, ready narin po ang agahan, pumasok na po kayo." Hinawakan ni mam Paris ang tiyan niya at naglakad na papasok. Halatang kinakabahan siya.

"Hi."

Authomatic na nilingon ko ang nagsalita sa likod ko. Isang lalaki, gwapong lalaki. Siguro magkasing edad lang kami.

"I'm Shawin, kapatid ko si Shasha na fiancee ni kuya Lindon, nandito na ba sila?"
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Lord naman, kainis ba't sa lahat ng pwede niyang pagtanungan ako pa?

"Uh miss?"

"A-ah, oo, nasa loob na sila." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papasok.

Fiancee! Kainis! Letcheng Lindon!

"Hey--wait!" Tumigil ako sa paglalakad dahil hinila ni Shawin ang braso ko.

"Ano?" Inis kong tanong.

"Woah, easy. Gusto ko lang malaman ang pangalan mo."

"Yana, oh alam mo na diba? Pwede na bang umalis."

Running away from my boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon