CHAPTER 9, I really need someone

198 14 7
                                    

Hindi nag-tagal hindi ko nga natiis ang anak ko kaya’t minabuti ko ng pumunta sa bahay nila Matt.

At habang papunta ako sa bahay nila, parang bawa’t hakbang ko ay parang pinapatay ako.

Akala ko ay wala lang pero nakita kong parang ang daming tao sa bahay nila? At lahat naka-puti at may naka-itim?

Hindi ko napigilang Umiyak dahil nakita kong wala na ang anak ko.

Nag-madali akong tumakbo papunta sa kabaong niya pero huli na ang lahat.

Dapat hindi ko na binigay at pinaala muna si Blue kay Matt.

Wala siyang kwentang AMA! Kahit saktan niya ako, okey lang wag lang anak ko pero, pati Blue?

Napaka-bata niya para mamatay!

Hindi pwde.  please, Blue.

Alam kong tulog ka lang, wag mo akong iwan.

Mahal kita anak! Parang awa mo na, wag mo akong lokohin ng ganyan.

Hindi ko kayang mawala ka! anak. Marami pa tayong pangarap dalawa.

Akala ko gusto mong maging Piloto, at ako ang unang sasakay sa sarili mong eroplano? Ako lang diba? Pero bakit. Anak!

Wag mo akong iwan.

Yung mga oras na yun parang naka-pasan saakin ang buong mundo?

Lahat ng problema nasaan na. Bakit si Blue pa ang kinuha mo Panginoon? Pwde ako nalang. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.

Siya ang buhay ko pero bakit ganun? Gaano ba akong kasamang ina para mamatay ang anak ko?

Diyos, parang awa mo na ibalik mo ang anak ko! Mahal na mahal ko siya. LORD PARANG AWA MO NA! HINDI KO KAYA, HINDING-HINDI.

“Alice, sorry. Hindi ko naligtas si Blue. Hindi ko sinadyang malunod siya sa pool.” Sabi ni Matt saakin.

“Hindi ko kaya, Matt. Yung makita kong naka-higa sa kabaong ang anak ko? Hindi. Pero yung lokohin mo ako, okey lang saakin, pero bakit siya pa ang namatay at nalunod! DAPAT IKAW NALANG! IKAW NALANG. Naririnig mo ba ako? Ikaw nalang dapat ang namatay hindi ang anak ko. Total wala ka namang paki-alam sa nararamdaman ko dahil hindi mo siya anak! Anak ko siya, ako lang! kaya ko siyang buhayin. Pero bakit ganun? Siya pa.” sabi ko habang umiiyak at tinutulak si Matt papalayo saakin.

“Masaya kami nung araw na yun, pero wala na akong nagawa dahil buhay din ng anak ko ang nalulunod. Dalawa silang nalulunod, Alice! Ang anak ko at ang anak mo. gaya nga ng sabi mo, dapat ako nalang ang namatay pero hindi ko talaga sinasadya. Nalulunod din ang anak ko at hindi ko rin siya kayang makitang naka-higa diyan sa kabaong. Ginawa ko ang lahat para lang isalba siya pero hindi na niya kinaya, Alice. Hindi mo ba alam na mahina ang baga niya? Kaya hindi niya kinaya. Hindi ko talaga alam na ganun ang mangyayari! Sorry.” Sabi niya saakin habang umiiyak at hawak-hawak ang kamay ko.

“Tigilan mo nga ako diyan sa pag-iyak mo. hindi mo ako madadaan diyan sa pag-iyak iyak mo. kung gusto mo may paraan! Kung gusto mo, pero ayaw mo pinabayaan mo siyang mamatay! PINABAYAAN MO SIYA! Ako nalang sana yung nalunod at namatay pero bakit siya pa? YUNG ANAK KO! Alam ko namang wala kang paki-alam sa anak mo pero sana naman sinabi mo na agad saakin na hindi mo siya kayang alagaan dahil sa may anak ka na din, pero alam mo bang Birthday wish niya yung makita ka niya? Yung mga mayakap siyang tatay? Yung masabihan siya ng Anak ng tatay niya! Alam mo bayun. Gusto niyang maging Piloto, marami kaming pangarap dalawa na hindi ka kasama pero anung ginawa mo pinabayaan mo lang siya? WALA KANG KWENTA. Akin na ang anak ko at uuwi na kami. Hindi ko siya kayang mawala saakin. Hinding-hindi, ika mamatay ko rin. IBALIK MO SIYA SAAKIN, MATT! Parang awa mo na. Mattttttt! “ Sabi ko sakanya habang nayayakap ako sa kabaong ni Blue.

Hindi ko na talaga kinaya yung mga nangyayari ngayon.

nung una niloko niya ako at ngayon naman  pinabayaan niyang mamatay ang pinakamamahal kong anak, Ayoko  na!

At nahimatay nalang ako.

Life's MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon