Hanggang ngayon, hindi ko pa din nalalabhan ang panyo niya. Ayoko kasing mawala yung amoy niya dito.
Nung naglalakad ako pauwi kahapon, tinawag niya ako “Alice, Hi! Yung panyo ko?” sabi niya.
“ ay, sorry Matt ah. Hindi ko na kasi alam kung saan ko nilagay yung panyo mo. diba nga sumakit yung mata ko kaya hindi ko na siya masyadong napansin kung saan ko nilagay.” sabi ko sakanya.
“Okey lang, wag ka ng mag-sorry parang panyo lang eh.” sabi niya.
“Hindi mo ba ako kilala?” sabi ko.
“Kilala kita, ikaw si Alice diba? Ang Cute nga ng pangalan mo eh Alice Rain Bow Cyan Fernando. Rainbow ba talaga? Parang ikaw ang Cute! ” sabi niya saakin, habang kinakamot niya yung ulo niya,
“Oo, kasi nung pinapanganak daw ako may rainbow na lumabas at color cyan siya sabi saakin ni Yaya Ising since, 1st year classmates tayo diba?” sabi ko sakanya.
“Oo alam ko yun, lagi nga kitang nakikitang umiiyak mag-isa nuon eh!” sabi niya.
“nakikita mo pala ako. Oo nga eh, wala naman atang araw na hindi ako umiiyak? Hehe. Ikaw ba umiyak ka na?” sabi ko.
“Oo naman, sa taong mahal ko,” sabi niya,
“Ah, sorry ah. Masyado na ata akong pa-epal at ang dami kong tanong sayo? Feeling close ba masyado?” sabi ko,
“ hindi naman, osige. Mauna na ako at hinihintay pa ako nila Jude. Bye Ingat ka nalang! See you tomorrow. ” sabi niya habang lumalayo na para lumapit kila Jude.
“Byeeeeeeee!” sabi ko habang kumakaway sakanya pero nakatalikod na siya. Ang saya naman ng araw ko ngayon!
Sa mga araw na lumilipas na mag-kasama kami, parang nahuhulog na ata ako sakanya? Yung tipong ang ganda ako kapag siya ang kasama ko. Lagi kaming mag kasama at lagi kaming umaalis, parang nag-dedate kaming dalawa na hindi siya nanliligaw.
Parang Mahal ko na ata siya?
“Hoy! Wag kang malandi, Alice” sabi ni ate saakin ng pasigaw.
“Ate? Bakit naman? Ano bang ginawa ko sayo?” sabi ko sakanya.
“bakit kayo mag-kasama ni Matthew?” sabi niya.
“hindi naman kami mag-kasama ah? Bakit ba?” sabi ko ng pasigaw.
“MALANDI KA! INGGITERA KA! LAYUAN MO SIYA, IKAW TABA! UMALIS KA NA NGA DITO SA BAHAY NAMIN AT HINDI KA NA KASYA SA BAHAY NA TO. MASYADO NG MASIKIP KAPAG IKAW NA ANG KASAMA! MALANDI KA.” sabi niya saakin ng sumisigaw.
“pwde ba ate, tumigil ka na nga! Hindi na ako natutuwa sayo! Lagi ka nalang ganyan. Ang sama na ng ugali mo. ang ganda mo nga pero yang ugali mo naman kasing kapal ng taba ko! Oo mataba ako pero kung kumpara sayo kung sino ang mas maganda, AKO NA ATA! Ako mataba? Ikaw PLASTIK! Akala mo kung sinong mabait at may concern saakin kapag pinapagalitan ako nila mama pero ikaw pa nga tong pinaka tuwang-tuwa! Ang kapal ng muhka mo.” sabi ko.
Umakyat na ako sa kwarto dahil nakita ko si Mama at baka ako nanaman ang pagalitan. Ako nalang daw ang umintindi kay Ate!
Ako naman palagi ang umiintindi diba? Si Matt lang ang nakaka-intindi saakin, siya lang! siya lang!
Text Message received: Messenger: Matt <3,
Hi, Alice! Pwde ba kitang makita ngayon? <3
Text Message send:
Hello, Matt! Sorry ah. Hindi kasi ako pwde ngayon eh. Next time nalang!
Text Message received: Messenger: Matt <3,
please? Puntahan kita diyan sa bahay nyo.
Text Message send:
osige na nga. <3
Text Message receved: Messenger: Matt <3,
nandito na ako sainyo! Bumaba kana see you, beautiful lady! <3
Pag baba ko nakita ko si Matt, i-neentertain ni Ate Messy si Matt. Sobrang close ata nilang dalawa?
“Matt, nandito ka na pala” sabi ko papalapit sakanila.
“oo, nadito na siya! Umalis kana.” sabi saakin ni Ate.
“Matt?” sabi ko.
“Ay, sorry ah. Aalis pala kami. Next time nalang” sabi niya.
“ah, osige. Aalis din naman talaga ako. Bye ingat nalang!” sabi ko tapos umalis na ng bahay.
Wala naman talaga akong pupuntahan eh. Masyado pa akong galit kay Ate! So ito ako, kumakain mag-isa! Akala ko pa naman magiging masaya ako ngayon.
Pag-uwi ko ng bahay, tulog na silang lahat.
--
Nagkasalubong kami ni Matt papsok sa school,
“Hi,Alice!” sabi ni Matt saakin.
“Hello,Matt!” sabi ko.
“sorry kahapon ah, umalis kasi kami eh.” Sabi niya.
“okey lang!” sabi ko.
“Halika ka nga dito! ” sabi niya tapos niyakap niya ako.
“huh” sabi ko.
Pagpasok namin ng classroom, bigla niya akong Kiniss sa lips. Hindi ko alam kung bakit pero masarap pala ang feeling ng ganito? Ewan ko ba.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may gusto na siya saakin? Totoo na ba talaga to? Hindi ba ako nanaginip? At nakita pa ng mga classmate namin na kiniss niya ako. Sa harap ba naman nila diba?
Ang daming nag-bubulungan na bakit ako pa daw yung kiniss ni Matt dapat siya nlang daw. Ang taba-taba ko daw, basta ang daming comment about that kiss. But, it’s just a KISS!
“TUMIGIL NA NGA KAYONG LAHAT! Hindi ba kayo nahihiya? Ang sasama ng ugali ninyo? Hindi ba pwdeng mag-mahal sa katulad ni Alice? Ibang-iba siya sa lahat ng mga nakilala kong babae kaya ko siya nagutuhan. At MAHAL KO SIYA! MAHAL NA MAHAL!” sigaw ni Matt sa lahat ng classmates ko.
“Tama na, Matt. Hayaan mo nalang sila!” sabi ko sakanya habang hawak niya yung kamay ko.
“Hindi, Alice! Lagi ka nalang nila ginaganyan, hindi kaba napapagod umiyak at manhid ka na ba?” sabi niya saakin.
“Oo naging manhid na ako. Dahil pagod na pagod na ako! Pagod na pagod! Ayoko na, Matt. Tama na! wala ding mangyayari ” sabi ko habang umiiyak.
“okey lang yun, Alice. Nandito lang ako para alagaan ka at proteksionan. Dahil mahal kita!” sabi niya saakin.
“Matt?” sabi ko.
“Oo tama ka ng pagkarinig, at maraming nakarinig nun, Alice. MAHAL KITA, can you be my Girlfriend?” tanung niya saakin.“yes!” Sigaw ko. Tapos hi-huge ko siya at kiniss niya ako sa lips.
BINABASA MO ANG
Life's Motivation
Fanfic“A journey of a thousand miles begins on a single step.” And my single step is my Life’s Motivations. Isang babaeng simple ngunit may kakaiba sakanya.. Sana ay makakuha ka ng aral sa kwentong ito,:)